Sa PEP Exclusives interview ni Liza Soberano, ikinuwento niya kung paano napunta sa kanya ang role bilang Taffy sa Hollywood movie na Lisa Frankenstein.
Inilahad din niya ang experience ng pakikipagtrabaho sa lead stars ng pelikula na sina Cole Sprouse at Kathryn Newton.
Naibida rin ni Liza ang closeness nila ng direktor ng pelikula na si Zelda Williams, anak ng yumaong Oscar-winning actor at comedian na si Robin Williams.
Malaki ang naging papel ni Zelda para makuha ni Liza ang kanyang role sa Lisa Frankenstein.
Mismong si Zelda raw ang nag-offer kay Liza na mag-audition para sa role.
Sa interview na ito, mapapanood na maski si Liza, hindi makapaniwala sa isinagot niya kay Zelda sa alok na pag-audition.
Panoorin ang PEP Exclusives interview na ito ni Liza.
#lizasoberano #lisafrankenstein #pepexclusives
Video of interview courtesy of Universal Pictures Special thanks to Ad Pub Hub Host: Rachelle Siazon Video Editor: Stephanie Lim
Subscribe to our YouTube channel! https://www.youtube.com/@pep_tv