- 6/20/2025
24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Category
🗞
NewsTranscript
00:00Itinali sa sakong may buhangin bago itinapon sa Taal Lake.
00:05Ganyan ang ginawa sa mga nawawalang sabongero ayon kay Alyas Totoy,
00:09ang akusadong gusto ng tumestigo sa kaso.
00:12Naglabas din siya ng video sa pagkakagapos sa nawawalang sabong master agent
00:16bago mo na ito pinatay.
00:19Panoorin sa aking eksklusibong pagtutok.
00:21Sa videong hawak ni Alyas Totoy,
00:27ang nagpakilalang direktang bahagi sa kaso ng mga missing sabongero,
00:31kita ang isang lalaking tila nakagapos sa anyay isang sasakyan
00:36habang tinatanong ng mga lalaki.
00:41Hindi aninag ang mukha ng lalaking nakagapos dahil balot ito ng mask.
00:46Pero ayon kay Alyas Totoy, ito si Ricardo John John Lasko.
00:52Kabilang si Lasko, sa 34 na sabongerong apat na taonang nawawala.
00:58Si Lasko, ang 44 anyos na master agent na dinukot ng hindi bababa
01:02sa sampung armadong lalaki sa kanilang bahay sa San Pablo, Laguna noong August 2021.
01:08Bilang master agent, binigyan ng prangkisa si Lasko para makapagpalabas ng online sabong.
01:13Sa kanya tataya ang mga sabongero at ang kita porsyentuhan.
01:17May bahagi ang nagbigay sa kanya ng prangkisa at syempre pati siya.
01:21Ayon kay Alyas Totoy, kasama ang video ito sa ipapasa niya sa mga otoridad
01:26sa kanyang paglutang anumang araw mula ngayon.
01:29Una ng sinabi ni Alyas Totoy, na alinsunod sa utos anya ng among hindi pa muna niya tinukoy.
01:34Binayaran niya ang isang grupo para patayin si Lasko matapos itong pagbintangang pinirata ang isang online sabong broadcast.
01:43Napapataya din siya na mas malaking porsyento na wala siyang kahirap-hirap.
01:49Bumina yung sins pinahanap.
01:51Ang video ni Lasko, pinadalaan niya ng mga taong binayaran niya bilang pruweba na nakuha nila ito.
01:58Ang nagbigay ng video, isa sa pinaka-team leader sa kumuha kay Jun Lasko.
02:07Ano ang background na mga ito? Ito ba yung mga sibilyan? O ito yung uniformado? O ano?
02:11Sila yung mga uniformado.
02:14Sundalo po o pulis?
02:15Pulis.
02:16Kasama po sila sa kakasuhan, tama po?
02:18Kasama sila. Pasesang grupo yan.
02:22Ayon kay Lasko, pagkadukot kay Lasko at nang makuna na ito ng cellphone video bilang pruweba, ay agad din itong itinumbah.
02:30Pagbawa sa kanya, sinakasasakyan at inimbestigahan ikot-ikot bago pinatay.
02:37Yun yung video na yan, kailan ho kinunan?
02:38Ah, hindi ko matandaan. Basta yung paglabas dun sa CCTV, yun na yun. Tuloy-tuloy yun. Pagsakyan ng sakyan, inuhaan na nila yan.
02:48Hindi lang daw 2 million pesos ang kanilang ibinayad sa grupong pumatay kay Lasko.
02:53Humiritan niya ng dagdag na 2 million piso ang grupong kinuntrata para tapusin ang trabaho.
02:58Ako mismo ang nagbayad sa kanya ng 2 million para anuhin yun. Kulang ng 2 million, sir. Gawa ng maraming tao ang ginamit ko dito.
03:09Tulad ng ibang mising sabongero ayon kay Elias Totoy.
03:13Tinali daw sa sakong may buhangin ang labi ni Lasko para hindi lumutang.
03:17Tsaka pinalubog sa isang palaisdaan sa Taal Lake.
03:21Napanood na ng kapatid ni Lasko ang video at kinumpirmang ang kapatid na si John John ang nakagapos.
