00:00Personal na binisita ni Quezon City Mayor Joy Belmonte, ang ilang evacuation center para kamustahin ang kalagayan ng mga lumikas sa presidente po.
00:07Dulot nga po ng walang tigil na pagulan at mga pagbaha.
00:11Si Denise Osorio sa Report Live. Denise?
00:16Dayan, dahil sa patuloy na pagbuhos ng ulan, dahil sa habagat o dulot ng habagat,
00:22na sa 29,254 na katao o 7,259 na pamilya na ang inilikas mula sa ibat-ibang lugar ng Quezon City as of 11 p.m. kagabi.
00:43Pero Dayan, mahigit doon, karaniwan ng mga evacuees ay nanggagaling dito sa barangay Bagong Silangan na as of 7 a.m.
00:53nasa 1,208 families na o mahigit sa 4,309 na katao ang inilikas simula pa noong Sabado ng gabi, noong pre-evacuation nila hanggang sa kasulukuyan.
01:07Dayan, kaninang alas-dos ng umaga, dumaan dito si Mayor Joy Belmonte upang i-check o kamustahin ang kalagayan ng mga evacuees.
01:17Ipinapatupad na rin dito ang mas sistematikong proseso ng profiling upang mas mabilis at organisado ang distribution ng ayuda.
01:26Bawat pamilya ay may sariling evacuation card na may QR code na ginagamit sa pag-check-in at pag-record ng mga natatanggap nilang tulong tulad ng pagkain,
01:35gamot at mga relief goods. Patuloy din namamahagi ang lungsod ng mga hot meals at hygiene kits para sa mga lumikas.
01:44Sa kabuuan, may walong evacuation centers na binuksan sa iba't ibang bahagi ng barangay Bagong Silangan.
01:51Nakaantabay naman ang health department at mga health workers.