00:00Pasalubong ni Pangulong Ferdinand R. Marcus Jr. sa kanyang pagbabalik sa Pilipinas mula sa official visit sa Washington D.C. USA
00:09ang nasa 21 billion US dollars na investment pledges mula sa ilang malalaking kumpanya sa Amerika.
00:17Sa kanyang arrival message, sinabi ng Pangulo na bungayan ang serye ng kanyang mga high-level engagement at business meeting
00:25kasama ang mga global executive na kumakatawan sa iba't ibang mga sektor tulad ng imprastruktura, healthcare, semiconductors, renewable energy at digital technology.
00:38Ayon sa Pangulo, ang mga pangakong pamumuhunan na ito ay inaasahang lilikha ng libu-libong trabaho para sa mga Pilipino
00:45at magagamit para higit pang mapahusay ang industrial capacity ng bansa, innovation ecosystem at iba pa.
00:54Nagpahayag din ang mga kumpanya ng US ng matinding interes para sa pagpapalawak ng kanilang operasyon sa Pilipinas.
01:02Tinanggap din ni Pangulong Marcos sa mga bagong pamumuhunan sa paggawa ng semiconductors at electronics
01:09na magpapahusay naman sa posisyon ng Pilipinas sa global value chain.
01:14Nagbigay din ang Amerika ng 15 million US dollars para suportahan ang paglago ng pribadong sektor
01:21sa ilalim ng Luzon Economic Corridor Initiative at nagdag na 48 million US dollars
01:27para naman sa foreign assisted programs para sa development projects.
01:32Muli namang pinagtibay ng Pangulo ang pangako ng Pilipinas sa pagpaparatili ng matatag, malinaw at rules-based business environment.
01:41We expressed our commitment to continue engaging his team to further bolster PHUS ties