03:26Panawagan ng kanyang pamilya sa gobyerno ngayong may development na sa kaso.
03:31Bigyang proteksyon ang mga testigo at investigasyon ang lokasyong binanggit sa posibleng tapunan ng mga bangkay, yung Taal Lake sa Batangas.
03:40Para sa GMA Integrated News, Emil Sumangil. Nakatutok 24 oras.
03:45Sa gitna ng sunod-sunod na reklamo na kanilang customer, ikinotwiran ng Prime Water,
03:50ang kalumaan ng mga infrastruktura sa mga lugar na sakop ng kanilang joint venture.
03:55Bagamang nauunawaan nila ang publiko, dapat din anilang liwanagin na maraming water district na nakipag-joint venture sa kanila
04:02ang matagal nang may problema sa water supply.
04:05Bahagi anila ng plano nila sa Luzon ang pag-ayos sa mga infrastrukturang nangangailangan ng rehabilitation.
04:12May kanya-kanyang milestone at target timeline anila na coordinated sa mga water districts.
04:16Ilang buwan na ang nakagipas mula ng humagupit ang bagyong Pepito at Nika.
04:27Pero hirap pa rin makabango ng ilang taga-kasiguran Aurora at Dinapigye Isabela.
04:33Ang iba nga, niyindi raw makumpleto ang mga gamit pang eskwela ng mga anak.
04:38Kaya naghatid ng school supplies ang GMI Kapuso Foundation, kabilang sa nabigyan mga katutubong dumagat at agta.
04:47Pasokan na nga ng mga estudyante.
04:56Pero si Lily, na anak ng manginisdang si David, hindi pa nabibili ng gamit pang eskwela.
05:04Bukod sa hindi araw-araw sa gana ang huli ng isda, nangihiram lang si David ng bangkang pang isda.
05:11Alibaba po, manisig ka ng isang araw, wala kang mahuli.
05:15Sa isang araw naman, bigla naman pong makarami ka naman pong umuhuli.
05:20Ang agta naman, si Christy, kumikita lang ng 450 piso kada dalawang linggo sa pagtatanim at pagtitinda ng gulay.
05:31Kaya hindi maibili ng gamit ang nag-iisang anak.
05:35Mabawi na lang siya sa pagbabantay sa anak sa eskwelaan at pagtuturo rito kahit sa bahan.
05:45Nag-aaral din po ako hanggang grade 1 lang po.
05:49Tapos nung ano po, hindi na ako pinapapasok po nung nanay ko kasi nag-aalago po ako ng mga kapatid ko po.
05:55Yun na lang po yung kaya kong ipamanan sa kanya yung magkatapos po siya na mag-aaral po.
06:01Kaya ang GMI Kapuso Foundation, nagtungo sa kasiguran sa Aurora at dinapigil sa Isabela para mamigay ng kumpletong gamit pang eskwela para sa unang hakbang sa kinabukasan project.
06:17Napakalaking tulong po na mabigyan po sila ng school supplies sapagkat napakamahal po ng notebook na isisingit lang po nila makabili ng paisa-isa.
06:271,184 na kinder hanggang grade 3 students, kabilang ang anak ni David at Christine sa ating nabigyan.
06:38Kami po ay nagagalak at dubos po kami nagpapasalamat sa GMA Kapuso Foundation, sa binigay pong mga supplies sa aming mga mag-aaral.
06:46At sa mga nais na mga makiisa sa aming mga projects, maaari po kayo magdeposito sa aming mga bank account o magpadala sa Cebuana Rule Year.
06:56Pwede ring online via GCash, Shopee, Lazada at Globe Rewards.
07:02Nilinaw ng kamera na hindi sila complainant sa reklamo laban kay Vice President Sara Duterte na pinaiimbestigahan na sa ombudsman.
07:09Kaugdayan ang confidential funds ng BISE.
07:12Nakatutok si Jonathan Andal.
