Ipinagpaliwanag ni Representative Benny Abante ang vlogger na si Joie Cruz sa pagpapatuloy nitong Martes, April 8 ng pagdinig ng House Tri-Committee tungkol sa pagkalat ng disinformation sa social media. Kinuwestiyon kasi ni Abante ang pag-mura sa kanya ng vlogger sa isa nitong video kasabay ng pag-giit na hindi kasama sa 'freedom of speech' ang pagmumura sa mga indibidwal.
Depensa ni Cruz, hindi naman sila personal na magkakakilala ni Abante kaya maituturing lang na obserbasyon ang kanyang naging pahayag.