Dagdag na PhilHealth benefits, sapat ba? | The Mangahas Interviews
  • 2 months ago
Tumaas man ng hanggang 30% ang coverage rate ng ilang benefits package ng PhilHealth, tataas din ang premium contributions sa 5% mula sa dating 4%. Pero ayon sa Malacañang, pinag-aaralan pa raw ni Pangulong Bongbong Marcos kung makatutulong ba sa mga miyembro ng PhilHealth ang pagtaas ng premium contributions.

Ayon sa PhilHealth, lahat ay maaaring makinabang sa ipinatupad na dagdag benepisyo sa ilalim ng Universal Health Care Act. Sapat din daw ang pondo para tustusan ang mga benefit enhancement ng PhilHealth.

Ang mga benepisyong sakop ng 30% increase at iba pang usapin sa PhilHealth, sasagutin ni Acting Vice President for Corporate Affairs Group Rey Baleña sa The Mangahas Interviews.
Recommended