00:00Naidaos na ang pinakahuling inter-agency meeting bilang bahagi ng paganda sa ikaapat na State of the Nation Address ni Pangulong Marcos Jr.
00:08At ilang kongresista umaasa naman na matatalakay sa sauna ang mga issues sa ating ekonomiya, West Philippine Sea at online gambling.
00:15Ang detalye sa report ni Mela Lasmoras.
00:18Bago ang ikaapat na State of the Nation Address ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., may kanya-kanya ng wishlist ang ilang kongresista ukol sa lalamanin ng talumpati ng presidente.
00:32Ayon kay Lanao del Sur, First District Representative Zia Alonto Adjung, umaasa siyang mabibigyang padsin ng presidente ang usapin ng online gambling.
00:41Sa ngayon, very important na malaman. Personally, I would say because I'm one of those members who have filed for the total ban of e-gambling.
00:54I would like to know the clear direction of these administrations when it comes to regulating this kind of industry, emerging industry.
01:01Si Laguna First District Representative Ann Matibag naman, mga hakbang ng administrasyon hinggil sa West Philippine Sea at sa ating ekonomiya ang nais marinig sa sauna.
01:12Dahil bibisita ang presidente sa Estados Unidos bago ang okasyon, umaasa siyang magkakaroon din na magandang balita ang Pangulo ukol sa taripan ng Amerika sa Pilipinas.
01:22I hope na with the state visit of our president, bumaba ang 20% to hopefully 10% parang Singapore.
01:32And syempre, I stand with our president sa call and sa kanyang paniniwala na protektahan ang ating West Philippine Sea.
01:43Kung si ACT Teacher's Partialist Representative Antonio Tino naman ang tatanungin, pangunahin niyang nais mabigyang pansin sa sauna ang kapakanan ng mga manggagawang Pilipino.
01:54Malinaw ang hinain ng mga Pilipino. So yung paring sahod, disenting sahod at bababang presyo. Sa mga surveys, yan ang sinasabi.
02:08Kahapon, una nang nagdaos ng final inter-agency meeting para sa SONA, ang mga opisyal ng Office of the President, Kamara at Senado.
02:17Kabilang sa mga isinapinal dito ang security plans, traffic rerouting plans at contingency measures sa July 28.
02:24Dito'y pinangalanan na rin kung sino ang aawit ng lupang hinirang sa SONA at yan ay si The Voice Season 26 winner, Sofronio Vasquez.
02:32Mela Lasmoras para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.