Sa pakikipagkuwentuhan pa rin kay PEP Troika Jerry Olea at Allan Diones, nabanggit ni Lorna Tolentino ang minsang naging tampuhan nila ng kanyang manager na si Lolit Solis dahil sa GC o Gift Certificates.
Nabanggit din ni Lorna ang minsang pagkuha ni Lolit sa isa niyang gamit nang nagpagawa siya ng bahay.
Pero sa kabila ng pagiging ganito ni Lolit, hindi naman daw matatawaran ang loyalty nito sa mga alagang artista. Lalo na kapag may sinabing hindi maganda tungkol sa mga ito.
Si Lolit daw ang unang "babarilin" bago ang alaga nito.
Isang patunay kung paano makipaglaban si Lolit para sa alaga nito ay nang minsang may simpal ito dahil sa hindi magandang sinabi tungkol kay Lorna.
Ang matindi pa, kamag-anak pa ito ng asawa ni Lorna na si Rudy Fernandez.