Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 3 days ago
24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Nahulikam ang pagpapaputok ng baril ng isang barangay captain sa gitna ng isinasagawang clearing operation sa Tondo, Maynila.
00:07Dumepensa naman ang kapitan ng iharap sa publiko ng Manila City Hall. Nakatutok si Marisol Abduraman.
00:16Nauwi sa gulo ang clearing operations ng barangay 122 sa Tondo, Maynila nitong Sabado at sa gitna ng komosyon,
00:23Umaling-aungaw ang mga putok ng baril. Ang nagpaputok ng baril na nakuha nun sa video ay kinilalang kapitan mismo ng barangay.
00:36Nang iharap sa publiko ng Manila City Hall kanina, hindi na itinanggi ni Kapitan Rodelio Liu na pinaputok niya ang kanyang baril na lisensyadoan niya at may permit to carry.
00:45Sa gitna kasi ng clearing operations sa lugar, may mag-ama-umanong sumugod sa kanya.
00:53Sa puntong yun naa niya siya, nagpaputok ng baril.
01:11Pinabulaan na naman ang aligasyon ni Kap nang nakaalitan niyang nakakulong sa Station 1 ng Manila Police.
01:30Mitya ng gulo ang pinagbabaklas na lona sa harap ng kanilang bahay.
01:40Kahit na pagkasundan umunong sila ang pusang magbabaklas, ay binaklas pa rin ito ng mga tauhan ni Kap kaya pumalag sila.
01:46Noong naranog punta si Chairman.
01:49Pagbalik ng ganon, bigla nalang umano, bumunot ng baril.
01:55Nang walang karason-rason?
01:56Walang karason-rason.
01:57Bumunot siya?
01:58Oo, nabigla nga po ako eh.
02:01Bigla siyang bumunot ng baril.
02:03Tapos, oh ano-ano, gano'n po ako.
02:06Yun ang tuntok ko sa akin.
02:07Tapos pinaputokan po ako doon sa baba.
02:10Nahaharap si Chairman ng reklamang illegal discharge of firearms and grave threats.
02:15Sinampahan naman ang reklamang direct assaults ang kanyang nakaalitan.
02:18Total, wala naman nagkasakitan.
02:20Sana yung magkakapit bahay, magbigayan at mag-unawaan nalang.
02:25Ayaw na rao ni Mayor Isco na mangyari ang ganitong insidente.
02:28Kaya nananawagan siya sa mga residente ng Maynila na makipagtulungan sa mga otoridad.
02:33Lalo tuloy-tuloy rao ang gagawin nilang clearing operation.
02:37Para sa GMA Integrated News.
02:39Marisol Abduraman.
02:42Nakatutok, 24 oras.
02:45Dahil sa pagsusugal umano online habang nagmamaneho,
02:51tatlong buwang suspendido ang lisensya ng isang bus driver.
02:55May isa pang ganyan din ang inatupag habang gumabiyahe sa EDSA.
03:00Nakatutok si Darlene Kai.
03:05Kuha ito ng isang pasahero ng bus na biyahing Cavite.
03:08Kita kung paanong nagsasalita ng tingin ng driver sa kalsada habang tila may binubutingting.
03:14May hawak palang cellphone ang driver at naglalaro ng online sugal.
03:21Tumaging humarap sa camera ang uploader pero kwento niya sa GMA Integrated News na bahala siya dahil nawawala na sa linya ang bus.
03:28Hindi rin daw ito nakakapreno agad dahil tila hindi napapansin ang ibang sasakyan.
03:34Sinita kalauna ng pasahero ang driver at agad namang tumigil noon sa pagsiselfone.
03:38Nakarating na si LTFRB ang insidente niyan at kanila nang iniimbestigahan.
03:43Iniimbestigahan na rin ang LTFRB ang video na ito na kumakalat din online.
03:47Kung saan, nag-online sugal din umano ang driver ng modern jeep habang nagmamaneho sa kalsada.
03:53Ayon sa nagpadala ng video, nangyari raw ito madaling araw noong July 7.
