Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 2 days ago
Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:20 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.


#GMAIntegratedNews #KapusoStream


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews


GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Pahirapan ang pag-rescue sa isang senior citizen sa isang subdivision sa Cainta Rizal.
00:06Hindi pa rin makapasok ang mga sasakyan doon dahil sa baha.
00:10Saksi Live, si Katrina Son.
00:12Katrina?
00:17Maris, baha pa rin ang ilang mga barangaya dito sa Cainta Rizal.
00:22Kaya naman ang ilang mga residente, nahihirapan na at nakakaubusan na sa kanilang supply ng pagkain.
00:30Kakulangan sa tubig na maiinom at pagkain.
00:36Ito raw ang nararanasan ng ilang residente sa loob ng Vista Verde subdivision dito sa Cainta Rizal.
00:41Kaya naman di alintana ng ilang mga residente ang mataas na baha at malakas na ulan, makabili lang ng pagkain at maiinom.
00:50Sabi ng pag-asa is two days na malakas pa rin ang ulan.
00:54So in preparation pa rin, mayroon kami supply.
01:00Kasi yung supply namin before is for two days naubos na.
01:04Yung tindahan kasi naubos na rin yung mga supplies nila.
01:07Paano po doon? May makakain pa?
01:09Paglating ko, makakabili ng pagkain.
01:13Paraan na rin daw nila ito ng paghahanda lalo na at may bagyo na naman.
01:17Kasi baka bukas mayroon pa rin eh, mayroon kami lumabas. Kaya bumili na ako.
01:23Mas maganda na raw na handa sila lalo na at patuloy daw ang pagtaas ng baha sa kanilang lugar.
01:29Andito ako ngayon sa Vista Verde Executive Village dito sa barangay San Isidro sa Cainta Rizal.
01:35Ang subdivision nga na ito ay isa sa mga subdivision na talagang binaha.
01:39Sa kinatatayuan ko ngayon ay hanggang tuhod ang baha pero kapag napunta ka para sa looban ay lampas dibdib na ang taas ng baha.
01:49Kaya naman, kanya-kanya na ang mga residente dito sa paggawa ng kanilang mga makeshift na balsa.
01:55Ito po yung pressure na si Rabali, ginawa na namin ng paraan para makatulong din sa mga kapwa nating Pilipino na gusto mo isa bahay.
02:02Anday po kasing lumulutag na saging-saging dito madami kaya kinuha na lang po namin kaysa namang bumarabara na lang.
02:08At dahil din sa mataas na baha sa lugar, isang lalaking senior citizen ang kinailangang i-rescue.
02:27Nirescue siya gamit ang military truck.
02:30Nang hindi na makapasok ang truck dahil sa taas ng baha, nagtulong-tulong ang rescuers gamit ang maliit na rescue boat.
02:38Samantala, baha rin sa ilang mga kalsada dito tulad ng Felix Avenue.
02:42Hindi na rin madaanan ang mababa at maliliit na sasakyan.
02:46Maging ang mga motor, hirap.
02:48Kaya naman maraming nagbalik ang mga sasakyan.
02:50Ang ilan naman, nasiraan pa.
02:53Tumirik po eh. Ayaw na po umandar eh.
02:55Hindi mga pasok ngayon. Ayaw umandar yung motor ko eh.
02:58Mariz, sa mga oras naman na ito ay tumigil na nga yung malakas na ulan na naranasan natin buong maghapon dito sa Kainta sa Rizal.
03:11At sa ngayon naman, mataas pa rin nga yung baha rito.
03:13Sa kinatatayuan ko Mariz, ay gother di pang baha pero sa likuran ko ay abot tuhod pa yan at sa gitna ay hanggang dibdib pa rao dyan yung baha.
03:23At live mula dito sa Kainta para sa GMA Integrated News.
03:28Ako si Katrina Son, ang inyong saksi.
03:30Mga kapuso, maging una sa saksi.
03:34Mag-subscribe sa GMA Integrated News sa YouTube para sa ibat-ibang balita.

Recommended