07:13Batay sa dokumentong eksklusibong nakuha ng GMA Integrated News,
07:21ang House of Representatives Committee on Good Government and Public Accountability
07:26ang complainant sa reklamo laban kay Vice President Sara Duterte
07:30at ilan niyang opisyal noon sa Department of Education at Office of the Vice President.
07:35Pero paglilinaw ng kamera, hindi sila naghain ng reklamo.
07:38Nagpasa langan nila sila ng committee report na nagre-rekomenda ng pagsasampa ng mga kaso.
07:44The action of the ombudsman was upon the recommendation of a committee report from the House of Representatives.
07:52Sinisika pa naming hinga ng pahayag si ombudsman Samuel Martires na magre-retiro na sa July 27.
07:58May sampung araw ang BISE para sagutin ang reklamo ng may kaugnayan.
08:02So muna yung maanuman yung paggamit ng confidential funds.
08:05Ang hindi pagsumiti ng tugon ay ituturing na waiver para ituloy ang preliminary investigation sa reklamo.
08:11Sabi ng Office of the Vice President, natanggap na nila ang utos ng ombudsman.
08:14Nahaharap sila sa mga reklamong plunder, technical malversation, falsification, use of falsified documents,
08:21perjury, bribery, corruption of public officers, betrayal of public trust, at culpable violation of the Constitution.
08:28Para sa GMA Integrated News, Jonathan Andal, nakatutok, 24 oras.
08:36Hindi pa ma napapanood on TV, kaabang-abang ang magiging tapatan ng mga bida sa upcoming series na Cruise vs. Cruise.
08:45Mismong sila ay nagulat sa ipinakitang acting ng isa't isa.
08:49Makitsika kay Lars Santiago.
08:50Hindi biro ang hinaharap ni Navina Morales, Gladys Reyes at Neil Ryan Sese
09:00sa komplikadong kwento ng GMA Afternoon Prime series na Cruise vs. Cruise.
09:08Gumaganap na mag-asawa sa serye si Navina at Neil.
09:11Nang mag-abroad ang karakter ni Neil, ay nakilala niya ang karakter ni Gladys.
09:17Nalilin lang sa kanya hanggang mabuntis.
09:19Makikita mo yung transition ni Felma as nagmamahal siya, bigong-bigo siya, at the lowest point of her life na naglalasing siya.
09:31Nawala na siya ng pag-asa sa buhay. And then, biglang nakatayo siya.
09:35Ang lawak ng range, dito naman palagi akong umiiyak. Dito mabait ako. Sobrang kakaiba.
09:41Mabait ako, ako yung inaapi dito ngayon.
09:43Alam mo naman, pag sa tapings, hindi naman chronological yung pagkakashoot ng mga eksena.
09:48So, from ayos lang kami nag-uusap ni Manuel, biglang next scene, kailangan pagsasapaking ko siya yung gano'n.
09:54May isang eksena nga raw si Navina, Neil at Gladys na hindi dapat palagpasin ng mga manunood.
10:01Ito yung unang pagkikita ni Felma, yung karakter ni Ati Vina, at ni Hazel ako, at siyempre ni Manuel.
10:08Diba? So, yun na nga, isipin nyo, anong mangyayari doon, diba? Kaya yun pa lang po, dapat talaga abangan natin.
10:14At dahil nga sa galing ng tatlong artistang ito, sila-sila raw mismo ay hindi mapigilan na mamangha sa acting ng bawat isa.
10:24Meron pang isang scene na nakalimutan yata ni Manuel nakasama siya sa eksena, nanonood siya sa amin, diba?
10:28Sa inulit.
10:29Hindi, kasi tinanong ko yun, sabi ko, kasama ba ako sa shot? Hindi, mamaya ka pa ang next shot.
10:35Yung pala, kasali na ako, so pinapanag ko sila.
10:37Nahagip ka ba?
10:38Oo.
10:38Nahagip?
10:39At alam nyo nyo.
10:39Naaliwa ko sa eksena, kasi ang galing nila.
10:42Nagpahayag din ang paghanga ang tatlong bida sa mga kasama nilang younger stars tulad ni na Christopher Martin,
10:50Lexi Gonzalez, Elijah Alejo, at Caprice Cayetano.