03:58Ayon sa LTFRB, ang parehong insidente, malinaw na paglabag sa Anti-Distracted Driving Act.
04:05Linalagay niya sa peligro yung mga pasahero niya. Bakit?
04:09Hindi kasi siya concentrated sa driving niya.
04:13So, kita natin yung violation doon.
04:17At pag may violation, may kaukulang penalty at nakasaad din yung sa batas.
04:24Sinuspin din ang LTO ng siyamnapung araw ang lisensya ng bus driver.
04:28Sa isang pahayag, sinabi ni LTO Chief Attorney Greg Pua Jr. na tila malala na ang pagka-addict sa online sugal.
04:35Dahil umabot na sa puntong nilagay niya sa alangani ng kaligtasan ng mga pasahero.
04:40Hindi raw ito palalagpasin ng LTO.
04:43Bukod sa Anti-Distracted Driving, mahaharap ang bus driver sa reklamong paglabag sa Land Transportation and Traffic Code dahil sa Reckless Driving.
04:51Pinagpapaliwanag din ng LTO ang Kirsteen Joyce Transport kung bakit hindi ito dapat parusahan sa pagkuhan ng anilay reckless driver.
05:00Tumagay magpaulak ng panayamang Kirsteen Joyce Transport pero sinabi ng kinatawa nila sa GMA Integrated News na sinuspindinan nila ang driver na sangkot sa insidente.
05:09Maglalabas din ang show cost order ang LTFRB laban sa operator ng modern jeep driver na nakunang nagsi-cellphone din habang nagmamaneho.
05:18Naghihintay pa ang GMA Integrated News ng karagdagang detalya mula sa LTO tungkol sa aksyong gagawin nila sa insidenting yan.
05:25Ayon sa isang support group, maaaring maituring na gambling addiction na ang ipinapakita ng dalawang driver na nakuna ng video.
05:32Sa compulsive gambler category na siya. So malamang may addiction na siya regarding this matter.
05:41Bukas naman daw sa pagtulong ang kanilang organisasyon sa mga nalululong sa online sugan. Bahigpit na bilin pa ng LTFRB.
05:48Unless yan ay for emergency purpose, ay iwasan po natin dahil kapag gumagamit po tayo ng cellphone while driving na hahati yung concentration natin sa pagmamaneho.
06:02The mere fact that it poses already danger to your passengers ay violation na.
06:11Para sa GMA Integrated News, Darlene Kay, Nakatutok, 24 Horas.
06:18Sa halip na sariling birth certificate, sa kanyang kakambal daw ang ibinigay ng Philippine Statistics Authority sa lalaking dumulog sa inyong kapuso action man.
06:27Ang record niya kasi, nabura umano. Atin niyang inaksyonan.
06:36Ipinanganak na kambal pero paano kung nabura ang birth certificate ng isa?
06:42Yan umano nangyari sa kinakasama ni Angelica kaya problemado sila ngayon.
06:46Sabi niya po parang pinatay na nga daw po siya kasi wala siyang birth certificate.
07:06Mahalaga po talaga yun eh. Kung sakaling gusto po namin magpakasal, magagamit po namin yun.
07:11Tsaka sa mga trabaho niya rin po. Kasi mostly eh, PSA na po talagang hinahanap.
07:16Ang birth certificate lang daw ng kakambal ang lumabas sa record ng Philippine Statistics Authority of USA.
07:22Ito'y kagit may kopya sila ng live birth mula sa local civil registry at to'y national statistics office on a zone.
07:30Na-delete daw po yung ano ng asawa ko na kumbaga parang consider na walang kambal yung isa.
07:38Sana po ah, hindi na maulit yung mga ganong case lalo na ang dami mga kambal ngayon dito sa Pilipinas.
07:45Tumulog ang iyong kapuso action man sa ahensya ng gobyerno na pwedeng tumugon sa naturang ginaing.
07:54Paliwanag ng PSA.
07:56Human error, yung ating request service officer.
