Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 2 days ago
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Inaresto sa loob ng isang evacuation center sa Taguig ang apat na lalaking nahulihan ng hinihinalang shabu.
00:07Balitang hatid ni Bam Alegre.
00:12Nabulabog ang evacuation center na ito sa Barangay Hagono, Taguig City, ng pasukin ng mga polis.
00:18Nahuli nila sa akto ng may hinihinalang shabu at drug paraphernalia ang apat na lalaki sa isa sa mga modular tent.
00:24Natunogan daw ng mga bantay sa evacuation center ang kahinahinalang kilos ng mga tao sa isa sa mga tent na magpapasok sila ng mga bisita na hindi naman mga evacuee.
00:34Hindi naman natin naisip na gagawin nila dito sa gantong kadaming tao.
00:39Napansin lang nila na nang pumasok, syempre inaantabayanan din at pinapansin din nila na may katagalan yata.
00:48Ngayon, inikutan na kaagad.
00:50Nung mapansin nila na bakit sarado, syempre tinawag na po agad yung kapulisan.
00:56Ganito yung jura ng tent kung saan balak saan isagawa ng mga suspect yung kanilang masamang balak.
01:01Ito yung mataas at enclosed.
01:03Ayon sa pulisya, posibleng mapanganib yung maging epekto sa mga kapwa mga evacuee kung sakaling naituloy nila ito.
01:09Bukod sa amoy, ay hindi rin nila masabi kung ano yung pwede pa nila magawa kung sakaling nasa impluensya na ng droga.
01:16May nagsumbong po sa atin na kapwa evacuation din doon na parang may ibang ginagawa yung isang tent.
01:23Tapos nung pagkasumbong sa amin na biniripay agad namin, pagkakita namin, nakita namin yung apat na magbabalak pa lang na mag-attempt ng pot session.
01:36Agad inaresto ang mga suspect at dinala sa Station Drug Enforcement Unit ng Taguig para sa medical exam at inquest proceedings.
01:44Walang pahayag ang mga suspect.
01:45Bam Alegre, nagbabalita para sa GMA Integrated News.

Recommended