- 5/19/2025
-DPWH-VIII: 3-ton weight limit, ipinatutupad sa San Juanico Bridge dahil sa ilang isyu sa structural integrity nito/Office of Civil Defense: Halaga ng emergency repairs sa San Juanico Bridge, posibleng abutin ng P300-P500M/Ilang grupo ng negosyante sa Leyte, nananawagan na bilisan ang pagkukumpuni sa San Juanico Bridge para hindi maapektuhan ang ekonomiya
-DOH, naka-monitor sa covid-19 cases sa Pilipinas kasunod ng pagtaas ng mga kaso sa ilang bansa sa southeast Asia/Ilang health organizations: Ugaliin ang pagsunod sa minimum health standard
-Dapat nakabatay sa malakas na ebidensya ang impeachment trial ni VP Sara Duterte, ayon sa ilang senators-elect/Pagkatalo ng ilang kongresista sa Mindanao, isinisisi ni Rep. Tiangco sa paghahain ng impeachment vs. VP Duterte; liderato ng Kamara, kinontra ito/ VP Sara Duterte: "I truly want a trial, I want a bloodbath"/House Prosecutor Lorenz Defensor: "Hindi kailangan maging bloodbath. Gusto natin, malinaw ang pagkakalatag ng ebidensya"
-Rider, sugatan matapos sumalpok sa isang jeep nang mag-overtake
-Mahigit P1.3M halaga ng hinihinalang shabu, nakumpiska sa buy-bust operation/Suspek, wala raw trabaho kaya nagbenta ng ilegal na droga; nagsisisi na
-Halos P350K halaga ng mga alahas at pera, tinangay ng yaya mula sa kanyang amo
-Bangkay ng babae, natagpuang palutang-lutang sa Bued River
-Lalaki, sugatan matapos sumalpok sa bahagi ng center island sa Taft Ave./Sinasabing mataas na lider ng Dawlah Islamiyah-Maute Group, patay sa engkwentro
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
-DOH, naka-monitor sa covid-19 cases sa Pilipinas kasunod ng pagtaas ng mga kaso sa ilang bansa sa southeast Asia/Ilang health organizations: Ugaliin ang pagsunod sa minimum health standard
-Dapat nakabatay sa malakas na ebidensya ang impeachment trial ni VP Sara Duterte, ayon sa ilang senators-elect/Pagkatalo ng ilang kongresista sa Mindanao, isinisisi ni Rep. Tiangco sa paghahain ng impeachment vs. VP Duterte; liderato ng Kamara, kinontra ito/ VP Sara Duterte: "I truly want a trial, I want a bloodbath"/House Prosecutor Lorenz Defensor: "Hindi kailangan maging bloodbath. Gusto natin, malinaw ang pagkakalatag ng ebidensya"
-Rider, sugatan matapos sumalpok sa isang jeep nang mag-overtake
-Mahigit P1.3M halaga ng hinihinalang shabu, nakumpiska sa buy-bust operation/Suspek, wala raw trabaho kaya nagbenta ng ilegal na droga; nagsisisi na
-Halos P350K halaga ng mga alahas at pera, tinangay ng yaya mula sa kanyang amo
-Bangkay ng babae, natagpuang palutang-lutang sa Bued River
-Lalaki, sugatan matapos sumalpok sa bahagi ng center island sa Taft Ave./Sinasabing mataas na lider ng Dawlah Islamiyah-Maute Group, patay sa engkwentro
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Category
🗞
NewsTranscript
00:00Bawal mo nang dumaan sa Pamosong San Juanico Bridge ang mabibigat na sasakyan dahil sa ilang issue sa structural integrity nito.
00:08Yan ang tulay na nagdurugtong sa mga isla ng Samar Athlete na sinimulang itayo noong 1969 at binuksan sa publiko matapos ang apat na taon.
00:18Ayon sa Department of Public Works and Highways Region 8, hindi mo na maaaring dumaan sa tulay ang mga sasakyang lampas sa tatlong tonilada ang bigat.