07:59Kay Sir Ronald po ipagpumahin po yung pagkahaman niya doon sa pag-issue ng document.
08:05Civil registry documents maging birth man yan, marriage or death.
08:08This is our permanent record po.
08:10Si PSA kailanman ay hindi pong nagbubura o nagde-delete ng record on our file.
08:16Based doon sa aming research doon sa document niya ma'am, yung birth certificate ng kambal ay parang mong active.
08:23Sir Ronald, ito po yung inyong birth certificate.
08:28Thank you po sa kapuso action man dahil nandito na po yung PSA ng asawa ko.
08:33Hindi na daw po siya alien ngayon. Maraming maraming salamat po.
08:40Mission accomplished tayo mga kapuso.
08:45Para sa inyong mga sumbong, pwedeng mag-message sa Kapuso Action Man Facebook page
08:49o magtungo sa GMA Action Center sa GMA Network Drive Corner Summer Avenue, Diliman, Quezon City.
08:54Dahan sa namang reklamo, pang-aabuso o katiwalian.
08:57Tiyak, may katapat na aksyon sa inyong Kapuso Action Man.
09:00Sa gitna ng nagpapatuloy na tensyon sa pagitan ng Israel at Iran,
09:05kinumpirma ng Embahada ng Pilipinas sa Israel ang pagpanaw ng isa nating kababayan.
09:10Siya, ang apat na putsyam na taong gulang na si Lea Mosquera, isang caregiver mula Negros Occidental.
09:17Lubhang nasugatan si Mosquera matapos tamaan ng Iranian missile ang kanyang tinutuluyang apartment doong June 15.
09:23Isinugod siya sa ospital at sumailalim sa ilang operasyon.
09:26Pero matapos ang ilang linggong pananatili sa Intensive Care Unit o ICU,
09:31binawian siya ng buhay.
09:33Kasama ni Mosquera sa kanyang mga huling sandali ang kanyang kapatid na nagtatrabaho rin sa Israel.
09:38Nagpaabot ng pakikiramay ang Philippine Embassy na handang tumulong sa naulilang pamilya.
09:43Inaayos na rin ang pag-uwi ng kanyang mga labi.
09:46Ibang-ibang mukha ng pagsusumikap ang naitampok na natin dito sa Kapusong Totoo,
09:58kabilang sa kanila ang ilang patuloy pa rin bumabangon sa kabila ng kapansanan.
10:04Kaya ngayong National Disability and Rehabilitation Week,
10:08ilan sa kanila ang hinandugan natin ng wheelchair at saklay.
10:17Tatlong araw na hindi nakalabas sa kanilang bahay,
10:21ang bangkerong si Brian,
10:23matapos masira ang kanyang saklay na nakuha pa raw sa kalakal noong 2022.
10:30Kahit para makapaghanap buhay,
10:32pumaraan muna siya at gumamit ng kahoy bilang saklay.
10:37Taong 2010, naputulan ng paas si Brian matapos maaksidente sa bike.
10:43Sa isip ko, ano na lang, gumawa na lang ng kahoy.
10:47Kasi isang maghantay pa ako.
10:49Kahit kaunti ang kinikita.
10:50May pantawid lang sa pamilya.
10:53Ang kapitbahay naman niyang si Andy,
10:55literal na ginagapang ang araw-araw para makatulong sa pamilya.
11:01Si Andy kasi ipinanganak na may polyo.
11:04Pero sa kabila ng kondisyon,
11:08nagagawa pa rin niyang magsagwan at sumisid para mang isda.
11:13At natuwa ko dahil sa misa nakakatulong.
11:16Magaling siya lumungoy at saka magaling sumisid.
11:19Bilang pakikiisa ngayong National Disability Prevention and Rehabilitation Week,
11:26hangat ng Jimmy Capuso Foundation,
11:28na walang mapag-iiwanan na persons with disability.
11:32Kaya handog natin ang 28 wheelchairs,
11:38saklay at hygiene kits para sa mga PWD at senior citizen sa San Sebastian, Samar.
