Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 7/20/2025
24 Oras Weekend is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Ivan Mayrina and Pia Arcangel. It airs on GMA-7, Saturdays and Sundays at 5:30 PM (PHL Time). For more videos from 24 Oras Weekend, visit http://www.gmanews.tv/24orasweekend.

#GMAIntegratedNews #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Dahil sa mga krimeng na sasangkot ang ilang minor de edad,
00:03may panukalang inihayin sa Senado na layong iwaba sa sampu
00:06ang edad na may tuturing ng may criminal liability.
00:10Pakinggan ang boses mo sa pagtutok ni Maki Pulido.
00:16Nitong Marso sa Paranaque na matay sa saksak sa loob ng classroom
00:20ang isang babaeng grade 8 student.
00:22Kaklaseng lalaki ang suspect.
00:25Pareho silang edad 14.
00:27Kamakailan, ninakawan at tinadtad ng saksak
00:29ang isang babaeng edad labing siyam sa Tagum City.
00:32Nahuli na ang apat na suspect kabilang ang tatlong minor de edad.
00:36Sa datos ng PNP Women and Children Protection Center,
00:39sa unang anim na buwan ng 2025,
00:42mahigit dalawat kalahating libo ang mga kasong sangkot
00:44ang mga CICL o Children in Conflict with the Law.
00:48Sa ilalim ng Juvenile Justice and Welfare Act of 2006,
00:52ang mga kabataan edad labing lima pababa,
00:54walang criminal liability o hindi maaaring kasuhan o ikulong.
00:59Sa ilalim naman ng Republic Act 10630,
01:02itinakda sa 15 to 17 years old ang discernment rule
01:05o pagkaunawa sa ginawa.
01:07Pero si Sen. Robin Padilla,
01:09naghahin ng panukala para itakda na may criminal liability na rin
01:13ang batang 10 years old.
01:15Ito'y kung sangkot ang bata sa heinous crime o karumaldumal na krimen
01:19tulad ng pagpatay, rape, kidnapping, serious illegal detention
01:23kung saan pinatay o ginahasa ang biktima,
01:26robbery with homicide or rape, carnapping kung saan pinatay o ginahasa ang biktima,
01:31at paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act.
01:34Paliwanag ng Council for the Welfare of Children,
01:37hindi totoong walang parusa ang mga batang sangkot sa mga karumaldumal na krimen.
01:41Mandatory na ipapasok ang child in conflict with the law
01:45sa youth care facility o bahay pag-asa
01:47para matulungan ang kanyang rehabilitasyon,
01:50particular sa edad 12 hanggang 15.
01:53Nasa batas din na sa kaso ng CICL,
01:56mamamagitan ang mga social worker ng DSWD.
01:59Dapat i-turn over sa kanila mga magulang, kaanak o guardian
02:02at sasa ilalim sa community-based intervention program.
02:06Maliba na lang kung sa assessment ng social worker,
02:09kailangang dalhin ang bata sa isang youth care facility.
02:13Korte ang magdedesisyon sa ihahaing petisyon ng DSWD
02:16para sa involuntary commitment ng bata na hindi bababa sa isang taon.
02:21Paano pag hindi na naman nagbago,
02:23ibabalik po siya ulit sa korte.
02:26Sasabihin ng korte dito,
02:28after ng dalawang tsansa o mahigit pang tsansa ang binigay sa iyo,
02:32mukhang hindi ka talaga na-rehabilitate,
02:34doon po yung i-execute na po yung judgment ng korte.
02:37So pali po na walang criminal liability,
02:39may proseso lang po pinagdadaan.
02:42Masyado raw simpleng pagtingin sa komplikadong problema
02:45ang pagbaba ng edad ng criminal liability.
02:48Hindi raw yan ang solusyon sa kalimitang ugat ng problema
02:51na matinding kahirapan at problema sa pamilya.
02:54Ang ilan sa mga nakausap namin,
03:07pabor sa panukala.
03:08May isip po ng mga ibang kabataan na
03:12hindi na sila gagawa ng ganun
03:14kasi nakasuwan na nga.
03:16At saka mali din talaga yung mga gawain ganun.
03:19Matatakot na yung mga bata.
03:21Kasama magulang at saka yung bata,
03:24kakasuhan na rin.
03:26Sabi ng iba, sana may angkop lang na parusa
03:28dahil masyado pang murang edad
03:30na sampung taong gulang.
03:32Pwede po yung nanay din o yung magulang
03:35pero may proper punishment din po
03:37na pwedeng maibigay sa bata
03:39para mas matutukan and makorek pa po sila
03:43at that young age po.
03:45Napapabayaan.
03:46Kaya kung minsan po ang bata maagang naliligaw,
03:50alamin po muna kung ano po yung pinagdadaanan ng bata.
03:54Para sa GMA Integrated News,
03:56Mackie Pulido Nakatutok, 24 Horas.

Recommended