00:26Gumamit na lang daw muna ng mga roro vessels sa ilang court sa Samar Athlete para makatawin.
00:34Para na rin daw ito sa kaligtasan ng mga biyero at lokal doon.
00:38Sabi ng Office of Civil Defense, posibleng abutin ng 300-500 million pesos ang halaga ng emergency repair sa San Juanico Bridge.
00:48Nananawagan naman ng ilang grupo ng mga negosyante sa Leyte na bilisan ang pagkupumpuni sa tulay
00:53dahil pangunahin itong daanan ng mga truck mula Luzon, papuntang Visayas at Mindanao.
01:01Nakabantay po ang Department of Health sa COVID-19 cases kasunod ng pagtaas na mga kaso nito sa ilang bansa sa Southeast Asia.
01:09Kabinan po sa mga nakitaan ng COVID-19 spike ang Hong Kong, Singapore at Thailand.
01:13Dito sa Pilipinas, hindi pa rin nakaka-alarma ang COVID-19 cases.
01:18Batay sa datos ng DOH, sa May 3, wala pang 2,000 ang naitalang COVID cases ngayong taon.
01:26Malayo sa mahigit 14,000 kaso sa parehong panahon noong 2024.
01:31Payo ng ilang health organizations sa publiko, ugaliin pa rin ang pagsunod sa minimum health standard
01:37gaya po ng paghuhugas ng kamay at paggamit ng face masks.
01:41Ayon naman sa Private Hospitals Association of the Philippines,
01:45mas mainam kung magpa-routine test ang gobyerno para may basihan,
01:49para masabi kung dumami ba ang COVID-19 cases o hindi.
01:53Sinusubukan pang makuha ang reaksyon na DOH kaugnay niyan.
01:58Blood bath daw ang gustong mangyari ni Vice President Sara Duterte sa kanyang impeachment trial sa Julio.
02:04Sagot naman ng isang House Prosecutor, hindi yan mangyayari basta't maayos na mailatag ang mga ebidensya.
02:10Balitang hati ni Jonathan Andal.
02:15Pagka-proclama kaya re-election ni Senator Aimee Marcos,
02:19sinabi niyang hindi muna siya magkokomento sa impeachment ng kaalyado niyang si Vice President Sara Duterte.
02:25Hanggang talagang magkaroon ng mga katibayan na makakapagkumbensi sa atin, hindi naman maaaring magsalita.
02:32Pero sa isang pahayag sa social media, sinabi niyang panahon na para ibasura ang impeachment laban sa Vice.
02:39Sinabi raw kasi ni Navotas Rep. Toby Tianco,
02:41campaign manager ng Alianza para sa Bagong Pilipinas ng Administrasyon,
02:45na nasuhulan ang ilang kongresista kaya nagpirmahan noon para ma-impeach si Duterte.
02:51Handa raw ang kapatid ng Pangulo na dumulog sa Korte Suprema tungkol dito kung may tetestigo.
02:56Sa panayam ng DZBB kay Tianco, sinisi niya ang impeachment kaya natalo ang ilang kandidato ng Alianza, lalo na sa Mindanao.
03:05This all started noong nag-file ng impeachment.
03:08Nag-solidify yung Mindanao.
03:11Kung dati, nakakakuha yung mga kandidato namin ng boto doon kasi ang basihan nila sa pagpili ng kandidato,
03:17kung sino yung korsonada nila, naiba yung pagpili nila ng kandidato doon kung sino po yung hindi boboto sa impeachment.
03:25Kung sa Cebu, ano bang ginawa na doon sa impeachment?
03:31Diba, nagsalita na yung mga in-interview na napilitan lang po kami makungyema sa impeachment kasi po, iipitin yung pondo namin.
03:39Itinanggihan ng liderato ng Kamara.
03:41No one was coerced, no one was, how do you say it, asked to sign.
03:47You know, everybody signed the impeachment based on their own volition.
03:51Kinontra rin ni Deputy Majority Leader Judas Sidresi Tianco.
