Pagkawala ng mga daluyan ng tubig ang sinisisi ng isang eksperto sa mabilis na pagbaha sa Metro Manila. Ayon naman sa MMDA, nabawasan ang lagusan ng tubig pa-Manila Bay dahil sa Dolomite Beach. At may drainage na apektado ng itinatayong MRT-7.
24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad: GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv Facebook: http://www.facebook.com/gmanews TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews Twitter: http://www.twitter.com/gmanews Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
00:00Pagkawala ng mga daluyan ng tubig naman ang sinisisi ng isang eksperto sa mabilis na pagbaha sa Metro Manila.
00:07Ayon naman sa MMDA, nabawasan ang lagusan ng tubig pa Manila Bay dahil sa Dolomite Beach at may drainage na apektado ng itinatayong MRT-7.
00:16Itinangya ng nasa likod ng konstruksyon. Nakatutok si Joseph Morong.
00:20Tuwing bumabaha ang mahigit 70 pumping station ng Metro Manila Development Authority o MMDA kasama ang sa Public Works Department ang dapat naglalabas ng mga tubig pa pundang Manila Bay.
00:36Pero paano kung ganito? Sa Tripa de Galina Pumping Station sa Pasa ay sarisaring basura ang nasasala. May pinto ng refrigerator, pati sofa.
00:46Mahaharang niya tapos pwedeng pumasok sa makina. Nagiinit eh pag naaano ng basura, eh kung magmasira ng tulo yan.
00:55Ayon sa MMDA, lambas 30 truck na na mga basura ang nasasala. Dito pa lamang sa pumping station nila sa Tripa de Galina at sarisari yung mga basura.
01:05Ito mga basura na ito ang nakakasira doon sa mga pumping station dahilan para mahigrapan na magpump ito ng tubig.
01:12Ang mga basura bumabara rin sa mga luma at maliliit na drainage system na mahigit 50 anyos na.
01:19Sa ginagawang MRT 7 station sa Batasan sa Quezon City, sarisaring basura rin na nakuha, plywood at malalaking tipak ng bato.
01:28Tingin ng MMDA may kinalaman ang istruktura ng MRT 7 kaya bumaha rito.
01:33Sabi ng MMDA, ang drainage na ito may nakaharang na poste ng MRT 7.
01:37Sa isang pahayag itinanggi ng MRT 7 Project Management Office, ang mga pasilidad nila ang dahilan ng pagbaha sa lugar.
01:45Ang mga istruktura raw nila ay itinayo sa labas ng linya ng drainage at hindi nakasasagabal sa natural na daloy ng tubig.
01:52Sinasabi nila, we are the one to source, yung plugging doon. Kaya lang, we need to check terms.
01:57Commitment ng SMC, whether or not silang nakaharang tutulong sila sa paggawa.
02:02Para kay geologist at UP Resilience Institute Executive Director Mahar Lagmay, ang pagkawala ng mga natural na daluyo ng tubig, ang dahilan ng pagbaha.
02:11Inaaspaltuhan natin, nilalagyan natin ng kalye yung mga sapa na dutuluyo, pero pag umulan ay tumataba, nag-overflow.
02:21So saan siya dadaan? Di sa ibabaw ng kalye. At ang dami-daming kasong ganyan sa Metro Manila.
02:26Ang baha sa Padre Faura at ilang kales sa Manila natural dapat na lumalabas sa Manila Bay.
02:33May tatlong outflow o labasan ng tubig.
02:36Pero sabi ng MMDA dahil ginawa ang Dolomite Beach, sa halit na tatlo sa isang drainage na lamang ito lumalabas papunta sa sewage treatment plant para linisin muna ang tubig bago ilabas sa Manila Bay.
02:47Kinax siya ng isang tubo. So yung tatlong outflow na malalaki, pinagsama-sama sa isang tubo, nilagyan naman niya ng tubo palabas to bypass yung Dolomite.
02:59Kasi kung bubuksan mo yung gate ng Padre Faura, mawawash out yung Dolomite.
03:04Ayon sa DPWH, may dalawang malalaking flood control project para solusyonan ang baha sa Metro Manila.
03:10Ang Metro Manila flood control project na gagawing moderno ang pumping stations na sa taong 2026 matatapos.
03:17At ang Pasig-Marikina River Rehabilitation Project na magpapalalim sa Pasig at Marikina River na matatapos sa 2028.
03:24Plano rin ang DPWH na magtayo ng mga dam sa Sierra Madre para saluhin ito ang dumadaus-us na tubig galing sa bundok.
03:31By next year siguro yan may implement. So we might be able to start building that well 2027, 2028 siguro.
03:41Para sa GMA Integrated News, Joseph Morong, nakatutok 24 oras.