Heaven Peralejo: "BATA PA LANG AKO I'VE BEEN DRINKING GIN BILOG!" | PEP INTERVIEWS
  • 4 months ago
Bilang calendar girl ng isang brand ng alak, sinabi ni Heaven Peralejo na isang "dream come true" raw sa kanya na i-represent ang inuming ito.

Sa katunayan, bata pa lang daw siya ay umiinom na siya ng "Gin Bilog."

Ang "Gin Bilog" ay ang variant ng Ginebra San Miguel Gin na nakalagay sa 350 ml na bote.

Tinanong din si Heaven kung ano ang mga naging preparasyon niya para sa kanyang calendar shoot.

Aniya, nag-workout siya katulad ng martial art na muay thai at sinubukang mag-OMAD o "One Meal-A-Day" diet.

Kaya lang, hindi raw nag-work sa kanya ang OMAD at mas pinili ng kanyang katawan na kumain nang normal na lang.

Isa rin daw sa mga naging challenge sa kanya ang hindi niya makuha agad ang resulta na gusto mula sa kanyang pagda-diet at workout.

Mabuti na lang daw at kinausap siya ng mga tao sa likod ng liquor brand na kanyang ire-represent at sinabihang huwag ma-pressure.

Panoorin ang iba pang sinabi kay Heaven na nagpabalik sa kanyang kumpiyansa sa sarili.

#heavenperalejo #ginebra #pepinterviews

Video: Chriselle Olaguera
Edit: Rommel R. Llanes

Subscribe to our YouTube channel! https://www.youtube.com/PEPMediabox

Know the latest in showbiz at http://www.pep.ph

Follow us!
Instagram: https://www.instagram.com/pepalerts/
Facebook: https://www.facebook.com/PEPalerts
Twitter: https://twitter.com/pepalerts

Visit our DailyMotion channel! https://www.dailymotion.com/PEPalerts

Join us on Viber: https://bit.ly/PEPonViber

Watch us on Kumu: pep.ph
Recommended