03:55Nanalo nga raw sa eleksyon ang 100 sa 115 district representatives na pumirma sa impeachment,
04:02kasama ang 36 sa 44 na kongresistang mula Mindanao.
04:06Si Sagi Partilist Representative at Sen. Elec Rodante Marculeta, natatayong Sen. Judge, sinabing mali ang basihan ng impeachment.
04:14Nakita ko kasi kung paano nila inilatag.
04:20Mali ang batayan, mali ang proseso.
04:22Pagtibatihan muna natin kung talagang kinakailangan matuloy o hindi.
04:26Hindi pumirma si Marculeta sa impeachment, maging ang dalawa pang Senators-elect na si Nalas Piñas Rep. Camille Villar at Act CIS Rep. Erwin Tulfo.
04:36Mahirap po kasi magsasalita eh. Nawala po ako nakikita ang dokumento eh. I mean, if we...
04:43Kaya huwag talagang hindi ako pumirma.
04:46So, this is the time sa Senate na makikita ko pareho, maririnig ko pareho, pareho mag-represent ang kanilang mga pieces of evidence.
04:54I would advise the prosecution team of the House to really present credible evidence.
05:00Ang ibang bagong proklamang Senador, ayaw muna magkomento sa impeachment.
05:05No comment muna po ako dahil magiging impartial po kami kung magkakaroon po ako ng komento ukol dyan.
05:11Antayin po natin yung ebidensya.
05:13And then, hindi ko rin alam kung sigurado yung kanga eh takbo ng impeachment kung kailan mag-office siya, kung ito'y magkakaryover ba o hindi.
05:23Pero si Vice President Duterte sinabi na gusto niyang matuloy ang paglilitis.
05:28I truly want the trial because I want a bloodbath talaga.
05:33Sagot ng isang kongresistang tatayong prosecutor sa impeachment.
05:37Hindi kailangan maging bloodbath dahil gusto natin malinaw lang ang pagkakalatag ng ebidensya.
05:42Labing-anim na boto ang kailangan para makonvick ang vice.
05:46Base sa komposisyon ngayon ng mga tatayong Sen. Judge, pito na ang markadong kaalyado ng mga Duterte.
05:52Obligasyon na lang namin na mailatag ng malinaw ang ebidensya para sakaling ang kanilang konsyensya,
06:00mababalansin nila sa kanilang isip na dapat nga ba makonvick o dapat maakwit.
06:06Jonathan Nandal, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
06:10Huli kam sa kalsadang yan ang biglang pagsalpok ng isang motorsiklo sa isang jeep sa Baloy, Lano del Norte.
06:18Sa lakas ng impact, tumilapon ng rider.
06:21Batay sa investigasyon, nag-overtake ang rider at hindi nakita ang kasalubong na jeep kaya siya bumanga.
06:27Dinala sa ospital ang rider at nagpapagaling na.
06:30Sinusubukan pang makuha na ng pahayag ang rider at ang jeep ni driver.
06:33Mahigit isang milyong pisong halagaan ang hinihinalang siya buong nasabat sa by-bust operation sa Tondo, Maynila.
06:41Balitang hatid ni Bea Pinlak.
06:45Matapos makuha ang hudyat na positibo ang drug by-bust operation,
06:50dali-daling tumakbo ang mga operatiba ng Manila Police District sa gitna ng mga nakaparadang truck na to
06:56sa Mel Lopez Boulevard sa Tondo, Maynila, Sabado ng madaling araw.
07:00Hindi na nakapalagang 50-anyos na lalaki matapos siyang mahulihan ng mahigit 1.3 milyong pisong halagaan ng Umanoy Shabu.
07:10Ayon sa pulisya, ang karaniwang parokyano ng suspect, mga truck driver.
07:15Since nasa area po siya ng road 10, alam po natin na maraming mga truck drivers dyan.
07:21Minsan po nakatayo lang siya doon at nialapitan para mabilhan.
07:26Pero pag wala po siya doon, pinapatawag lang po siya.
