Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • yesterday
24 Oras Weekend is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Ivan Mayrina and Pia Arcangel. It airs on GMA-7, Saturdays and Sundays at 5:30 PM (PHL Time). For more videos from 24 Oras Weekend, visit http://www.gmanews.tv/24orasweekend.

#GMAIntegratedNews #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00A-Siggy
00:01Magandang hapon po!
00:03Sinakmal sa mukha ng aso ang isang bata sa Calambo, Laguna.
00:07Ang aso, nakawala raw mula sa pagkakatali.
00:10Nakatutok si J.P. Soriano.
00:16Naliligo sa ulan ang batang babaeng yan sa barangay San Cristobal, Calambo, Laguna.
00:21Pauwi na siya nang biglang sinugod at sinakmal siya sa ulo ng isang aso.
00:27Isang residente ang humabol at umamba sa aso, kaya ito tumigil at tumakbo palayo.
00:34Duguan ang ulo at mukha ng bata at agad dinala sa pagamutan.
00:39Ayon sa tiyahin ng 7 taong gulang na bata, nakawala sa pagkakatali ang naturang aso ng kapitbahay.
00:58Nagtamon ng mga sugat sa ulo at paligid ng isang mata ang biktima.
01:03Ang pagpapagamot sinagot ng may-ari ng aso at tumangging magbigay ng pahayag.
01:08Sabi ng tiyahin ng biktima nakakulong na muli ang asong nakakagat sa kanyang pamangkin.
01:14Dati nang nagpaalala ang mga eksperto sa mga pet owner na tiyaking may maayos na pagkain at tirahan ang mga alaga.
01:22Hindi magiging panganib sa iba at pabakunahan ng mga ito.
01:26Pinaalalahanan rin na agad magpagamot at magpabakuna kung nakagat o nasugatan ng hayo gaya ng aso o pusa para makaiwas sa sakit tulad ng rabies.
01:38Para sa GMA Integrated News, J.P. Soriano, nakatutok 24 oras.
01:44Bukod sa matinding ulan at baha sa ilang lugar sa Benguet, Calvario rin para sa maraming residente ang kaliwat kanang landslide.
01:58Mula sa Baguio City, nakatutok live si EJ Gomez.
02:01EJ.
02:02Ivan, malaking dagok sa mga apektadong pamilya.
02:10Ang nangyari sa kanila, yung pagbangon daw muli, yung kailangan nilang gawin,
02:16dulot ng or pagkatapos ng kabi-kabilang landslide.
02:19Sa videong ito, kita ang malakas na ragasan ng tubig, putik at mga bato sa krik sa Sityo Akupan, Barangay Birag sa Itogon, Benguet.
02:36Isa sa mga nawalan ng tirahan, ang 67-anyos na si Agustina.
02:40Ito pong hinahawakan ko ay bahagi nitong hanging bridge na nasira dulot po ng nangyaring landslide.
03:09Sa bahaging ito naman po, nakatirik ang maraming bahay na tinangay ng malakas na ragasan ng putik at bato mula sa bundok.
03:21Aabot sa mahigit limampung bahay ang nasira ng landslide, kabilang ang bahay ni Nagilberto, na ilang dekada nang nakatirik sa bundok ng Itogon.
03:30Ngayon, mas grabe kasi natabunan yung kanay, yung mga bahay.
03:35Noong last year, nangyari ito. Ngayon, nangyari rin. Kaya medyo mahirap sa kaluoban.
03:46Damay rin ang Akupan Elementary School na pinasok ng putik at lupa.
03:50Ayon sa mga otoridad, Webes nagsimula ang landslide.
03:54Pero dahil sa walang tigil na ulan kahapon, lalong lumambot ang lupa.
03:57Yung mga tao doon na pagsabihan na namin lahat, na lumikas na na sila mga isang linggo ng mahigit.
04:03Wala namang injuries, walang nagmimina doon. Talagang natural na bumigay lang yung lupa.
