Naghandog ng awitin si Martin Nievera para kay Lolit Solis sa burol nito. Pero bago iyon, binanggit muna ni Martin na nung naghiwalay sila ng ex-wife niyang si Pops Fernandez noon ay naging fair naman daw si Lolit sa pagre-report nito tungkol sa kanila.
Mas nag-side nga lang daw ito kay Pops kesa sa kanya, pero aniya, "fair" pa rin si Lolit.