Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 6/11/2025
At dahil sa utos na ibalik sa Kamara ang articles of impeachment laban kay Vice President Sara Duterte ay hindi na itinuloy ang pagharap nito sa Senado ng prosekusyon. ‘Moot’ o wala ng saysay na ituloy ‘yan, ayon sa Senate President sabay giit na hindi inaantala ang impeachment trial.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00At dahil nga sa utos na ibalik sa Kamara,
00:03ang Articles of Impeachment laban kay Vice President Sara Duterte
00:08ay hindi na itinuloy ang pagharap nito sa Senado ng Prosekution.
00:12Moot o wala ng saisay na ituloy yan ayon sa Senate President.
00:18Sabay giit na hindi inaantala ang impeachment trial.
00:22Nakatutok si Mav Gonzalez.
00:23Walaan niyang magagawa ang Kamara kundi sumunod sa mga utos ng impeachment court
00:31ayon sa presiding officer nito na si Senate President Cheese Escudero.
00:36Hindi ito House at Senate kunsaan co-equal ang mga ahensyang yan.
00:42Sa parte ng impeachment, Korte ang Senado, Prosecutor ang Kamara.
00:48Wala sa lugar para sa akin ang Kamara na hindi sumunod sa ipinag-uutos ng impeachment court.
00:56Sa botong 18 to 5, nagdesisyon ng impeachment court na ibalik sa Kamara
01:01ang Articles of Impeachment laban kay Vice President Sara Duterte.
01:05Pinagsusumiti ang Kamara ng pleading na nasunod lahat ng requirement ng konstitusyon sa impeachment,
01:10particular ang one-year bar rule.
01:13Humihingi rin ng impeachment court ng resolusyong aprobado ng 20th Congress
01:17na nagsasabing niraratify o inaaprubahan nila ang mga ginawa ng 19th Congress
01:22at gusto nilang ituloy ang prosekusyon ng vice.
01:25Resolusyon na pirmado ng mga miyembro ng Kamara na higit sa one-third nito.
01:32Bagaman sa Hulyo pa ang pagbubukas ng 20th Congress,
01:35iginiit ni Escudero na hindi dini-delay ang paglilitis sa impeachment complaint
01:39na ayon sa kanya order ay hindi pa dismissed o terminated.
01:42Itong paghingi namin na impormasyon, dagdag na trabaho siguro sa prosekusyon,
01:50pero ano naman ngayon, nakala ko ba, nagigil na gigil sila dito?
01:52Ete, trabaho nila.
01:54Pero, paano makakadelay? Wala namang pwedeng mangyari.
01:58In fact, mapapabilis pa dahil habang nakareces kami,
02:02habang walang trial, habang hindi pa pumapasok ang ikadalawampung kongreso,
02:07ay magagawa na nila ito at mapaghahandaan.
02:10Pinadalhan na rin ng writ of summons at order ang bise kanina.
02:13May sampung araw siya para sagutin ang mga akusasyon sa pitong articles of impeachment.
02:18Ipapatawag din ang bise para humarap sa impeachment court
02:21sa pecha at oras na itatakda ng presiding officer.
02:25Itatakda ang pecha ng susunod na pag-convene ng impeachment court
02:28pag na isumitin na ng mga partido ang mga hiningi sa kanila.
02:31Kaya din hindi ko ma-set yung susunod na trial date
02:35dahil ang una, hindi pwedeng i-bind nga ng 19th Senate, ang 20th Senate.
02:43Pero paano kung hindi sumunod sa utos ang kamera at walang isumiting pleadings?
02:48Kunwari, ayaw mag-sumite ng kamera nung hinihiling ng resolusyon.
02:54Ayaw.
02:54Pagdating na impeachment court ng 20th Congress, sasabihin nila,
03:00eh, hindi naman talaga kailangan yan.
03:02I move na magpatuloy tayo kahit hindi tayo pinansin,
03:05kahit hindi tayo sinunod, kahit hindi ginalang.
03:08Yung impeachment court, pagbabotohan namin.
03:11Kung sino may mayuri ang boto, siya masusunod.
03:14Sa sulat ni Escudero kay House Speaker Martin Romualdez,
03:17nakasaad na dahil inisyohanan ng writ of summons ang bise,
03:20ay moot o wala ng saisay ang nakatakdasan ng pagharap ng prosekusyon ng Articles of Impeachment.
03:27Kaya hindi na yan itinuloy.
03:28Dismayado sa Sen. Risa Contiveros sa pagbalik sa kamera ng Articles of Impeachment.
03:33Sabi ko nga kagabi, diba, argh, to read my face.
03:39Parang may gaslighting na nangyari.
03:42Hindi kaya gumamit ng iba't ibang mga salita para malito tayo.
03:48Giyap naman ni Sen. Bato de la Rosa na unang nagmosyon na i-dismiss ang impeachment complaint.
03:54Scripted. Magsuntokan na ka si Senator Rubin Padilla at saka si Senator Joel Villanueva.
04:02Hindi walang script na gusto nyo. Suntokan.
04:04The first camp who made the motion, they were so shocked to feel na bakit nag-i-issue ng summon.
04:11And then on the other hand, yung gusto ng magtuloy ng impeachment trial ay hindi rin gusto yung naging desisyon ng korte.
04:23Parehong hindi happy eh. So perhaps we're doing the right thing.
04:26Para sa GMA Integrated News, Mav Gonzalez, Nakatutok, 24 Horas.
04:41Mav Gonzalez, Nakatutok, 24 Horas.

Recommended