Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 6/11/2025
Sa botong 18-5, ibinalik ng impeachment court sa Kamara ang impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte. Bago dinggin ang kaso may mga gusto raw ipasagot na isyu ang impeachment court sa Kamara. Sabi ng ilang senator-judge na kumontra sa mosyon tila unti-unti umanong binubuwag ang proseso ng paglilitis at ng mismong impeachment complaint.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Magandang gabi po Luzon, Visayas at Mindanao.
00:05Sa botong 18.5, ibinalik ng Impeachment Court sa Kamara
00:09ang Impeachment Complaint laban kay Vice President Sara Duterte.
00:14Bago din ginang kaso, may mga gusto raw ipasagot na issue
00:18ang Impeachment Court sa Kamara.
00:21Sabi ng ilang Senator Judge na kumontra sa mosyon,
00:24tila unti-unti umanong binubuwag ang proseso ng paglilitis
00:27at ng mismong Impeachment Complaint.
00:30Nakatutok si Rafi Tima.
00:35Matapos ang biglang pag-convene ng Senado bilang Impeachment Court,
00:38ang kanilang unang tinalakay ang mosyon ni Senator Judge Ronald Bato de la Rosa
00:42na ibasura ang Impeachment Complaint laban kay Vice President Sara Duterte.
00:45I respectfully move that in view of its constitutional infirmities
00:51and question on the jurisdiction and authority of the 20th Congress,
00:58the verified Impeachment Complaint against Vice President Sara Zimmerman Duterte be dismissed.
01:07Mabilis siyang sinigundahan ni Senator Judge Bonggo.
01:10At the very least, pag-aralan natin ito ng mabuti,
01:14baka naman maaari natin itong ibalik o i-riman muna natin.
01:18Dito na tumayo si Sen. Judge Alan Peter Cayetano.
01:21I heard Sen. Bonggo second but he also stated that okay din i-riman
01:28because personally I'm against the dismissal but I would be willing to hear arguments on remanding.
01:35Dito na sumentro ang diskusyon.
01:37Sa halip na i-dismiss, ibalik na lang ang impeachment complaint sa Kamara
01:40para sagutin ang mga tanong ng Impeachment Court.
01:43Sa mosyon ni Cayetano, dapat i-certify ng Kamara
01:46na hindi nito nilabag ang sarigang batas
01:48na isang impeachment complaint lang sa isang taon
01:51ang pwedeng ihain laban sa isang opisyal.
01:53Gusto rin ng Impeachment Court na linawi ng papasok na Kamara sa 20th Congress
01:57kung interesado pa itong ituloy ang impeachment complaint.
02:00So this is a compromise that will not delay and will even help the 20th Congress.
02:08At nang pagbotohan na ito, labing walo ang pumabor sa return of complaint.
02:12Kasama dyan ang kilalang kaalyado ng mga Duterte na sina De La Rosa,
02:16Go, Robin Padilla at Aimee Marcos.
02:20Gayun din ang mag-inang Cynthia at Mark Villar.
02:22Magkapatid na Jingo Estrada at J.V. Ejercito.
02:25Magkapatid na Alan Peter at Pia Cayetano.
02:28Joel Villanueva, Francis Tolentino, Loren Legarda, Lito Lapid, Bong Rivilla,
02:35Rafi Tulfo, MIG Zubiri at Impeachment Court Presiding Officer Chisi Scudero.
02:40Lima ang tumutol.
02:41Sina Coco Pimentel, Risa Ontiveros, Grace Po, Nancy Binay at Sherwin Gatchalian.
02:47With 18 affirmative votes, 5 negative votes, 0 abstention.
02:53The motion of Senator Cayetano is carried.
02:59Hindi tinago ng mga kontra sa pagbalik ang kanilang disgusto.
03:02Sa usapin ng Judiciary,
03:05nire-remand ang kaso pabalik sa lower court for further proceedings.
03:11Kaya po, I cannot accept this kind of wording.
03:16It is dangerous and disingenuous.
03:18So nakikita natin, Mr. President, talagang brick by brick, stone by stone,
03:28dinidismantle itong impeachment trial process at dinidismantle yung impeachment complaint.
03:34It's addressable by an advisory.
03:37Hindi ko nakikita bakit dinadala kami sa dismissal, remand, return, whatever is the term, Mr. President.
03:46Hindi ko alam bakit kailangan tayo.
03:48So bakit ba tayo namimilipit na ipasok ang isang word that is a synonym or can mean dismissal?
03:59I do not understand.
04:00Kung hindi naman po makakadelay ang pagre-remand,
04:08bakit hindi nilang ho natin ituloy yung trial proper at doon na ho natin pag-usapan ho ito?
04:13Maririnig rin ho natin sa kabila, sa prosecution team, kung ano yung kanilang argumento.
04:19Dahil kung ito ay ibabalik ho natin by remanding,
04:25I'm sure isa-certify rin ho nila na ito ay constitutionally sound.
04:31So doon na lang ho natin sana pakinggan sa trial proper
04:35dahil magkakaroon ho tayo ng oportunidad na tanongin ho sila.
04:39G-itni presiding officer Escudero, buhay pa ang impeachment case.
04:43Bilang patunay, naglaba siya ng summons kay Vice President Sara Duterte
04:47para sagutin nito sa loob ng sampung araw ang reklamong impeachment laban sa kanya.
04:51The court therefore, having been organized
04:55and the articles of impeachment having been referred thereto,
04:59hereby issues the writ of summons to Vice President Sara Zimmerman Duterte
05:06who is directed to file her answer within a non-extendable period of 10 days.
05:12Pero kinesyon din ito ni Dilarosa.
05:14Once we decided to return the articles of impeachment to the House,
05:22am I correct to assume that technically we don't have the jurisdiction
05:27of these articles of impeachment already because we return it?
05:32So bakit pa natin magpapatuloy tayo sa pagbigay ng sampina?
05:37Para sa leader ng minorya, dahil sa desisyon ng mayorya,
05:40tila iwas puso yung impeachment court.
05:42Dahil sa desisyon kagabi, posibli raw may kumwestiyon ito sa korte.
05:46Kaya nga sabi ko, why are we adopting a motion na may ambiguous language?
05:51Alam mo nyo na, pag may ambiguous language, you're inviting a court case.
05:56Doon sa mga dudoso at nagdududa sa loob o sa labas man ng bulwagang ito,
06:01maliwanag ang intensyon ng Senate Impeachment Court sa katatapos lamang na botohan.
06:08Walang intensyon na i-dismiss ang kasong ito.
06:13Ang intensyon ay mabigyan ng pagkakataon ang mga prosecutors na sumagot sa ilang tinuturing mga katanungan.
06:22Nang hindi nagsaya ang panahon ng korte.
06:26Para sa GMA Integrated News, Rafi Tima nakatutok, 24 oras.
06:32Ang sabi naman ng House Prosecution Panel,
06:34hindi nila aaksyonan ang pagbabalik ng impeachment complaint
06:37hanggat hindi nagbibigay ng mga paglilinaw.
06:40Ang Senate Impeachment Court, ang kabuang detalye.
06:42Abangan, maya-maya lamang.
06:44Outro

Recommended