Kuwento ni Dina Bonnevie, para raw kay Mother Lily Monteverde ay dalawa lang ang original Regal Babies niya: Siya raw at ang kapwa aktres na si Alice Dixson.
Ikinuwento rin ng aktres kung paanong naging animo tunay na ina niya si Mother Lily dahil lagi siyang tinatawag at isinasama nito, maging sa pagkain ng lugaw, pagpapamasahe, sa pagligo, kahit na kapag may alitan ang yumaong producer at ang yumao na ring asawa nito na si Father Remy.
Ibinahagi rin ni Dina ang orihinal sana niyang screen name dahil na rin sa naging paborito siya ni Mother Lily at itinuring pang isa sa mga anak na babae nito.
Panoorin ang paglalahad ni Dina.
#dinabonnevie #motherlilymonteverde #regalfilms
Video: Arniel Serato Edit: Rommel Llanes
Subscribe to our YouTube channel! https://www.youtube.com/@pep_tv