Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 2 days ago
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Day tayo sa sitwasyon ng mga lumikas kasunod ng pagbaha dito sa Dagupan, Pangasinan.
00:05May ulat on the spot si CJ Turida ng GMA Regional TV. CJ?
00:13Chris, natagdagan pa ang bilang ng mga residente na dinala sa evacuation center dito sa barangay Maluud, Dagupan City.
00:23Dalawang gusali ng Maluud Elementary School ang nagsisilbing evacuation center.
00:28Dito na nanatili ang nasa may git-isandaang pamilyang inilikas.
00:31Ang ilan, nasa stage ng covered court ng barangay sa harapan ng paaralan.
00:36Ayon sa ilang evacuee, nagkakasakit na ang kanilang mga anak dahil sa kanilang sitwasyon.
00:41Tulad ng pitong taong gulang na anak ni Jovi na inuubo na.
00:45Gabi pa noong linggo nang siya liilikas mula sa Zone 2.
00:49Nabimpitong apo naman ni Nanay Juliet ang nasa evacuation center.
00:52Mula sila sa Kalyados kung saan hanggang dibdib ang lalim ng baha.
00:56Ang ilan sa kanyang mga po tinamaan na raw ng ubod sipon.
01:00May mga gamot naman daw na ibinibigay ang barangay.
01:03Bukod sa isyanasagawang medical check-up ng City Health Office.
01:07Tumataas ang baha sa evacuation center kaya inakyat na sa ikalawang palapag ang ilang evacuee.
01:12Kailangan ding sumakay sa rescue boat ang mga evacuee upang makatawid papunta sa labas upang makabili ng kanilang pangangailangan.
01:21Chris, dahil sa banta ng Bagyong Emong, forced evacuation na ang ipinatutupad sa barangay Maluwad.
01:26Samantala, sa mga oras na ito, Chris, mga kapuso, nakararanas tayo ng pagulan dito sa lungsod ng Dagupan.
01:34Balik sa iyo, Chris.
01:35Maraming salamat, CJ Turida, ng GMA Regional TV.

Recommended