Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 2 days ago
EXCLUSIVE: Kinumpirma ng whistleblower na si Julie "Dondon" Patidongan o alyas "Totoy" na maraming nalalaman kaugnay sa kaso ng mga nawawalang sabungero ang dalawa niyang kapatid na minsan din naging tauhan ng business tycoon na si Atong Ang. Isa raw sa mga kapatid niya ang nakuhanan ng CCTV na nag-wi-withdraw gamit ang ATM card ng isa sa mga nawawalang sabungero. Wala pang pahayag ang kampo ni Ang, pag-uusapan pa ito ng kaniyang legal team, ayon sa isa niyang abogado.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Kinumpirma ng whistleblower na si Dondon Patidongan na maraming nalalaman kaugnay sa kaso ng mga nawawalang sabongero.
00:07Ang dalawa niyang kapatid na minsan ding naging tauhan ng business tycoon na si Atong Ang.
00:13Isa raw sa mga kapatid niya ang nakunang nagwi-withdraw gamit ang ATM card ng isa sa mga nawawala.
00:19Narito ang aking eksklusibong pagduto.
00:21Pagkumpirma ng missing sabongero's whistleblower na si Julie Dondon Patidongan,
00:29naging tauhan din ng isabong tycoon na si Atong Ang ang kanyang mga kapatid na sina Jose at Ella Kim Patidongan.
00:38Ayon kay Dondon, marami ring alam ang dalawang kapatid na tinukoy ng pulisya na missing link sa kaso ng mga missing sabongero.
00:46Sa dami raw ng alam ng dalawa, noong 2022, inutusan umano sila ni Ang na magtago sa Kambodya.
01:05Pero iba raw ang pakay umano ni Ang nang ipagawa niya ito sa dalawa.
01:10Pinapapatayan sa grupo, ito lang. Aming tatlo ang susi talaga nito para malatas itong problema na ito.
01:17Malaki ang may tulong dito.
01:19Kinumpirma na rin ni Dondon na ang kapatid na si Ella Kim ang sinabi niyang nakuhanan ng CCTV na nagwi-withdraw
01:24gamit ang ATM card ng nawawalang sabongerong si Melbert John Santos.
01:29Yung ATM na nagwi-withdraw ay isa kong kapatid yan dahil inutusan ng mga pulis na check-in yung account kung malaki ba ang panalo.
01:40Kung malaki ang kinita doon sa laban at utos daw ni Mr. Atong Ang na check-in kung totoo na malaki ang panalo nila.
01:52Kaya pinaano doon sa ATM na pag-utusan yung aking kapatid.
01:59Yung pulis na ito na nag-utos doon sa kapatid mo, kasama rin sa kinasuhan nyo sa Napolcom?
02:04Yes, kasama, kasama.
02:07Pero itinanggin ni Dondon ang sinabi ng PNP na ang kapatid niyang si Jose,
02:11ang isa sa mga bumitbit sa nawawalang sabongero na si Michael Bautista na nakuhanan sa isang video.
02:17Si Rogelio Roger Burican at saka si Ruyo Dilo Anigig, yun yung bumitbit.
02:23Bakit na-twist na nila ngayon?
02:25Ang height ng kapatid ko, 5'5 or 5'6.
02:29Ang binitbit nila, yung si Bautista, 5'5 ang height noon.
02:36Tingnan nyo yung video, anong height nung bumitbit.
02:39Itinanggirin ni Dondon na inaresto ang kanyang mga kapatid sa Kambodya,
02:43gaya ng sinabi ng PNP, inayosan niya ng DOJ ang pagpapauwi sa kanila.
02:59Samantala, sa isang undisclosed location,
03:02nagsama-sama ang mga kaanak na mga missing sabongeros,
03:05kasama si Dondon para kumplituhin ang kanilang mga affidavit.
03:09Dumating sa lugar ang bagong upong CIDG Director na si Police Brigadier General Christopher Abrahano.
03:16Malinaw para sa amin ang mensahe ng ating General Abrahano na magkakaroon ng hostisya
03:23at sila ay tututok at ang direksyon ay papunta sa hostisya.
03:28Kami po ay natutuwa dahil very clear, may clarity po doon sa pinag-uusapan namin.
03:32Kami nagpapasalamat po para sa dalawang witnesses.
03:37Ito ay magkakorroborate sa mga magiging statements ni Dondon Patidongan.
03:42Wala pang pakayag ang kampo ni Ang.
03:44Pag-uusapan pa ito ng kanyang legal team ayon sa isa niyang abogado.
03:48Para sa GMA Integrated News, Emile Sumangil, Nakatutok 24 Horas.

Recommended