00:00Palalawakin pa ng National Commission of Senior Citizens ang programa nito para sa pagbibigay ng servisyo sa mga nakatatanda.
00:08Yan ang ulat ni Denise Osorio.
00:11Kami, mga senior, bigyan naman kami ng ano sa pamumuhay para makapagtrabaho naman kami.
00:19Sa edad na 74, umaasa si Ginang Remedyos sa suporta ng kanyang pamilya at sa mga servisyong handog ng pamahalaan.
00:27Nagtutulungan ang kanyang limang anak at mga apo para matustusan ang kanyang mga pangangailangan lalo na may maintenance na siya.
00:36Pangkaraniwang kwento ito ng maraming senior citizen dito sa Pilipinas.
00:41Isa sa mga tumutulong kay Lola Remedyos ang apo niyang si Rennie Jane, isang solo parent, nagtatrabaho at nag-aalaga sa kanyang Lola.
00:49Nakikiambag rin siya sa binibigay na sustento ng pamahalaan para kay Lola Remedyos.
00:54Kung baga, kung sakali po, yung 3,000 na binibigay po sa senior is malaking bagay tulong.
01:01Kung baga po, kulang na lang po yung idadagdag, konti na lang po idadagdag namin para po doon sa maintenance ng Lola namin.
01:07Ani ni Rennie Jane, baga matumutulong ang gobyerno para sa pangangalaga ng mga senior citizen, kapos pa rin ito.
01:15Sa harap ng tumatandang populasyon sa Pilipinas, mahalaga ang kapakanan ng mga senior citizens.
01:20Base sa datos ng National Commission of Senior Citizens, halos 10% ng mga Pilipino ay nasa edad na 60 pataas.
01:29Dahil dito, mas pinaigting ng NCSC ang mga programa para sa mga komprehensibong serbisyo sa mga nakakatanda.
01:37Ang sabi ng Pangulo natin, ang mga nakatanda bilang haligi ng ating bayan should continue to be productive.
01:46At sila dapat ay kasama rin sa ating economic revolution for our country.
01:51So that is really the purpose why we have livelihood opportunities.
01:55Titiyakin ng komisyon na may akses sa maayos na serbisyong pangkalusugan, seguridad at suporta mula sa komunidad ang bawat lolo't lola sa bansa.
02:04Pinagbubuti din ang data collection para malaman ang eksaktong bilang at estado ng mga senior citizens para masigurong naihahatid ang tamang tulong sa mga seniors.
02:16Alam mo, pagka nagri-retiro ang isang nakatanda, ang feeling niya, wala na siyang silbi sa mundo.
02:22So that feeling of isolation and the absence of belongingness and productivity, you know, weighs heavy on a senior citizen.
02:29So mahalaga yun, bigyan sila ng purpose, bigyan sila ng kahalagahan, and this actually will become a model for the young generation as well.
02:38Sa mga programa ng NCSC, katuwang ang iba't ibang sangay ng gobyerno, pinapalakas ang advokasya ng komisyon para sa aktibong pagtanda,
02:47kung saan hindi lamang sila inaalagaan, kundi binibigyan din ng pagkakataong makilahok at makapagambag pa sa lipunan.
02:56Denise Osorio para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.