Ipinagtapat ni Wency Cornejo na gusto na rin niyang iwanan ang pag-awit para i-pursue ang isa pa niyang passion.
Ang passion niyang ito raw talaga ang orihinal na gusto niyang gawin sa buhay. Sa hindi nga lang niyang maipaliwanag na kadahilanan, sa pag-awit siya napunta.
"Ewan ko nga kung paano ako napunta ro'n," sabi pa ng dating leads singer ng '90s Pinoy rock band na AfterImage.
Nag-aral pa nga raw siya sa Italy para lang magpakadalubhasa sa partikular na bagay na gusto niyang gawin.
Panoorin ang pagtatapat ni Wency.
#pepvideo #wencycornejo #afterimage
Video: Jerry Olea Edit: Rommel Llanes
Subscribe to our YouTube channel! https://www.youtube.com/@pep_tv