Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • today
EXCLUSIVE: Tetestigo na rin sa kaso ng missing sabungero ang lalaking na-hulicam na nag-withdraw gamit ang ATM card ng isa sa mga nawawalang sabungero, ayon kay Julie "Dondon" Patidongan, alias "Totoy" na nagsabing tauhan niya ang nasa video.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Tetestigo na rin sa kaso ng missing Sabongero ang lalaking na hulikam na nag-withdraw gamit ang ATM card ng isa sa mga nawawala.
00:07Ayon yan kay Dondon Patidongan na nagsabing tauhan niya ang nasa video.
00:12Iyan ang aking tinutukan eksklusivo.
00:18January 14, 2022, nang magkakasabay na nawala matapos magsabong sa Santa Cruz, Laguna,
00:24ang magkakaibigang sina Ferdinand Dizon, Manny Magbanwa, Mark Fernandine at Melbert John Santos.
00:32Kabilang sila sa 34 na nawawalang mga Sabongero.
00:36Higit dalawang oras ang lumipas matapos na iulat silang nawawala.
00:40Nakuhanan ng CCTV ng isang bangko sa Lepas City, Batangas, ang lalaking ito na nag-withdraw sa isang automated teller machine.
00:47Sa investigasyon ng PNP, ATM card daw nang nawawalang si Melbert John Santos ang gamit ng lalaki.
00:56Ayon sa dokumentong nakuha ng pulisya sa bangko, nakapag-withdraw ng kulang 30,000 pesos sa apat na transaksyon ng lalaki mula sa account ni Santos.
01:05Kung ma-identify po natin itong nag-withdraw sa ATM, siya po ang magbibigay liwanag dito sa investigasyon na ito kung bakit po napunta sa kanya yung ATM nung isang biktima.
01:21Ngayon, matapos ang maigit tatlong taon, sa pamamagitan ng whistleblower na si Julie Dondon Patidongan alias Totoy, nagkaroon ng linaw kung sino ang lalaking ito.
01:31Yung nag-withdraw na yan, tao ko rin yan. Isang witness ko rin yan. Close in, security ko yan noon. Saka ko nailabas yan pag kinakailangan.
01:42Naniniwala si Patidongan.
01:43Malaking may tulong yan, gawa yung ATM na yan doon sa isang missing sa Bungiro.
01:48At ang masaman yan, inutusan lang yan nung isang tao ko rin, siya ang kumuha ng ATM bago mawala yung missing sa Bungiro.
01:59Inutusan siya na itong tao na ito para ano?
02:01Para mag-withdraw.
02:02Nanawagan si Patidongan sa iba pa niyang mga tauhan na lumantad na.
02:06Kabilang sa kanila, ang dalawang lalaking nakuha na ng video na bumibit-bit sa isa pang nawawalang sabongero na si Michael Bautista sa isang sabungan sa Santa Cruz, Laguna.
02:16Kung sila at saka si ***, mga tao ko lang din yan. Ang masama lang, nakuhaan sila ng video at todo tanggi at ginamit pa sila ni Mr. Atong Ang na mag-witness again sa akin dahil ako ang tinuturo nilang mastermind.
02:33Nabuhayan ng loob sa mga development na ito ang kaanak ng mga nawawala, lalo na ng ama ni Melbert.
02:40Dati na kasi silang umasa na malilinawan ang investigasyon ng matrace at ma-recover ang cellphone ng anak.
02:47Pero hindi raw ito umusan, kahit pa natukoy umano ng mga investigador na ibinigay sa sibilyan ng isang pulis ang cellphone ng biktima.
02:56Buti lang daw sa pagtatanong ng investigador na itanong daw kung anong pangalan ng pulis.
03:02Ano ang kinalaman ng pulis, Kuya Lambert?
03:04Edy siyempre, diyang lumalabas. Kasi yun ang nagbigay doon sa bata.
03:09Pulis ho ang nagbigay sa bata?
03:11Oo.
03:12Kasama sa iimbestigahan ng Napolcom, kung sino sa mga pulis na kinasuhan ni Patidong Ang Kakapon ang gumawa nito.
03:18Sana lang talagang magtuloy-tuloy at talagang magiging linaw ito sa mga nangyayari ngayon.
03:27Para sa GMA Integrated News, Emil Sumangil, Nakatutok 24 Horas.

Recommended