Matapos magkuwento tungkol sa stem cell treatment na ginawa noon kay Lolit Solis, nabanggit din ni Lorna Tolentino sa PEP.ph at sa showbiz reporter na si Allan Diones na noon ay ayaw raw sa kanya ni ng namayapang talent manager para sa alaga nito noon na si Rudy Fernandez.
Si Rudy ay ang yumao na ring action star na asawa ni Lorna. Biniyayaan sila ng dalawang anak na lalaki, sina Ralph at Renz Fernandez.
Pero kuwento nga ni Lorna, ayaw raw sa kanya noon ni Lolit para kay Daboy o Rudy.