04:10Dahil sa bantang panganib ng landslide, mga residente lang ang pinapayagang makapasok sa lugar.
04:17Nagka-landslide din sa Sitcho Talingoroy, Barangay Wangal, Salatrinidad, Benguet.
04:22Isang individual ang pinagahanap ng mga otoridad.
04:24Sa Scout Baryo sa Baguio City, nag-collapse ang isang water refilling station.
04:30Sabi ng mga otoridad, bukod sa malakas na ulan, may pagguhukay sa lugar kaya bumigay ang istruktura.
04:36Wala namang nasaktan.
04:38Sa Camp 6 Cannon Road, bumigay ang kinatatayuan ng isang rock shed.
04:43Hindi muna pinadadaanan ang kalsada at pinag-iingat ang mga residente dahil sa patuloy na pagbagsak ng mga bato.
04:49Kahapon, may rock slide din sa bahagi ng Cannon Road sa Tuba, Benguet.
04:54Ivan, kaninang alas 2 ng hapon, medyo sumilip ng panandalian yung araw dito sa Baguio City.
05:06Ang ulan naman, medyo humina kumpara kahapon pero pabalik-balik yan.
05:10Ngayon, ang fog mas kumapal nitong nagdaang oras.
05:13Itong nasa aking likuran ay hile-hilera na mga bahay dyan sa bundok.
05:17Pero from time to time, nawawash out yan o totally hindi nakikita dahil nga sa kapal ng fog.
05:23Ang temperature ngayon dito sa Baguio City ay nasa 20 degrees Celsius.
05:28Umuulan, tapos malamig, kaya naman talagang kailangan mag-jacket sa mga panahon na ito.
05:34Yan ang latest mula po dito sa Baguio City.
05:36Ivan?
05:36Maraming salamat, E.J. Gomez.
05:40Sa batala, nagkabutas-butas at lubak-lubak ang ilang kalsada sa Metro Manila kasunod na mahigit isang linggong pang ulan at baha.
05:48Perwisyong dulot niyan sa mga motorista at mula sa Maynila nakatutok live si Niko Wahe.
05:54Niko.
05:55Ivan, tuloy-tuloy ang ginagawang pagre-repair ng DPWH ang mga nasirang kalsada sa malaking bahagi ng Metro Manila.
06:06Dahil yan sa sunod-sunod na ilang araw na pag-ulan at baha.
06:09Mula pa noong nakarang Sabado, babad na sa ulan at baha ang malaking bahagi ng Metro Manila.
06:20Dahilan para ang mga kalsada, lumambot at masira.
06:23Sa Quezon Boulevard, nagkalubak-lubak ang kalsada.
06:26Tila patsi-patsi ang hitsura sa dami ng butas.
06:29Naipo na rin ang mga tubig sa mga lubak.
06:32Ganon din sa bahaging ito ng Quiapo.
06:34Sa May Edsa Magallanes Southbound, may mga lubak na rin ang kalsada.
06:37Kaya hirap ang maraming motorista na agad nagme-minor kapag nakikita ang butas sa kalsada.
06:43Ang rider na si Angel, hirap sa biyahe dahil sa mga lubak.
06:46Medyo dumulas ang kalsada kasi laging basa.
06:49Laging hindi natin maasahan.
06:51Kailangan talaga natin doble ingat.
06:54Lalo na sa Edsa.
06:56Maraming bako-bakong daan.
06:58Ayon kay DPWH Sekretary Manny Bunuan,
07:01doble kayid na sila sa pagre-repair ng mga nasirang kalsada.
07:03Immediately, kagabi pa po, nagpapatchin lang po kami.
07:09Kumagamit lang po kami ng cold asphalt for the time being.
07:12Tuloy-tuloy naman po ito 24-7.
07:14Kanina, naabot na namin nagre-repair ang mga taga DPWH
07:17sa bahagi ng Bendy Applyover sa Roas Boulevard.
07:20Ang ginagawa namin, temporary lang muna.
07:22Kasi para ibang lubak, kahit pa pa masolba.
