- 5/27/2025
24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Category
🗞
NewsTranscript
00:00This is Philippine Gold.
00:07Live mula sa GMA Network Center, ito ang 24 Horas.
00:16Magandang gabi po, Luzon, Visayas at Mindanao.
00:21Tira mas naging maayos ang daloy ng mga sasakyan at motorcyclo
00:24sa Commonwealth Avenue sa Quezon City kumpara sa dating karaniwang buhol-buhol na trapiko.
00:30Sa gitna yan ang ikalawang araw na pagpapatupad ng no-contact apprehension policy
00:35kung saan kabilang sa paglabag ang hindi tamang pag-alis sa itinakdang linya sa kalsada.
00:40Pero pansin ng ilang rider, tila natagalan sila sa biyahe
00:44dahil nagkukumpulan umano ang mga motorcyclo sa iisang linya.
00:49Nakatutok si Joseph Moro.
00:55Sa Commonwealth Avenue, Quezon City, kung saan karaniwang labo-labo ang mga sasakyan.
01:02Biglang tila naging masunurin ang mga motorista.
01:06Ang mga motorsiklo walang lumalabas sa kanilang linya.
01:09Ikalawang araw ngayon ng no-contact apprehension policy o NCAP
01:13na ipinatutupad ng MMDA sa mga pangunahing kalsada sa Metro Manila.
01:18Sa ilalim ng NCAP, CCTV camera ang panghuli tulad ng camera na ito na naka-install sa Commonwealth.
01:23Sa talas nito, walang lusot ang mga pasaway.
01:28Ayon sa mga rider, okay lamang na may NCAP pero yun nga lamang.
01:31Kung mga angahas na lumabas sa linya at makukuna ng CCTV,
01:491,000 pesos ang multa sa first offense dahil disregarding traffic sign ito.
01:55Dagdag isang daang piso kung nakatsinelas at 1,500 pesos kung walang helmet.
02:00Pakikita natin na pag may nakatutok na CCTVs, marami nag-iingat at sumusunod sa batas trafiko.
02:10Kaya palang sumunod ng ating mga kababayan, ng motorista.
02:15Pag meron pong nakatingin na hindi po namin kaya manumanong gawin.
02:21Kung sisilong sa mga underpass, obstruction itong maituturing na may multang 1,000 piso rin.
02:27Meron din mga pribadong sasakyan na pumapasok sa motorcycle lane.
02:32Sabi ni MMDA chairman Romando Artes, okay lamang tumapak ng bahagya kung halimbawa ay tatawid sa U-turn pero bawal na magbabad.
02:401,000 piso rin ang multa para rito.
02:43Umaasang MMDA na makatutulong sa pagbawas ng trafiko ang NCAP lalo pa na sumusunod na sa kanika nilang lane ang mga motorista.
02:52Kahapon, nasa mahigit 800 ang nahuling violator ng NCAP kumpara sa average na 3,000 huli nung hindi pa ito ipinatutupad.
03:01Hanggang kaninang alas 12 ng tanghali, nasa mahigit 300 ang nakunan ng CCTV.
03:07Nagbabala naman ang MMDA laban sa isang monong link kung saan pwede mong malaman kung may violation ka.
03:13Sa susunod na linggo, ilulunsa ng MMDA ang text alert at website para mas mabilis na maabisuhan ang mga motorista ng kanilang mga paglabag.
03:22Pero hanggat wala ang mga ito ay padadala sa pamamagitan ng field post ang notice of violation.
03:28Kung gustong i-contest ang huli, pwede gawin ito sa pamamagitan ng QR code at hindi na kailangan pumunta sa MMDA.
03:36Pwede rin nilang hingin yung actual CCTV footage ng violation.
03:40So the resolution of the contest can happen online? Pwede tayo mag-back and forth?
03:46Yes, online lahat.
03:48Pwede magbayad sa banko o personal sa MMDA pero inaayos na rin na pwede magbayad sa mga mobile wallets.
03:55Nag-hain naman ang party list group na one-rider party list ng resolusyon sa kamera para pansamantala munang ipagpaliban ang pagpapatupad ng NCAP.
04:04Gusto nitong usisain ang NCAP at investigahan ang kahandaan ng MMDA na ipotupad ito.
04:10Para sa GMA Integrated News, Joseph Morong, nakatutok 24 oras.
04:16Wala nang umanong atrasa ng paghahabla ng mga kaanak ng dalawang nasawi sa trahedya sa NAIA.
