Aired (July 20, 2025): Sa Baguio City, Benguet, matatagpuan ang mga masaganang kaharian ng mga bubuyog. Ngunit ngayon, nanganganib na ang kanilang mga kolonya dahil sa hirap na makahanap ng ligtas at sapat na pagkain. Ang dahilan? Pesticides na mula sa pananim na pinupuntahan ng mga field bee. Sa halip na nectar, nakakapag-uwi sila ng lason sa kanilang pugad, na unti-unting pumapatay sa buong kolonya.