11:46Kabilang na dyan si Brian,
11:48tinawiti natin ang barangay Bontod para maihatid ang wheelchair ni Andy.
11:53Nasa fifth class municipality na po kami.
11:56Makakatulong yun sa pang-araw-araw nila na ginagawa nila.
11:59Marami salamat sa natagan ako ng wheelchair para sa paglalakad ito.
12:07Sa mga nais makiisa sa aming mga proyekto,
12:10maaari po kayong magdeposito sa aming mga bank account
12:13o magpadala sa Cebuana Loliere.
12:16Pwede ring online via Gcash, Shopee, Lazada at Globe Rewards.
12:21Gumating na ang mga remotely operated V-Gelo ROV
12:32na gagamitin sa paghanap sa mga nawawalang sabongero sa Taal Lake.
12:36Live mula sa Laurel, Batangas,
12:38nakatutok si Rafi Tima.
12:40Rafi.
12:40Email ngayong nga ikalimang araw ng search and retrieval operation
12:47ng Philippine Coast Guard para hanapin ang mga nawawalang sabongero dito sa Taal Lake.
12:51Ay nilawakan pa nila yung kanilang search area at naglagay ng mga boya
12:54bilang paghahandaan ng kanilang mas malawak na paggalugad dito sa lawa.
12:58Tulad kahapon, walang naiangat na kahinahinalang bagay
13:05ang mga diver ng Philippine Coast Guard ngayong araw
13:07sa pagpapatuloy ng search and retrieval operation
13:10para sa mga nawawalang sabongero.
13:12Naglagay na lang muna ng boya ang mga kawainin ng PCG
13:15bilang palatandaan ng kanilang mas malawak na search grid.
13:19Base sa inilabas na underwater footage ng PCG,
13:21kita kung gaano kahirap ang paggalugad sa madilim at maburak na lake bottom.
13:26Bukod sa low visibility,
13:27kalaban din ang divers sa freshwater diving,
13:29ang lamig ng tubig lalo pat 50 hanggang 70 talampakan
13:33ang kanilang sinisisid.
13:35Sa kabila nito, iginitang PCG.
13:37Maingat sila kapag nakakakita ng suspicious objects
13:39para mapangalagaan ang chain of custody
13:41ng mga nakikitang ebidensya.
13:44We need to be careful yung divers natin
13:46kaya linalagyan talaga namin yung fine mesh net
13:49kasi it's a challenge.
13:53Makakatuwang na rin ng mga divers sa pagsisid
13:55ang remote operated vehicle o ROV
13:57na dumating ngayong araw.
13:59Kaya nito mag-operate ng ilang oras ng tuloy-tuloy.
14:02Dahil inaasahang mahaba-haba pa ang operasyong ito,
14:05ayaw naman daw nilang sagari ng kanilang mga technical divers.
14:08Sa mga susunod na araw,
14:09inaasahang magiging puspusan
14:10ang gagawing search operation
14:12ng mga kawani ng Coast Guard.
14:13Gate ng Philippine Coast Guard,
14:20batid nilang kahalagahan,
14:21hindi lang yung mismong paghahanap
14:22sa labi ng mga nawawalang sabongero
14:24pero yung mapangalagaan
14:26yung mga iniaangat na kanilang mga divers.
14:28Kaya naman kapag naiangat na
14:30yung kanilang mga kahinahinalang bagay,
14:32ay sa mga kawani ng PNP Soko
14:34na nila ito agad ipinapasa
14:35para matiyak na ma-preserve
14:38yung anumang pwedeng makuhang ebidensya
14:39mula sa mga ito.
14:41Kanina, tinest na rin daw nila
14:42yung kanilang ROV
14:43para bukas ay posibleng magamit na yan
14:45dito sa kanilang search operation.
14:47Yan ang latest
14:48mula rito sa Laurel, Batangas.
14:50Emil?
14:50Maraming salamat, Rafi Tima.

Recommended