10:55Eh sila, pagdating sa set, alam lang nila yung gagawin nila.
10:58Kasi ako nakakatawa dahil mga bata pa sila, ganun na silang magtrabaho.
11:02Bilib ako sa disiplina nila pag nasa set.
11:05Yung alam mo nga, mga baguets to, pero pati yung respeto nila, diba? Mara-respeto sila.
11:10Kasi first time ko to work with them.
11:13And napansin ko lang talaga na every time they come to the set, they're well prepared.
11:18Lord Santiago updated sa Shoebiz Happening.
11:28Ni-rescue mula sa isang motel sa Nova Leaches ang 24 na minor de edad,
11:34miyerkules ng gabi, ayon sa Philippine National Police Women and Children Protection Center,
11:40sampu ang babae at labing apat ang lalaki.
11:43At ang kanilang edad, 17 anyos pababa.
11:47May nahuli kami sa ipanaming operation na nagbubugaw ng mga bata doon sa building.
11:55At nagbigay siya ng complete information, kailan na sinong, at anong mga rooms ang in-occupied ng mga bata.
12:02Iniimbestiga na rao ng PNP ang motel sa Nova Leaches at may mga sinusunda na ring lead tukol sa mga bugaw.
12:09Sa ngayon, hindi pa namin masabi na organized o syndicated yung set-up nila,
12:15pero malaking ang nakikita namin.
12:17Hindi man connected, pero may isang modus nila.
12:21Online mo, ibubuko yung mga minors.
12:24Then doon na sa hotel, from doon sa room kung saan sila naka-hold,
12:28ibubuk nung kliyente yung mga bata.
12:31Karamihan sa mga sinagip na ibalik na sa kanila mga magulang
12:35na nagsabi namang hindi umano nila alam ang pinasok ng kanila mga anak.
12:39Sana yung mga magulang din, marinig kami na sana yung mga bata ay bantayan natin.
12:45Kung sila ay nasa eskwelahan, mas magandang malaman natin kung talagang pumapasok sila.
12:50Ang Department of Social Welfare and Development,
12:53tutulong daw sa pag-monitor ng mga minor de edad para tulungan silang makawala sa sistema.
12:59May mga ina-assign tayo ng mga social workers who act as case managers
13:03para nababantayan yung mga bata.
13:06Nagsasagwa tayo ng home visitation.
13:09So that, again, unang-unang kinakailangan natin malaman ano ba yung tahilan?
13:14What is the root cause?
13:15So that the appropriate interventions will be given,
13:19not only to the individual but also doon sa kanyang immediate family.
13:24Nang puntahan namin ang motel,
13:26nakapadlak na ito matapos ipasara ng Quezon City Business Permits and Licensing Department
13:32dahil sa paglabag sa ordinansa ng siyudad.
13:36Bukod sa pagpapapasok ng mga minor de edad sa naturang establishmento,
13:40hinayaan din daw na uminom ng alak ang mga ito sa motel.
13:44Para sa GMA Integrated News,
13:47Sandra Aguinaldo na Katutok, 24 Horas.
13:49Posibleng iisang sindikato lang ang pinanggalingan ng hinihinalang shabu
13:56na naharang sa Zambales kanina
13:58at mga nauna pang floating shabu
14:01na nakuha kamakailan sa iba pang bahagi ng Luzon.
14:04Ayon niyan sa PIDEA,
14:06napatuloy sinusuri ang mga nasamsam na kontrabando.
14:10Live at eksklusibong nakatutok,
14:13si June Veneracion.
14:15June?
14:15Mel, patuloy na nagsasagawa ng ebentaryo
14:22sa nakumpis ka ang limangpong sako ng hinihinalang shabu.
14:26Dito yan sa loob ng Naval Operating Base sa Subic.
14:30Ang droga ay sakay ng isang fishing boat
14:32ng ma-intercept ng pinagsalib ng pwersa ng Philippine Navy at PIDEA.
