Skip to player
Skip to main content
Skip to footer
Search
Connect
Watch fullscreen
Like
Comments
Bookmark
Share
Add to Playlist
Report
COMELEC, ‘all systems go’ na para sa Hatol ng Bayan 2025 sa Lunes; botohon, magtatapos umano ng 7 pm
PTVPhilippines
Follow
5/9/2025
COMELEC, ‘all systems go’ na para sa Hatol ng Bayan 2025 sa Lunes; botohon, magtatapos umano ng 7 pm
For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/
Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated
Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines
Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas
Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph
Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph
Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines
Watch our News Programs, every Mondays to Fridays
Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 7:00 am | 7:30 - 8:00 am
Balitang Pambansa - 7:00 - 7:30 am | 12:00 - 12:30 pm |
6:00 - 6:30pm | 9:30 - 10:00 pm
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:30 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:30 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 10:00 pm - 10:30 pm
Saturday & Sunday:
►Sentro Balita Weekend - 1:30 - 2:00 pm
►Ulat Bayan Weekend - 6:15 pm - 7:00 pm
Category
🗞
News
Transcript
Display full video transcript
00:00
100% na ang handa ang Commission on Elections para sa Hatol ng Bayan 2025 sa Lunes.
00:08
Nagpaalala naman ang COMELEC sa mga kandidato dahil hanggang bukas na lamang ang pangangampanya.
00:14
Si Luisa Elispe sa Seton ng Balita, Live.
00:19
Angelique, tapos na ang pag-deliver ng mga balota at tapos na rin ang final testing at sealing ng mga automated counting machines sa buong bansa.
00:28
Kaya naman ang Commission on Elections, 100% handa na para sa Hatol ng Bayan 2025.
00:39
All systems go na ang Commission on Elections para sa gagawing botohan sa Lunes.
00:44
Ayon sa COMELEC, sa ngayon, ang inaayos na lang nila ay mga contingency measures
00:49
sakaling magkaroon ng aberya o problema sa mismong araw ng halalan
00:53
at ang pagde-deploy ng mga Starlink sa mga liblib na lugar na walang signal.
00:58
Tulad ng Saifugao.
01:01
Handa pong handa po ang COMELEC.
01:03
Siyempre, lagi't lagi sa isang operation, sa isang ganito,
01:06
meron biglang pumapasok na problema, issue.
01:09
Ang importante, intact yung aming contingency measures,
01:12
intact yung aming operation plan sa kung ano ang gagawin ng Commission pagka mga ganito.
01:18
Sakali naman anyang magkaroon ng kalamidad dahil nga kamakailana ay nagdulot ng pagbaha ang low pressure area sa Mindanao,
01:26
hindi nila hahayaang maantala ang halalan dahil ang nais nila walang failure of elections
01:32
at walang kahit anong postponement ng botohan sa buong bansa.
01:35
Sana, sa ganung pagkakataon, sana po walang postponement ng eleksyon na mangyayari
01:43
at sana walang failure of election sa kahit na anong presinto sa buong bansa.
01:48
Ang bukas na lang naman ang panahon ng kampanyahan,
01:51
kaya may paalala ang COMELEC sa mga kandidato.
01:54
Kung maaari, ngayon pa lang, tanggalin na ang mga posters na nagkalat sa kalsada.
02:00
Huwag na rin mangampanya sa mismong araw ng botohan.
02:03
Bawal ang pagbibitbit ng mga supporters sa mga polling place.
02:07
Bawal magpakain at bawal din ang alok na libring sakay.
02:11
Huwag na rin sana gumamit umano ng mga bata sa pamimigay ng sample ballots
02:15
at huwag na magpakalat-kalat sa mga presinto matapos bumoto.
02:20
Dahil lahat ng yan, posibleng silang managot at makasuhan.
02:26
Babalaan natin pagkatapos bumoto o bago bumoto,
02:29
huwag na lang pong ikot ng ikot sa polling place
02:30
kasi baka ma-consider pa yan na pangangampanya.
02:34
Dapat po dire-diretsyo na lang sa pagboto, dire-diretsyo na rin tayo sa ating pong pag-uwi.
02:39
Para naman sa mga botante, kung maaari, magdala na ng sariling kodigo sa pagboto
02:44
at maaga na rin bumunta sa mga presinto para bumoto.
02:48
Mula alas 5 hanggang alas 7 ng umaga bukas,
02:51
ipatutupad o sa lunes, ipatutupad na ang early voting hours
02:55
para sa mga nakatatanda, PWD at buntis.
02:59
Ang botohan naman ay mula alas 7 ng umaga hanggang alas 7 ng gabi.
03:06
Kung na po natin habulin yung eksakto alas 7,
03:08
although naintindihan natin yung iba,
03:09
maaaring may mga itaasikaso pa kaya hindi ka agad sila nakakaboto ng maaga.
03:15
Pero mas maaga po, mas maganda.
03:19
Samantala, ayon naman sa Malacanang,
03:21
alingsunod sa utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcus Jr.,
03:24
mayroong 24-7 na monitoring post na binuo ang COMELEC
03:29
kasama ang Department of Information and Communications Technology o DICT
03:33
para labanan-umano ang disinformation.
03:36
Mayroon ding mga international election watchdogs
03:39
na mag-oobserba sa halalan sa lunes.
