Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 7/23/2025
24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Mga kapuso, maki-update tayo sa magiging lagay ng panahong itutulot ng dalawang bagyo at habagat.
00:09Ia-atidyaan ni Amor La Rosa na GMA Integrated News, Weather Center. Amor!
00:15Salamat, Emil, mga kapuso. Dalawang bagyo na nga po ang humahatak at pinalalakas ang hanging habagat.
00:21Yan po yung bagyong Dante, dito po yan sa may silangan, dito po sa may bandang itaas,
00:25at bagyong Emong naman, dito po yan sa kanlurang bahagi po ng bansa.
00:29Huling namataan ang bagyong Dante, 835 kilometers east o northeast ng extrema Northern Luzon.
00:35Taglay po ang lakas ang hanging na abot, 65 kilometers per hour, at yung pagbugso po niyan, 80 kilometers per hour.
00:41North-northwest po yung galaw nito, sa bilis naman na 25 kilometers per hour.
00:47Sa forecast track po ng pag-asa, kikilos po ito pa-northwest sa mga susunod na oras,
00:52patungo po dito sa May Ryukyu Islands at East China Sea.
00:55Pusibling bukas po ng hapon o gabi ay makalabas na po yan sa Philippine Area of Responsibility.
01:01Ang bagyong Emong naman, huling nakita ng pag-asa, 150 kilometers, kanluran po yan ng lawag city dito po sa may Ilocos Norte.
01:09Pa-southwest po o pababa po yung paggalaw nito pa kanluran.
01:12So yun po, pa-southwest pa-baba pa kanluran dito at sa bilis po ito na 20 kilometers per hour.
01:18Dahil malapit po yan sa Northern Luzon, nakataas na po ang signal number one sa Ilocos Norte, Ilocos Sura, La Union,
01:25Northern at Western portions ng Pangasinan, Apayaw, Abra at ganoon din sa Bingget.
01:30So dito po mararanasan yung malakas na bugso ng hangi na may kasamang mga pag-ulan.
01:35May gale warning naman at delikado pong pumalao at dito po yan sa Western seaboards ng Northern Luzon.
01:40Ayon po sa pag-asa, magpapatuloy pa-southwest po na galaw.
01:45Dito po nga Bagyong Emong, dito yan sa may West Philippine Sea ngayong gabi hanggang bukas po yan.
01:51Pero magbabago po yung direksyon niyan dahil po sa interaksyon nito sa Bagyong Dante.
01:55So iikot po yan, ito pong Bagyong Emong at kikilos naman po pa-Northeast.
02:00So kung sa mga nakalipas po na oras, ayon po ay pa-southwest, babalik po yan dito sa may Aten at posible pong mag-landfall.
02:07Dito yan sa may Ilocosur, di kaya naman po sa may La Union o Pangasinan area bukas po ng gabi o biyernes po ng umaga.
02:15Ayon po sa pag-asa, pwedeng sa weekend pa ito lumabas sa Philippine Area of Responsibility.
02:21Ayon po sa pag-asa, meron din pong tinatawag na Fujiwara effect dito po sa dalawang bagyo.
02:26So nagkakaroon po ng interaksyon ito pong Bagyong Emong at Bagyong Dante.
02:30Pero dito po, mas malakas po yung hatak nitong Bagyong Dante, kaya po yung pagkilos nitong Bagyong Emong yung nai-impluensyahan.
02:38Patuloy po na palalakasin ang dalawang bagyo yung hanging habagat na magdudulot pa rin na maulang panahon sa malaking bahagi po ng Pilipinas.
02:46Base po sa datos ng Metro Weather, may mga pag-ulan pa rin ngayong gabi.
02:50At yung mga matitinding buhos po ng ulan, mararanasan po yan dito sa may Ilocos Region at pati na rin sa may Cordillera.
02:56May mga pag-ulan din po sa iba pang bahagi po yan ng Northern at ng Central Luzon, Metro Manila, Calabar Zon,
03:03ganun din dito sa Mindoro Provinces, ilang bahagi po ng Palawan at ganun din sa Bicol Region.
03:09Magtutuloy-tuloy pa rin po ang mga pag-ulan bukas po ng umaga sa ilang bahagi po yan ng Ilocos Region,
03:14pati po dito sa may Central and Southern Luzon.
03:17So nakikita po natin may mga heavy to intense pa rin na mga pag-ulan, kaya posible pa rin ang mga pagbaha-ulan slide.
03:24Halos buong Luzon na po ang uulan din pagsapit po ng hapon.
03:27Ayan po malalakas at malawakan po yan lalong-lalong na dito sa may Northern and Central Luzon
03:33at pati na rin po sa Western sections po yan ng Central and Southern Luzon.
03:37May mga pabugsubugsong ulan din po dito sa Metro Manila bukas po ng umaga
03:42at magtutuloy-tuloy po yan sa hapon at pati na rin po sa gabi, kaya dobli ingat mga kapuso.
03:48Posible rin pong ulanin ang Visayas, ganun din po ang Mindanao umaga.
03:51Bukas may mga pag-ulan po dito sa Panay Island at Negros Island region, ganun din sa may Zamboanga Peninsula.
03:58Halos ganyan din po sa hapon pero may mga pag-ulan na rin dito po yan sa may Central at Eastern Visayas,
04:03pati na rin po sa ilang bahagi ng Mindanao.
04:06Meron din po tayo nakikita mga malalakas na ulan, lalo na po sa Panay Island at pati na rin sa may Zamboanga Peninsula.
04:12Bukod po dito sa Habagat at ganun din sa dalawang bagyo dito sa loob ng Philippine Area of Responsibility,
04:20meron din sama ng panahon dito po yan sa labas ng PAR at mataas din po ang tsansa nito na maging bagyo.
04:26Pero ayon po sa pag-asa, pahilaga o paakyat naman po yung galaw nito at hindi naman tutumbukin ang Pilipinas.
04:33Pero posibi pa pong magkaroon ng pagbabago kaya tutok lang po kayo sa updates.
04:38Yan ang latest sa lagay ng ating panahon.
04:40Ako po si Amor La Rosa para sa GMA Integrated News Weather Center, maasahan anuman ang panahon.

Recommended