Binigyan ni Jennylyn Mercado ng "warning" o bagay na dapat i-"look-forward" sa buhay-may-asawa ang Everything About My Wife co-star nila ni Dennis Trillo na si Sam Milby.
Natanong kasi sina Jennylyn at Dennis tungkol sa isang eksena nila sa pelikula kunsaan may ginagawa sa loob ng banyo ang character ni Dennis habang kinakausap ng character ni Jennylyn.
Ani Jennylyn, ganun na ganun daw ang nangyayari sa kanila ni Dennis maski sa totoong buhay.
Aniya pa, wala nang inhibitions. Napabaling tuloy si Jen kay Sam na sinabihan ito ng, "Oo, gano'n. Look forward mo yun...
"Mag-ready ka lang... Warning," sabi pa ni Jennylyn kay Sam na natawa na lang sa ginawa sa kanya ng co-star.
Panoorin ang masayang eksenang ito sa interview portion ng media premiere ng Everything About My Wife.
Palabas na sa mga sinehan ang pelikulang ito na mula sa produksyon ng Creazion Studios, GMA Pictures, at Glimmer Studio.