Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 2 days ago
24 Oras Weekend is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Ivan Mayrina and Pia Arcangel. It airs on GMA-7, Saturdays and Sundays at 5:30 PM (PHL Time). For more videos from 24 Oras Weekend, visit http://www.gmanews.tv/24orasweekend.

#GMAIntegratedNews #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Mula yung binaha ang ilang flood prone na lugar sa Quezon City
00:03at may mga nagbagsakan pang mga poste at billboard.
00:07At mula sa Quezon City, nakatutokla si Bernadette Reyes.
00:11Bernadette?
00:12Asunod ng Yellow Rainfall Warning na pag-asa,
00:15kanina alas 8 na umaga, binaha ang ilang lugar dito sa Quezon City.
00:23Abot hanggang lieg ang baha sa Waling-Waling Street
00:26sa Barangay Rojas District kanina umaga.
00:28Walang alisa ng mga tao dito.
00:30Pakigasan dito hanggat mababaw pa tubig.
00:33Mababaw pa yan.
00:35Hindi pinapansin ng tao yan.
00:37Pero wisyo ang dulot ng mga pagbaha sa mga komunidad
00:40gaya dito sa Rojas District tuwing bumabagyo.
00:43Pero para sa iilan, pagkakataon nito para makapaghanap buhay.
00:47Mula sa pirapirasong mga bakal, mga tanso, mga bote,
00:52pagkakataon nito para meron silang mapakain sa kanika nilang mga pamilya.
00:55Ibebenta po sa junk shop.
00:58Pang, ano, panggastos.
01:02Delikado rin kasi syempre may leptospirosis.
01:04Pwede rin kayong mateta no dyan.
01:07Hindi po niniisip namin pero wala kami magawa kasi yun ang talawang hanap buhay na.
01:11Hanggang baywang ang tubig kanina sa NS Amoranto Street malapit sa G. Araneta Avenue.
01:17Nagbangka ang ilang residente para makadaan.
01:20Hindi ito madaanan ng light vehicles pero may ilang sasakyang sumubok pa rin tumawid.
01:25Nandito tayo ngayon sa Pat Senador Street sa barangay San Francisco del Monte sa Quezon City.
01:31Ayon sa mga residente dito, kahit na konting ulan lang, agad bumabaha dito sa kanilang lugar.
01:37Ngayong araw nga na ito, tatlong beses na raw nagbabaha dito.
01:40Yung tubig bumabalik. Kasi sa kabilang side na doon, ilog na.
01:46Kaya once na magbaha, once na umulan, yung tubig bumabalik na.
01:53Sa barangay paligsahan, pansamantanang isinara ang bahagi ng Panay Avenue
01:57dahil sa malaking sanga ng puno na naputol at sumabit sa kawad ng kuryente.
02:02Sa Commonwealth Tandang Sora Avenue sa Quezon City,
02:05pinatumba ng malakas na hangin at ulan ang mga plastic barrier at code.
02:09Bahagyang bumagal ang trapiko.
02:12Sa Katipunan Avenue, poste at billboard naman ang natumba.
02:16Sa southbound na bahagi ng kalsada, humambalang ang isang billboard.
02:20Ayon sa MMDA, dalawang sasakyan ang naiulat na natamaan.
02:24Bumigat tuloy ang trapiko. Walang nasugatan sa insidente.
02:28Sa northbound, isang poste ng kuryente naman ang natumba.
02:31Fortunately, wala pong nasugatan dahil sa harapang bahagi lamang ng kotse,
02:37bumagsak yung poste.
02:38Sa ngayon po, naalis na natin yung kotse at itatabi rin po natin itong poste.
02:44Ayon sa Miralco, lumalabas sa pauna nilang investigasyon
02:47na natamaan na bumagsak na billboard ang kawad ng kuryente kaya nadamay ang poste.
02:52Natanggal na ang poste at gumulong ang operasyon para maibalik ang servisyo ng kuryente.
02:57Nagpaalala ang Quezon City LGU sa mga may-ari na ibaba ang kanilang mga billboard
03:02at itabi ang kanilang tower crane tuwing may masamang panahon.
03:07Pia, muli na namang bumuhos ang malakas na ulan dito sa Quezon City ngayong alas 5 ng hapon.
03:12Kasalukuyan namang kinicleer ngayon ng Quezon City Engineering Department
03:16ang nabuwal na puno dito sa Panay Avenue.
03:19Balik sa'yo, Pia.
03:19Mag-iingat kayo at maraming salamat, Bernadette Reyes.

Recommended