Ibinahagi ng writer and actress na si Racquel Villavicencio nung unang beses niyang nakilala si Mother Lily Monteverde. Noong una pa lamang daw ay ayaw niya na ito makatrabaho dahil kilala itong mataray. Si Direk Ishmael Bernal ang naging tulay para pumayag si Racquel.
Nagsimula ang kanilang working relationship sa mga hindi pagkakaunawaan na kalaunan ay napalitan ng matalik na pagkakaibigan.