14:40Dumating na dito sa Subic bago mag-alas 4 ng hapon kanina
14:43ang limangpong sako ng hinihinalang shabu.
14:46Nakuha ang mga ito ng PIDEA at Philippine Navy
14:48sa isang fishing boat na naharang sa karagatan ng Zambales
14:52kaninang madaling araw.
14:54Ang operasyon ay inulunsad
14:56base sa intelligence information ng PIDEA at Navy.
14:59Kung titignan natin, napakadami yung nakuha natin
15:02na at least na-deny natin
15:06yung pagkalat ng maraming shabu
15:08sa ating lansangan.
15:11Ayon sa initial report,
15:12ang kontrabando ay galing sa isang barko
15:15na inilipat sa bankang pangisda.
15:18Na-arresto ang isang foreign national
15:19na siya raw nagrenta ng banka
15:21para gamitin sa drug smuggling.
15:23We are now checking his records
15:24sa ating Bureau of Immigration
15:26kung paano siya nakapasok ng bansa.
15:28Ano ba nationality?
15:29According to him, he's a Chinese-Malaysian.
15:33May mga marking gaya ng tsaa
15:35sa nakuhang hinihinalang shabu
15:37sa operasyon kaninang madaling araw.
15:39Kapareho ang mga ito
15:40sa tatak ng floating shabu
15:41na narecover naman ng mga mga mga isda
15:43sa karagatan ng Central at Northern Luzon
15:46mula huling linggo ng Mayo hanggang Hunyo,
15:50sabi ng PIDEA.
15:51Pusibling sa iisang grupo lang
15:53nang galing ang mga shipment ng shabu,
15:55ang International Prime Syndicate na Sam Gore.
15:58Failure yung kwan nila, yung una eh.
16:00So yung mga inigenetison na lang nila,
16:05tinapon yung mga una,
16:07eh ito eh replenishment ito.
16:09Isinailalim ng PIDEA sa field test
16:11ang ilang laman ng mga pakete.
16:13For the initial test,
16:15it is positive for metafetamine
16:17and then ang pietamine properties.
16:27Mel, sa dami ng hinihinalang shabu
16:29na nakuha sa operasyon ng PIDEA at Philippine Navy
16:31ay naasahang aabutin pa hanggang bukas
16:35ang pag-eventaryo dito sa loob ng
16:37Naval Operating Base, Subic.
16:39Mel.
16:40Maraming salamat sa iyo,
16:42June Veneracion.
16:47Sa mga kapusong may pinaplanong lakad ngayong weekend,
16:51lalo na sa mga taga-Bisayas at Mindanao,
16:53maging handa sa posibleng pag-ulan
16:55dahil sa dalawang weather system
16:57na umiiral po sa bansa.
16:58Ayon sa pag-asa,
17:00Intertropical Convergence Zone o ITCZ
17:02ang magdadara ng ulan sa Mindanao,
17:04Western Visayas,
17:05Negros Island Region at Palawan.
17:07Easter list naman ang umiiral
17:08sa Central at Eastern Visayas.
17:10Apektado rin niya ng Metro Manila
17:12at iba pang bahagi ng bansa.
17:14Base sa rainfall forecast ng Metro Weather,
17:16magiging maulan sa halos buong bansa bukas
17:19lalo na po sa Kapon.
17:20May matinding ulan
17:21na posibleng maranasan sa Palawan,
17:23Bicol Region,
17:24Eastern, Central at Western Visayas,
17:26kain din sa Karaga.
17:28Doble ingat mga kapuso
17:29sa posibleng bantanang paha-ulan slide.
17:31Pagsapit ng linggo,
17:32halos buong bansa rin
17:34ang uulanin
17:35lalo sa tanghali hanggang gabi.
17:37Pusibleng mauulit ang malakas na ulan
17:39sa Palawan at Northern Mindanao.
17:40Sa mga taga-Metro Manila,
17:42huwag kakalimutan ng payong
17:43dahil hindi inaalis ang tsansa
17:45ng localized thunderstorms.
