Isa si Dennis Trillo sa mga nalungkot sa pagpanaw ng itinuturing na isa sa mga haligi ng Pelikulang Pilipino, ang Regal Matriarch na si Mother Lily Monteverde.
Pumanaw ang showbiz icon nitong Agosto 4, 2024 sa edad na 84, isang araw matapos na ihatid sa huling hantungan ang kabiyak nitong nauna sa kanyang pumanaw na si Remy Monteverde.
Ayon kay Dennis, malaki ang kanyang utang na loob dahil sa pagtiwala sa kanya ng isang malaking role na naghatid sa kanya ng lubos na pagkilala at parangal.