Marami raw mami-miss si Gladys Reyes sa yumaong multi-awarded actress na si Jaclyn Jose.
Kuwento ni Gladys, nine years old pa lang siya ay nakasama na niya si Jaclyn.
Una raw silang nagkasama sa Lovingly Yours, Helen, ang popular na 1980s afternoon program na nagpapalabas ng mga eksena base sa buhay ng televiewers nito na sumusulat sa programa.
Enjoy raw silang magkasama ni Jaclyn, maging sa taping man o shooting ng pelikula.
Grabe raw ang tips na binigay nito sa kanya at hindi niya makakalimutan ang paghula pa sa kanya nito na mananalo raw siyang best actress.
Ikinuwento rin ni Gladys na may isang hindi pinapaniwalaan si Jaclyn.
Ano kaya ito? Panoorin sa video.
#gladysreyes #jaclynjose #pepinterviews
Video: Bernie Franco Edit: Rommel Llanes
Subscribe to our YouTube channel! https://www.youtube.com/@pep_tv