Anji Salvacion: "If you think you hurt me, you didn't!" | PEP Spotlight
  • last month
PART 1: Tila may hugot si Anji Salvacion sa sagot niya nang tanungin sa first part ng kanyang PEP Spotlight interview kung ano ang inspirasyon sa likod ng kanyang bagong album na Grit.

Hindi rin kasi biro ang pinagdaanan ni Anji bago niya narating ang kinalalagyan niya ngayon.

Mula sa pagiging mahiyaing bata na pinilit pa ng ina para lang makasali sa isang singing contest sa bayan nila sa Siargao, hanggang sa dumayo pa siya sa lungsod ng Kamaynilaan para lang mag-audition sa iba't ibang reality shows noon ng ABS-CBN.

Nagbunga naman ang kanyang pagpupursigi nang makapasok na siya sa showbiz at tuluyang pumaimbulog kasama ang iba pang mga bituin ng Kapamilya station nang itanghal siyang grand winner ng Pinoy Big Brother Kumunity Season 10, ang ika-sampung season ng Big Brother franchise ng ABS-CBN kunsaan puro celebrity ang kasali bilang housemates.

Panoorin ang first part na ito ng PEP Spotlight on Anji!

#anjisalvacion #grit #pepspotlight

Hosts: Khym Manalo & Tin Baylon
Videographers: Richford Unciano & Rommel Llanes
Video Editor: Rommel Llanes

Subscribe to our YouTube channel! https://www.youtube.com/@pep_tv

Know the latest in showbiz at http://www.pep.ph

Follow us!
Instagram: https://www.instagram.com/pepalerts/
Facebook: https://www.facebook.com/PEPalerts
Twitter: https://twitter.com/pepalerts

Visit our DailyMotion channel! https://www.dailymotion.com/PEPalerts

Join us on Viber: https://bit.ly/PEPonViber

Watch us on Kumu: pep.ph