Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time). For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad: GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv Facebook: http://www.facebook.com/gmanews TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews Twitter: http://www.twitter.com/gmanews Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
00:30Si Pangulong Bongbong Marcos na ang nagsabi, hindi siya nakikialam sa impeachment proceedings laban kay Vice President Sara Duterte.
00:42Nasa Australia ang vice para sa isang personal na biyahe at bagamat nagsalita sa harap ng Filipino community roon, wala siyang nabanggit tungkol sa impeachment.
00:52Hindi naman nagpaunlak ng panayam ang kanyang defense team. Pero sabi ni dating Supreme Court Senior Associate Justice Antonio Carpio, hindi man sumagot ang lise, tuloy ang impeachment proceedings.
01:04It will not stop the proceeding. She will be declared in default. The prosecution will present its evidence but the defense can still rebut the evidence presented by the prosecution.
01:18Sabi ni Carpio, pwedeng utusan ng Korte Suprema ang impeachment court na ituloy ang paglilitis sakaling idulog sa mga mahistrado ang issue.
01:28Ang Supreme Court ang Supreme nga eh. I don't see any reason why the Senate of the 20th Congress will not comply. They will comply the moment the Supreme Court will say, tuloy ang trial.
01:40Ayon naman sa isang constitutional law expert, pwedeng i-contempt ng Senate impeachment court ang vice kung hindi siya sasagot.
01:49Meron silang inherent power na gano'n. Kung hindi naman siya mag-submit ng answer, hindi na kailangan yung rejoinder ng House.
02:01Pag hindi ka sumagot, ibig sabihin wala kang matinong sagot dun sa mga paratang.
02:07Naniniwala naman si House Assistant Majority Leader Judah Sidre na bagamat hindi na kailangang hingan ng Senate impeachment court ang Kamara sa 20th Congress ng certification na desidido itong isulong ang Articles of Impeachment, malamang daw ay sundin ito ng House Prosecution Panel.
02:27Verified, validic, and we signed it in front of the Secretary General. For me, that is sufficient already.
02:35Ito ang unang balita. Tina Panganiban Perez para sa GMA Integrated News.
02:41Igan, mauna ka sa mga balita, mag-subscribe na sa GMA Integrated News sa YouTube para sa iba-ibang ulat sa ating bansa.