00:00Maisa sa katupangan na ang target ng pamahalaan na mapailawan ang mga malalayong lugar sa bansa.
00:06Ito'y matapos ipalabas ng Department of Budget and Management ang 3.627 billion pesos na pondo ng Rural Electrification Program ng gobyerno.
00:18Ito'y sa visa ng Special Allotment Release Order sa National Electrification Administration.
00:23Sa ilalim nito, inaasahang mabibigyan ng supply ng kuryente ang higit 1,700 sityo, gayon din ang limang barangay sa ilalim ng 2025 subsidy.
00:34Giit ni Budget Secretary ang ginapangandaman bahagi din ito ng Direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na mabigyan ng internet connection ang mga paaralaan sa mga malalayong lugar.
00:46Kabilang din sa popondohan nito ay ang pagbili at pamahagi ng 4,000 units ng solar photovoltaic mainstreaming para masupplyan ng kuryente ang mga walang access sa mga maaasahang power sources.