07:26Pero maa next week, mag-aspalterin kami.
07:28Temporary lang po.
07:29Yan po yung natang broken asphalt na rotomil.
07:32Yung kinayod.
07:32Ayon kay Bunuan, hinahabol nila na maayos lahat bago maglunes.
07:36Lalo na magkakasona po ng ating presidente.
07:39Ngayon at saka linggo, kailangan po namin mapasahan lalo na
07:44yung mga papunta ng Commonwealth po.
07:46Ivan, nandito kami sa may Roas Boulevard, malapit dito sa UN Avenue.
07:54Yan yung mga lubak dito.
07:56Kanina, tinambakan yan, bandang alas tres ng hapon.
07:59Pero ilang oras lang ang lumipas.
08:01Ay balik na naman sa pagiging lubak itong kalsada rito sa may Roas Boulevard.
08:05Pero sabi nga nung foreman nila kanina,
08:07babalikan bukas para lagyan ng permanenteng asfalto.
08:11Yan muna ang latest. Balik sa'yo, Ivan.
08:14Naku, mag-ingat po mga motorista, lalo yung mga motorsiklo at takaw disgrasya yan.
08:18Maraming salamat sa'yo, Nico Wahe.
08:21Pinatututukan ni Pangulong Bongbong Marcos ang pag-aayo sa nasirang Navigational Gate sa Nabotas.
08:26Baha pa rin sa ilang bahagi ng lungsod dahil dito.
08:29At nakatutok si Katrina Sod.
08:31Abot hita ang baha sa bahaging ito ng Navotas City.
08:38Sabi ng mga residente, umaabot pa minsan hanggang dibdib.
08:42Nung gabay pa yung bumaba, pero hindi ganun kalak.
08:45Ganun na siya?
08:47Ayan po. Ganyan na, hanggang dito na lagi.
08:49Paano?
08:50Eh, siyempre hindi po makakilas ng maayos.
08:53Pinapaganap niya.
08:54Lagi.
08:55Maglilinis ka, kinabukasan, ganyan na naman.
08:57Baka po kasi ang inaano po namin dito eh.
09:01In-travel po dito, yun ang talagang tarahan.
09:04Na two weeks na rin po halos, pero tumikil siya tapos nung pag-aayo, eto na po siya.
09:13Kanina, ininspeksyon ni Pangulong Bongbong Marcos ang Navigational Gate.
09:17Aminado si DPWH Secretary Manuel Bonoan na maraming taon ng problema ang baha sa Nabotas.
09:24It's a two-pronged instruction, Vice Presidente.
09:28Pinag-uusapan namin to provide yung gaps ng mga revetment walls.
09:34Kagad ang gagawin.
09:36And then, the long-term solution here is actually to probably reconstruct the navigational gate.
09:44And actually, ang plano namin dito is papalitan na into a new navigational gate.
09:50That will take some time.
09:51Noong 2024, nabaggan ng barge ang naturang navigational gate.
09:57Naayos na ito, pero nasira ulit noong Mayo.
10:01Nire-repair na ito at natapos na dapat noong July 20.
10:05Pero naantala dahil sa mga bagyo at ulan.
10:08Target na matapos ang pagkukumpuni sa August 8.
10:11Bumisita rin at namigay ng ayuda ang Pangulo sa mahigit limanda ang evacuees
10:15mula sa mga barangay Tanza 1 at 2.
10:19Nasa 116 na mga pamilya ang nandito ngayon sa evacuation site na ito dito sa Tanzan National High School.
10:27At kapag mataas ang baha o kaya naman high tide,
10:32iniindarin nila na baha pa rin daw ang nararanasan nila kahit nandito na sila sa evacuation site.
10:38150 family contacts po ang binabakasin kasama dito,
10:43kasama ng hygiene kit at saka sleeping kits.
10:46May kolambu pa yung kasama.
10:48Para sa Jimmy Integrated News,
10:51Katrina Son, nakatutok 24 oras.

Recommended