Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • today
Lumalago man ang ekonomiya ng Pilipinas, sinabi ng World Bank na hindi sapat ang bilis nito para matamo ang target na wala nang mahirap pagsapit ng taong 2040. Dagdag ng World Bank, kailangan pa ng mga reporma para tuluyang masugpo ang kahirapan at mas maramdaman ng marami.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Lumalago man ang ekonomiya ng Pilipinas, sinabi ng World Bank, na hindi sapat ang bilis nito para matamu ang target na wala ng mahira pagsapit ng taong 2040.
00:14Dagdag ng World Bank, kailangan pa ng mga reforma para tuloy ang masugpong kahirapan at mas maramdaman ng marami.
00:22Nakatutok si Maki Pulido.
00:23Noong 2020, nakipagsapala rin si Edward sa Manila para maghanap ng trabaho. Mula noon, pagkokonstruksyon na ang ikinabubuhay niya.
00:35Sobrang hirap. Dugo-pawis yung puhunan, mami.
00:38Isa si Edward sa bilang ng World Bank na nakahanap ng trabaho mula noong 2010.
00:43Resulta raw yan ng mabilis na paglago ng ekonomiya mula 2010 na nakapaglikha ng 11.7 million na dagdag na trabaho.
00:50Dahil sa mga nalikang trabaho, mula raw 2010 hanggang 2023, mas lumago ang real income ng 40% sa pinakamahihirap kumpara sa 20% ng pinakamayaman.
01:02Susi raw dyan ang paglipat mula self-employment na kalimitan ay sa sektor ng agrikultura sa wage jobs o may regular na sweldo tulad ng manufacturing at construction.
01:11Sa bilis daw ng paglago ng ekonomiya ng bansa, isa sa pinakamabilis na paglago sa East Asia, hindi na raw talaga matatawag na sick man of Asia ang Pilipinas.
01:20When you look at the Philippine growth and job creation performance, you see three distinct videos there.
01:28Growth accelerated from an average of 2.8% in the decade before the Asian financial crisis to 4.4% between crisis to 5.2% post the global financial crisis, post 2010.
01:44Kung lumalago man na ekonomiya, sabi ni Edward, hindi niya ramdam yan. Matinding pagtitipid daw ang kailangan niyang gawin para pagkasyahin ang kakainin sa bawat araw.
01:54Dati na lang mayaman mo, siguro makakasama dun. Kasi di naman po may mayaman mo eh, para makasama dun.
02:03Sabi ng World Bank, sa average na 5.2% na paglago na ekonomiya, hindi pa rin ito sapat para maabot ang target ng gobyerno na wala nang mahirap sa taong 2040.
02:11Kailangan pa rin ang mga reforma tulad ng maayos na mga pulisiya para hindi mahirapan ang mga mamumuhunan at suportahan ang mga maliliit na negosyo.
02:21Kung sakali, maaari pa rin mas lumago ekonomiya para maabot ng Pilipinas ang high income threshold sa taong 2050.
02:29Hinihingan namin ang komento ang gobyerno kaugnay nito.
02:32Para sa GMA Integrated News, Mackie Pulido na Katutok, 24 Horas.

Recommended