Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • today
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00It isinusulong sa Senado ang panukalang ibaba sa sampu ang edad na pwedeng papanagutin sa mga karumaldumal na krimen.
00:10Pinaligan naman niya ng Council for the Welfare of Children.
00:13Anila, hindi yan ang solusyon sa kalimitang ugat ng problema na kahirapan at problema sa pamilya.
00:19Balit ang hatid ni Maki Pulido.
00:24Nitong Marso sa Paranaque na matay sa saksak sa loob ng classroom ang isang babaeng grade 8 student.
00:30Kaklaseng lalaki ang suspect. Pareho silang edad labing apat.
00:34Kamakailan, ninakawan at tinadtad ng saksak ang isang babaeng edad labing siyam sa Tagum City.
00:39Nahuli na ang apat na suspect kabilang ang tatlong minor de edad.
00:43Sa datos ng PNP Women and Children Protection Center, sa unang 6 na buwan ng 2025,
00:49mahigit dalawat kalahating libo ang mga kasong sangkot ang mga CICL o Children in Conflict with the Law.
00:55Sa ilalim ng Juvenile Justice and Welfare Act of 2006,
01:00ang mga kabataan edad labing lima pababa, walang criminal liability o hindi maaaring kasuhan o ikulong.
01:06Sa ilalim naman ng Republic Act 10630, itinakda sa 15 to 17 years old ang discernment rule o pagkaunawa sa ginawa.
01:14Si Sen. Robin Padilla, naghahain ng panukala para itakda na may criminal liability na rin ang batang 10 years old.
01:22Ito'y kung sangkot ang bata sa heinous crime o karumaldumal na krimen tulad ng pagpatay, rape, kidnapping,
01:29serious illegal detention kung saan pinatay o ginahasa ang biktima,
01:33robbery with homicide or rape, carnapping kung saan pinatay o ginahasa ang biktima,
01:39at paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act.
01:41Paliwanag ng Council for the Welfare of Children,
01:44hindi totoong walang parusa ang mga batang sangkot sa mga karumaldumal na krimen.
01:49Mandatory na ipapasok ang child in conflict with the law sa youth care facility o bahay pag-asa
01:54para matulungan ang kanyang rehabilitasyon, particular sa edad labing dalawa hanggang labing lima.
02:00Nasa batas din na sa kaso ng CICL mamamagitan ang mga social worker ng DSWD.
02:06Dapat i-turn over sa kanila mga magulang, kaanak o guardian,
02:09at sa sa ilalim sa community-based intervention program.
02:14Maliba na lang kung sa assessment ng social worker,
02:16kailangang dalhin ang bata sa isang youth care facility.
02:20Korte ang magdedesisyon sa ihahaing petisyon ng DSWD
02:23para sa involuntary commitment ng bata na hindi bababa sa isang taon.
02:27Paano pag hindi na naman nagbago, ibabalik po siya ulit sa korte.
02:33Sasabihin ng korte dito, after ng dalawang tsansa o mahigit pang tsansa ang binigay sa'yo,
02:38mukhang hindi ka talaga na-rehabilitate,
02:41dun po yung i-execute na po yung judgment ng korte.
02:44So kaili po na walang criminal liability, may proseso lang po pinagdadaan.
02:49Masyado raw simple ang pagtingin sa komplikadong problema
02:52ang pagbaba ng edad ng criminal liability.
02:55Hindi raw yan ang solusyon sa kalimitang ugat ng problema na matinding kahirapan at problema sa pamilya.
03:01We have to address poverty and underdevelopment.
03:05We have to support the family.
03:06Sa mga bata po na ito, dahil po hindi pa buuang isip nila, sila po ay biktima rin.
03:12Ang ilan sa mga nakausap namin, pabor sa panukala.
03:16May isip po ng mga ibang kabataan na hindi na sila gagawa na ganoon
03:21kasi nakasuhan na nga at saka mali din talaga yung mga gawain ganoon.
03:26Matatakot na yung mga bata.
03:28Kasama magulang at saka yung bata, kakasuhan na rin.
03:32Sabi ng iba, sana may angkup lang na parusa dahil masyado pang murang edad na sampung taong gulang.
03:39Pwede po yung nanay din o yung magulang, pero may proper punishment din po na pwedeng maibigay sa bata
03:46para mas matutukan and makorek pa po sila at that young age po.
03:52Napapabayaan, kaya kung minsan po ang bata maagang naliligaw, alamin po muna kung ano po yung pinagdadaanan ng bata.
04:01Mackie Pulido nagbabalita para sa GMA Integrated News.
04:09Napapabayaan, kaya kung minsan po ang bata maagang naliligaw, alamin po ang bata maagang naliligaw.

Recommended