03:41
Ayon kay Palace Press Officer Attorney Claire Castro,
03:45
ang presensya nila sa bansa ay magpapatunay na malinis
03:49
at maayos ang halalan sa Pilipinas.
03:54
Para sa hangaring malinis at tapat na halalan,
03:57
nagsama-sama ang lahat ng election watchdogs
04:00
mula sa mga pribadong organisasyon,
04:02
simbahan, kabataan at iba pang sektor.
04:05
Sa kanilang mahigpit na pagbabantay,
04:09
matitiyak na ang bawat boto ay mabibilang ng tama
04:12
at ang bawat boses ng mamamayan ay maririnig.
04:16
Angelique, bukod dito sa mga paalala sa mga bawatante
04:20
at sa mga kandidato para sa mismong araw ng halalan sa lunes,
04:23
may paalala din ng COMELEC para naman sa araw ng linggo
04:26
na simula na ang pagpapatupad ng liquor ban
04:30
at bawal na rin na ang sabong.
04:32
Yan ay para matiyak na magiging maayos ang halalan sa lunes.
04:36
Samantala nakatutok din naman sila sa mga posibleng kaso ng vote buying
04:39
dahil aminado sila na pagpatak ng Sabado, Linggo at Lunes
04:44
ay talamak ang mga susubok na maging sangkot sa vote buying.
04:48
Kaya naman kausap na nila ang mga bangko,
04:51
pati na rin ang mga e-wallet applications
04:54
para nga matutukan ang mga ibang-ibang uri
04:57
ng posibleng kaso ng vote buying.
04:59
Angelique.
05:00
Okay, maraming salamat sa iyo, Luisa Erispe.
Recommended
1:42
|
Up next
DSWD, tiniyak na hindi na mapepeke ang PWD ID
PTVPhilippines
2/19/2025
2:02
Mga presyo ng gulay sa KADIWA ng Pangulo, nanatiling abot-kaya
PTVPhilippines
6/25/2025
3:47
PBBM, determinadong mas palakasin pa ang edukasyon sa bansa
PTVPhilippines
6/18/2025
2:51
NGCP, tiniyak na sapat ang supply ng kuryente ngayong Semana Santa
PTVPhilippines
4/15/2025
2:34
MSRP sa baboy, tiniyak na nasusunod sa mga pamilihan
PTVPhilippines
3/13/2025
3:02
NCSC, mas pinaigting ang mga programa para sa mga nakakatanda
PTVPhilippines
6/19/2025
1:38
P20/kg na bigas ng D.A., pinilahan ng mga mamimili
PTVPhilippines
5/15/2025
2:58
PNP Chief Marbil, pinatitiyak ang kaligtasan ng publiko ngayong Semana Santa
PTVPhilippines
4/16/2025
0:53
DSWD, patuloy na paiigtingin ang ‘Walang Gutom’ Program; Higit 700,000 benepisyaryo, target maabot sa 2027
PTVPhilippines
3/31/2025
1:28
PNP, tiniyak ang kaligtasan ng publiko ngayong Semana Santa
PTVPhilippines
4/15/2025
2:59
DOH, pinawi ang pangamba ng publiko sa mga naitatalang kaso ng COVID-19
PTVPhilippines
6/2/2025
1:00
PHILRACOM, suportado ang pangangalaga sa mga kabayong pangkarera
PTVPhilippines
1/30/2025
0:57
NIA, patuloy sa pag-alalay sa mga magsasaka ngayong tag-init
PTVPhilippines
3/5/2025
1:11
DOLE, naglunsad ng mga job fair para sa mga Pilipino
PTVPhilippines
3/17/2025
0:56
PBBM, tiniyak ang pagpapalakas sa industriya ng pangingisda sa bansa
PTVPhilippines
4 days ago
3:18
NCAP sisimulan na sa Lunes matapos bawiin ng Korte Suprema ang TRO
PTVPhilippines
5/22/2025
2:38
Mga dayuhang naaresto sa Laguna, iniimbestigahan ng PAOCC kung sangkot sa pang-eespiya
PTVPhilippines
2/15/2025
0:40
Pagpapadala ng mga manggagawang Pinoy sa Kuwait, hihigpitan ng DMW
PTVPhilippines
2/18/2025
0:35
UST, ipinakita na ang logo para sa UAAP Season 88
PTVPhilippines
5/21/2025
0:37
D.A., sinabing unti-unting bumababa ang presyo ng kamatis
PTVPhilippines
1/14/2025
0:58
PNP, puspusan na rin ang paghahanda para sa SONA ni PBBM
PTVPhilippines
6/30/2025
0:57
93 baril, nakumpiska; 100 indibidwal, naaresto ng PNP hinggil sa ipinatutupad na nationwide Comelec gun ban
PTVPhilippines
1/16/2025
0:59
Nominasyon para sa promosyon ng ilang opisyal ng AFP, isinumite ni PBBM sa CA
PTVPhilippines
1/16/2025
1:13
PBBM, hinimok ang mga OFW na bumoto sa #HatolNgBayan2025
PTVPhilippines
5/8/2025
0:49
Pagsisimula ng tag-ulan, opisyal nang idineklara ng DOST-PAGASA
PTVPhilippines
6/3/2025