Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 2 days ago
Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time). For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Mahigit 16 million pesos ang nalikom na cash donation ng Charity Boxing Match ni na PNP Chief General Nicolás Torre III at Davao City Acting Mayor Baste Duterte.
00:11Winner by default dyan si Torre dahil hindi sumipot si Duterte. May unang balita si Katrina Son.
00:21Naghiyawan ang mga tao sa Rizal Memorial Coliseum nang lumabas si PNP Chief General Nicolás Torre III.
00:28Suot ang kanyang pulang boxing jersey at gloves, handa na para sa boxing match nila ni Davao City Acting Mayor Baste Duterte.
00:37Maya-maya, nag-countdown.
00:46At nang matapos ang bilang at wala si Duterte. Winner by default si Torre dahil sa hindi pagdating ni Duterte.
00:53May mga statements na rin siya na hindi na rin darating. Kaya itunuloy na lang natin sapagkat marami ang nagbayad. Nakalikom na na mga 350,000 sa gates.
01:03So we have to show up and give the people what they expect.
01:09Ayon pa kay Chief PNP Nicolás Torre na ito na raw ang huling beses na papatol siya sa hamon ni Acting Mayor Baste Duterte.
01:18Pagbibigay din din niya na pinatulan lamang niya ang boxing match dahil gusto niya makalikom ng pondo para makatulong sa mga kababayan natin na nasalantaan ng sunod-sunod na bagyo.
01:28Ayon kay Torre, 16.3 million na cash donation ang nalikom sa event. May donasyon pa rao na isang truck ng mga bigas at delata.
01:38Nagbigay rin si boxing champ na ni Pacquiao ng belt para i-auction.
01:42Dagdag ni Torre, walaan niya silang nagastos sa event. Matapos niyan ay nagpunta siya sa baseko para mamigay ng ayuda.
01:51Inorganisa ni Torre ang laban matapos ang pahayag na ito ni Duterte noong nakaraang linggo.
01:56Kasi matapang ka lang naman, we have the position eh, pero kung suntukan tayo, arat kumakaya bitas.
02:02Pero sabi ni Duterte sa kanyang bagong podcast.
02:05Hindi naman kita hinamon, sinabi ko talaga. Pag nagsuntukan tayo, babobogbog kita.
02:11Nauna nang sinabi ni Duterte na hindi siya makakapunta ngayong linggo dahil may mga gagawin siya.
02:18Pwede raw sana siya kung sa Martes o Merkules ng susunod na linggo.
02:22Sabi ni Torre, hindi raw niya mahihintay ang schedule ni Baste, lalot marami rin anya siyang trabaho.
02:30Maloko mo ako ng isang beses, shame on you. Pag niloko mo ka ng dalawang beses, shame on me.
02:36Kumasa rin si Torre sa kondisyon ni Baste na hair follicle test sa mga government officials.
02:41Kaming dalawa na naman involved dito. Kung hair follicle test sa aming dalawa, ay anytime, anywhere. Pwede, pwede.
02:47Ito ang unang balita. Katrina Son para sa GMA Integrated News.

Recommended