Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 6/10/2025
Balikan natin ang Senado para sa latest kaugnay ng pinagugulong na impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte. Gusto ng isang Senador na ibalik ang reklamo sa Kamara. Meron ding tila nanugod ng kapwa-Senador.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Balikan natin ang Senado para sa latest kaugnay ng pinagugulong na impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte.
00:07Gusto ng isang senador na ibalik ang reklamo sa kamera, meron ding tila nanugod ng kapwa senador.
00:14Nakatutog live si Rafi Tima. Rafi!
00:20Nagpapatuloy nga emily itong pagdinig ng impeachment court dito sa Senado
00:24at pinag-uusapan pa rin yung mosyon para i-dismiss ang kaso laban kay Vice President Sara Duterte.
00:31Bago makonvin ng Senado bilang impeachment court,
00:33ay uminit nga ang eksena sa plenario matapos tila muntik sugurin ni Sen. Robin Padilla,
00:40ang kapwa senador na si Joel Villanueva.
00:54Si Villanueva ang nagpanukala na agad nang i-convene ang Senado bilang impeachment court
00:58para mapag-uusapan ng motion to dismiss ni Sen. Bato de la Rosa.
01:02Ayon kay Sen. Padilla, ang usapan ay bukas pa i-convene ang Senado bilang impeachment court.
01:07Matapos sa ibang mag-relax dito na uminit ang ulo ni Sen. Padilla,
01:10pero matapos mag-rule sa Sen. President Chise Scudero na marapat nang i-convene ang Senado bilang impeachment court,
01:16ay agad ding namang kinamayan ni Padilla si Villanueva at makikitang nagyakap ang dalawa.
01:22Matapos namang makapanumpan ng mga Sen. Judge,
01:24kapunapunah na ilan sa mga senador ang hindi nakasuot ng robes ng impeachment judge.
01:29Yan ay sina Sen. Padilla, Sen. Cynthia Villar at Sen. Aimee Marcos.
01:34Ito ay matapos manong pa sila with reservations.
01:37Sa ngayon nga, pinag-uusapan ang motion ni Sen. Bato de la Rosa na i-dismiss ang impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte.
01:44May question daw kasi ito ng horisdiksyon.
01:46Ang naunang motion na de la Rosa, sinagundahan ni Sen. Bongco at sinabing ibalik muna ito sa mababang kapulungan ng Kongreso dahil sa mga kwestiyong legal.
01:54Ang isa pang kaalyado ng mga Duterte na sa Sen. Padilla, sumangayon sa motion for dismissal dahil marami para mas mahalagang panukalang batas na kailangang pag-usapan.
02:04Kakarasyum lang, Emil, nitong pagdinig matapos ang medyo mahaba-habang suspicion at ngayon nga ay isa-isang nagbibigay ng kanilang mga opinion yung mga Sen. Judges.
02:11Ang aabangan natin ngayon ay kung matutugunan ba yung motion ngayong gabi.
02:16Yan ang latest mula dito sa Senado. Emil?
02:19Maraming salamat, Rafi Tima.

Recommended