Isa sa paboritong leading man ni Nora Aunor si Bembol Roco. Nagkasama na rin sila sa ilang pelikula at nagkaroon na ng magandang pagkakaibigan dahil dito.
Sa eksklusibong panayam ng PEP Troika, ibinahagi nito kung gaano sila ka-close bilang magkaibigan. Itinanggi rin nito ang haka-haka noon na naging magkarelasyon sila ng namayapang Superstar.
Pero para kay Bembol, napakagandang tao raw ni Nora. Ibang klase kung magpakita ng pagmamahal at alam mo raw na totoo ang concern nito sa isang tao.
Samantala, kinumpirma naman ni Bembol ang pagiging pilya ni Nora paminsan-minsan. Ani pa ni Bembol, "Baltik siya, actually.
"Certified crazy siya, e. Pero in a good way. Hindi nakakasakit, alamm mo na... Nakakatawa nga talaga, actually.
"Natural na natural kung anuman yung kapilyahan niyang konti."
Hindi pa rin daw nagsi-sink in kay Bembol na wala na ang kanyang kaibigan.