Matapos ang limang araw na pagburol at paggawad ng State Necrological service sa Metropolitan Theater, inihatid na sa kanyang huling hantungan ang yumaong Superstar at National Artist na si Nora Aunor sa Libingan ng mga Bayani kunsaan ginawaran siya ng State Funeral bilang pagkilala sa kanyang pagiging Pambansang Alagad ng Sining Para sa Pelikula at Sining Brodkast.
Tinanggap ni Ian de Leon, ang panganay na lalaki nina Nora at Christopher de Leon, ang itinuping bandila ng Pilipinas bilang pakikiramay ng estado sa kanila.