Scholars ng ‘Project Malasakit,’ abot-kamay na ang mga pangarap! | GMA Integrated Newsfeed
  • 3 months ago
Bata pa lamang ay nagbabanat na ng buto ang magkapatid na sina Charlie at Edrian Bangngayen para lang makatulong sa pamilya. Sumasama sila sa kanilang ama sa kabundukan para manguha ng pulot-pukyutan o honey.

Pero mula nang mabigyan sila ng pagkakataon na makapag-aral nang libre sa tulong ng ‘Project Malasakit’ na grupong itinatag ng journalist na si Kara David, ang mga pangarap ng magkapatid, unti-unti na nilang natutupad.

Ang kuwento ng kanilang pagsusumikap, panoorin sa video.
Recommended