Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Sarah Lahbati sa opening ng Travertine: Longevity and Wellness Spa sa EDSA Shangri-La Plaza nung January 24, 2024.
Hiningan namin ng eksklusibong reaksyon ang estranged wife ni Richard Gutierrez tungkol sa pagbibgay sa kanya ng title ng netizens bilang "Patron Saint of Waldas."
Base ang titulo sa isang TikTok video ni Sarah kunsaan ipinapakita siyang nagli-lipsynch sa audio na "Nah, I don't think you understand. I'm obsessed." May caption pa ang video na "Who wants to go shopping with me."
Tila sagot ito ni Sarah sa pasaring sa kanya ng biyenan na si Annabelle Rama na nagkomento nung kasagsagan ng isyung hiwalayan nila ng asawang si Richard Gutierrez.
Ani Annabelle, "Nakikita mo na iyan. Si Richard trabaho nang trabaho, yung isa nagwawaldas ng pera. Yun lang ang masasabi ko diyan."
Panoorin ang reaksyon ni Sarah sa "Patron Saint of Waldas" title niya.
#sarahlahbati #richardgutierrez #annabellerama
Video: FK Bravo Edit: Rommel R. Llanes
Subscribe to our YouTube channel! https://www.youtube.com/@pep_tv