Tinanong ang Everything About My Wife stars na sina Dennis Trillo, Jennylyn Mercado, at Sam Milby tungkol sa common passion nila sa kasalukuyan — ang pagmomotorsiklo.
Biniro pa ni Sam ang mag-asawa na magmomotor sila papuntang Mindanao at magpi-Philippine Loop o liligirin ang buong Pilipinas.
Pero ang gusto naman nina Jen at Den ay madala si Sam sa lugar na madalas na pagmotoran nila — ang Infanta, Quezon.
Nang hingan ng tip tungkol sa pagmomotor, payo ni Jennylyn at Dennis na i-enjoy lang, mag-ingat, at huwag masyadong mabilis magpatakbo.
Nang marinig ni Sam ang mabilis na pagpapatakbo, makikita ang reaksyon nito.
Marami raw kasing naririnig ang mag-asawa tungkol sa mabilis na pagpapatakbo ng motor ni Sam.
Bago pa nahilig sa pagmomotor sina Jennylyn at Dennis, matagal nang nagmomotor ang Kapuso actor kahit na noong nasa U.S. pa ito.
Nagkakantiyawan tuloy ang tatlo dahil dito.
Panoorin ang masaya nilang biruan sa video na ito.