00:00Samantala, muling iginiit ni President Ferdinand R. Marcos Jr. na mananatili ang 20 pesos na kada kilo ng bigas na programa ng pamahalaan.
00:09Sa pinakabagong vlog ng Pangulo, sinabi niya na bukod sa pananatili, ay palalawakin pa ito at magiging available sa mas maraming pamilihan sa bansa.
00:19Sa ngayon, maaaring mabili ang murang bigas ng mga nasa vulnerable sectors.
00:23Tiniyak din ang Pangulo na may inilatag na hakbang para maiwasan ang pagbaba ng presyo ng palay na binibili sa mga magsasaka.
00:32May mandatoan niya ang National Food Authority na bilhin ang wet palay sa 18 pesos kada kilo at ang dry palay sa 19 hanggang 23 pesos kada kilo.
00:43Guit pa ni Pangulong Marcos, nagpapadala na rin ng rice processing machineries ang pamahalaan sa mga magsasaka para tuyo na nilang maibibenta ang palay.
00:53Samantala, kinilala rin ng Pangulo ang makabagong teknolohiya para mainganyo ang mga kabataan sa pagsasaka.