Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • yesterday
Pag-uusapan bukas ng Senado kung dapat ituloy ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa gitna ng desisyon ng Supreme Court na ideklarang unconstitutional ang articles of impeachment. Mapa-mayorya man o minorya sa bagong Senado, mayroong kontra at mayroong pabor na ituloy ang paglilitis.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Pag-uusapan bukas ng Senado kung dapat ituloy ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte
00:08sa gitna ng desisyon ng Supreme Court na ideklarang unconstitutional ang Articles of Impeachment.
00:16Mapamayorya, man o minorya sa bagong Senado, merong kontra at merong pabor na ituloy ang paglilitis.
00:25Nakatotong si Mav Gonzalez.
00:30There are 19 votes in favor of Sen. Francis Cheese Escudero and 5 votes in favor of Sen. Vicente Soto.
00:42Sen. Francis Cheese Escudero is therefore elected President of the Senate.
00:48Without mental reservation or purpose of evasion.
00:53So help me God.
00:54So help me God.
00:55Congratulations.
00:55Mananatiling Sen. President si Sen. Cheese Escudero sa 20th Congress matapos makuha ang suporta ng super majority ng Senado.
01:07Walang nakalaban si na Sen. Jingoy Estrada bilang Sen. President pro tempore at Sen. Joel Villanueva bilang majority leader.
01:15Makakasama nila ang karamihan sa tiyak ng kaalyado ng mga Duterte.
01:18Gayun din ang dalawang oposisyo noong Duterte administration.
01:23We should move on. We should move forward. And we must continue to do our job.
01:29For the sake of our people, it is time we trade the colors of our campaigns for the colors of our country.
01:35Our aligning with the majority does not and will not undermine our ability to remain fiercely independent as a senator of the republic.
01:45Dahil natalo sa Senate Presidency, otomatikong minority leader si Sen. Tito Soto at minority ang mga bumoto para sa kanya.
01:53Kung saan meron din kilalang kritiko at kaalyado ng dating Pangulo.
01:57I can take the oath by merely saying that I will perform the duty of a minority leader.
02:03Sa kabila ng malino ng mayorya at minorya, hindi sa hatiang yan nakasunod ang posisyon ng mga senador
02:09kung dapat ituloy ang impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte
02:14sa gitna ng gruling ng Korte Suprema na unconstitutional ang articles of impeachment.
02:19Wala na dapat paglilites, ayon kina Majority Senators Jimoy Estrada at Aimee Marcos
02:24at Minority Senators Lauren Legarda at Meg Zubiri.
02:27No, there should not be a trial anymore because the Supreme Court has already spoken
02:32and if we proceed with the trial, we are flirting with the constitutional crisis.
02:37Galangin natin ang Korte Suprema at isang tabi ang politika, total politika naman talaga ang impeachment
02:44at ang mas mahalaga ngayon ay magtrabaho.
02:48Sa tingin ko ay kailangan umiral ang rule of law.
02:51Remember that this is not a temporary restraining order, this is an end-backed unanimous position of the Supreme Court.
02:58Kung hindi natin susundan itong pukus ng Korte Suprema para tayo maunggoy.
03:06Magkahihwalay na rin sa minorya at mayorya, sina Senators Riza Honteveros, Kiko Pangilinan at Bam Aquino.
03:13Pero may joint statement sila ng kanilang hindi pagsangayon sa desisyon ng Korte Suprema.
03:18Anila, sinunod ng Kongreso ang mga dati ng desisyon ng Korte,
03:22kaugnay ng pag-initiate at pag-transmit ng impeachment complaint.
03:25Hindi Ani Lapatas na biglang binago ang kahulugan ng initiate o itinuturing na simula ng impeachment.
03:31Dagdag ni Honteveros, dapat ituloy ang impeachment trial.
03:35The Senate Impeachment Trial Court is in session, ongoing ang trial.
03:41So yan po ang presumption ko.
03:43Pinanghahawakan ko pa rin yung inanunsyo ni presiding officer dati na uupo kami ulit bilang Korte bukas,
03:51mat-test, 29 ng Hulyo.
03:55At syempre, top of mind sa amin ngayon yung kalalabas na desisyon ng Korte Suprema.
04:02So kailangan din naming magkasundo paano kami magpo-proceed.
04:06Personal na tingin ni Escudero, dapat sumunod sa Korte Suprema.
04:10Pero Senado Ania, magde-desisyon.
04:12As a lawyer and as an officer of the court, we do not have a choice. That is my position.
04:17We will do what we need to do in accordance with the Constitution and the rule of laws.
04:20The plenary will be signed.
04:22Nagpatawag na ng All-Senator Coco si Senate President Chief Escudero Bukas
04:26at inaasahang kasama sa mapag-uusapan ang impeachment trial ni VP Sara.
04:30Dagdag niya, pag-uusapan din sa plenaryo kung maghahain ng bukod na motion for reconsideration ang Senado
04:36para i-appela ang desisyon ng Korte Suprema.
04:38Para sa GMA Integrated News, Mav Gonzalez, Nakatutok, 24 Oras.

Recommended