07:28Delikado po yan sa daanan. Pagka ang driver po natin ay lulong sa droga, marami po nga madadami na insente yung tao pag nasa kalsada po yan.
07:41Ang paliwanag daw ng suspect sa pulisya.
07:44Ayos sa kanya, wala siyang trabaho kaya patuloy na yung pagtutulak.
07:49Matipid naman ang pahayag ng suspect nang humarap sa amin.
07:52No comment, ma'am. Alam naman natin, ma'am, di masarap dito. Kasi naman nagsisisi.
07:59Reklamong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act ang kakaharapin ng suspect.
08:04Patuloy ang investigasyon para matuntun ang pinagkukuhanan niya ng iligal na droga at ang mga kasabwat niya.
08:12Bea Pinlock, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
08:15Ito ang GMA Regional TV News.
08:23Mainit na balita mula sa Luzon, hatid ng GMA Regional TV.
08:27Wanted po ngayon ang isang yaya sa San Rafael, Bulacan matapos nakawan ang kanyang amo.
08:33Chris, ano ang mga nanakaw niya?
08:38Connie, tinangay ng yaya ang mga alahas at pera ng kanyang amo.
08:42Sa kuha ng CCTV, makikita pa ang suspect na may dalang maleta at naglalakad sa gilid ng kalsada sa barangay Kaingin.
08:50Ayon sa amo, natuklasan niyang ninakaw ang kanyang mga alahas na nagkakahalaga ng 329,000 pesos
08:57nang makita niyang bukas ang kanilang gate nitong Sabado ng madaling araw.
09:01Tinangay rin ng yaya ang pera ng nagkakahalaga ng 15,000 pesos.
09:06Ayon sa biktima, apat na buwang namasukan sa kanila ang babae na nakilala nila sa social media
09:11matapos silang mag-post na naghahanap sila ng yaya.
09:15Ang pakilala ng babae sa kanila, Tagalawag, Ilocos Norte rao siya.
09:19Desidido ang pamilya na sampahan ng reklamo ang yaya.
09:24May nakita namang palutang-lutang na bangkay ng babae sa Bued River sa San Fabian dito sa Pangasinan.
09:30Nakasuot ang biktima ng asul na damit, pantalon at sapatos.
09:33May suot din siyang sing-sing.
09:36Tinatayang nasa mahigit limang talampakan ng taas at edad 30 hanggang 40.
09:42Sa pagsusuri ng pulisya, walang nakikitang sugat o indikasyon ng foul play sa katawan ng biktima.
09:48Maaari daw makipag-ugnayan sa San Fabian Municipal Police Station ang mga posibleng nakakakilala sa biktima.
09:55Ipalilibing naman ang katawan sa kaning walang mag-claim matapos ang isang linggo.
10:00Ito na ang mabibilis na balita.
10:06Sugata ng isang lalaking rider matapos sumalpok sa bahagi ng Center Island sa Taft Avenue sa Malate, Maynila.
10:13Nagtamon ang sugat sa ulang biktima na dinala sa ospital.
10:16Bahagyang bumagal ang daloy ng sasakyan sa lugar dahil sa aksidente.
10:20Inaalam pa ang dahilan ng insidente.
10:22Patay ang iso mo ng mataas na leader ng Daula Islamiya Maute Group matapos makainkwentro ang militar sa Bacolod Calawi, Lanao del Sur.
10:32Nangyari yan sa bulubunduking bahagi ng Barangay Tambo at narecover doon ang isang rifle, mga bala, watawat ng ICs, mga cellphone at iba pang gamit.
10:42Ayon sa mga otoridad, sangkot ang nasawi na sina Sir Dawood sa pagpapasabog sa Mindanao State University Gym sa Marawi City noong December 2023.
10:51Naka-heightened alert na ang mga sundalo sa lugar para sa posibleng pagganti ng grupo.
10:56Naka-heightened alert na ang mga sundalo sa pagganti ng grupo.
Recommended
48:32
|
Up next
20:04
14:08
13:35
45:15
47:11
13:48
46:16
13:18
46:07
14:25
45:08