17:47Hindi basta buzzword,
18:01kundi seryosong usapin
18:02ang mental health.
18:03Pero ang counseling
18:04na kailangan ng ilan,
18:05masyadong mahal.
18:07Kaya,
18:07may mga nag-develop
18:08ng AI therapy robot
18:10as a replacement,
18:11pero bilang tool
18:12ng mga actual experts.
18:14Tara,
18:15let's change the game!
18:17Hey Martin,
18:21why are you crying again?
18:22I know!
18:23Problems, right?
18:29Pero puwera biro,
18:31seryosong usapin
18:32ang mental health.
18:34Malaki pa naman
18:34ang agwat sa pagitan
18:36ng dami ng mental health professionals
18:38at populasyon ng bansa.
18:39May isang psychiatrist lamang
18:41kada 200,000 na Pilipino
18:44at isang psychologist
18:46kada isang milyong Pilipino.
18:48Ayon yan sa
18:49World Health Organization.
18:52Kaya para mas maging
18:53accessible ang counseling
18:54at matulungan
18:55ang load ng
18:56mental health professionals,
18:58binoo ang isang
18:59AI-generated therapy robot.
19:02Meet Therapod.
19:03Hi Therapod,
19:05I'm Therapod,
19:06your personal health care companion.
19:11Developed by ECE students
19:12ng Technological University
19:14of the Philippines, Manila.
19:16Mental illness naman talaga
19:17is a silent killer.
19:18So gumawa kami ng
19:19proper na platform
19:21para mag-bent out sila
19:22and nagiging gateway din siya
19:24para mag-seek talaga
19:25ng professional help
19:26since naka-partner po kami
19:27sa mga institutions.
19:29Powered by artificial intelligence,
19:32gumamit ang grupo
19:33ng language model
19:34kung saan nag-input sila
19:36ng 16,000 conversations
19:38para mabuo
19:39at makausap si Therapod.
19:43Kaya rin itong makadetect
19:44ng 21 uri ng emosyon.
19:46Pinapredik niya
19:47through the tone ng voice mo,
19:49kung ano talaga yung mood mo
19:50and also the sentiment.
19:51Sinabi po namin sa kanya,
19:54pag ganto yung
19:55sinabi ng user,
19:57ganto yung dapat mong respond
19:58and ganto yung dapat na hinting.
20:00Para gamitin si Therapod,
20:02kailangan munang gumawa
20:03ng profile sa kanilang website
20:05na ma-access din
20:06ng mental health professional.
20:08So tayo muna
20:09yung magsasabi ng
20:10Hello!
20:12Hi there!
20:13I'm Therapod.
20:14Would you like to speak to me?
20:16Yes!
20:17Therapod, I'm very sad
20:18because I'm getting bullied.
20:21I'm really sorry to hear that
20:22and you tell me more
20:23about what specifically
20:24makes you feel sad.
20:25Pagkatapos ng session,
20:28mag-degenerate na ito
20:30ng kumpletong summary
20:31at insights
20:32na makikita
20:33ng iyong therapist.
20:35At sakaling may sabihin
20:36kritikal ang pasyente
20:37o senyalist
20:39na maaaring
20:39maging panganib
20:40sa sarili
20:41o sa iba,
20:42may immediate
20:43SOS function din ito
20:44na mag-a-alert
20:45sa assigned professional.
20:48Nakipag-partner
20:49ang grupo
20:50sa mga mental health professionals
20:51para sa precise
20:53at standard response
20:54si Therapod
20:55at nakakuha
20:56ng 4.3 over 5
20:58na accuracy.
20:59Therapod is just a tool.
21:01At the end of the day,
21:03guided pa rin
21:04ng experts
21:04ng psychometristian
21:05and psychologists
21:06ang Therapod.
21:09There you have it mga kapuso,
21:11isang innovation
21:12na may potensyal
21:13makatulong
21:13sa mental health crisis
21:15sa bansa.
21:16Para sa GMA Integrated News,
21:18ako si Martin Avier.
21:20Changing the Game!
21:24Thank you!
Recommended
15:34
|
Up next