04:22Sa gitna yan ang paghain ng not guilty plea ng nakabanggang driver ng SUV at paghingi ng tawad ng pamilya ng mga biktima.
04:32Nakatutok si Oscar Oida.
05:02Tapos ganun lang yung paghihayari.
05:06Napahagulgol na lang si Cynthia Masungsong nang maghain ng not guilty plea sa arraignment ng PASI RTC kanina,
05:14ang SUV driver na nakadisgrasya sa NAIA Terminal 1 nitong May 4.
05:19Si Cynthia, ang ina ng apatataong gulang na si Malia Kates, isa sa dalawang nasawi sa nangyaring trahedya.
05:26Hindi ko matatanggap, lalaban kami hanggang dulo.
05:31Pag lalaban ko yung anak ko, pag lalaban naman yung anak ko, hanggang dulo, lalaban kami.
05:37Matapos ang arraignment, inirefer ang kaso sa Philippine Mediation Center.
05:41Dito umano sinusubukang ayusin ang kaso sa pamamagitan ng pag-uusap na magkabilang panig.
05:48Pero tila buo na ang pasya ng mga kaanak ng biktima.
05:51Kami ng mga pagkareglo, tuloy-tuloy ang aming kaso.
05:54Kahit sa gitna umuno ng pagdinig, ay panay ang hingi sa kanila ng tawad ng nasabing driver.
06:03Hindi ko pinakausap eh, panay, nung naludo kami eh, panahingi ng pasensya eh.
06:09Eh, hindi ko pinapansin.
06:11Iiyak pa, panahingi niya ng pasensya.
06:14Pasensya daw, hindi nga, di gusto.
06:18Naiyak, lalaman luwa. Alam mo, hindi nga masinsa na nga eh.
06:23Hindi kami mahal pagkareglo, hindi siya mga patalo.
06:25Nagmamadali namang lumabas ng mediation center ang SUV driver na di na nagpa-unlock ng interview sa mga miyembro ng media.
06:35Naharap siya sa kasong reckless imprudence resulting in two counts of homicide, multiple physical injuries, and damage to property.
06:44Bukod pa dyan, ang civil action na balak ding ihain laban sa kanya sa tulong ng DMW.
06:50Para sa GMA Integrated News, Oscar Wilde na nakatutok, 24 oras.
06:57Maghapong binuntutan at ni-radio challenge pa ng dalawang barko ng China Coast Guard.
07:03Ang barko ng Pilipinas, lulan ang civil mission na nagsagawa ng sea concert for peace and solidarity sa Pag-asa Island.
07:12Nakatutok live si Bam Alegre.
07:14Bam!
07:15Vicky, nagpapatuloy ang ating paglalayag sa West Philippine Sea papuntang Pag-asa Island.
07:23Para sa isang civil mission, naggagamit ng musika at sining.
07:27Pero maaga pa lang sa biyahe, nagparamdam na ng kanilang presensya ang Chinese Coast Guard.
07:31Anim na oras pa lang na buwing biyahe, ang private training ship na MV Kapitan Felix Oka.
07:41Nang sumulpot ang dalawang barko ng CCG, pasado atas 8 na umaga, hindi dumikit ang mga ito.
07:46Pero nakasunod lang sila sa MV Kapitan Felix Oka.
07:50Maya-maya pa, nagpadala na ng radio challenge ang barko ng China.
07:53This is China Coast Guard 0306. You have entered sea area under the jurisdiction of the People's Republic, China.
08:03Lula ng barko, ang civil mission na atin ito koalisyon na magsasagawa ng Sea Concert for Peace and Solidarity sa Pag-asa Island.
08:10Ito ang radar ng ating barko.
08:11May kita ninyo sa gitna.
08:13Yan ang ating training ship at napapalibutan tayo ng dalawang barko ng Philippine Coast Guard,
08:17ang BRP Melchora Aquino at BRP Malapascua.
08:204.2 nautical miles ang layo sa atin.
08:23Nandyan ang Chinese Coast Guard Vessel 3306.
08:26At may kasamahan pa yan, 4.8 nautical miles ang layo sa atin,
08:30ang Chinese Coast Guard Vessel 21549.
08:34Nakabuntot lang sila sa atin.
08:35Sumusunod sa kusaan man tayo pumupunta na parang mga anino.
08:39Malagi po nang nakabuntot yung mga Chinese Coast Guard dito kasi inaangkin po nito itong lugar po na kahit sa atin po ito.
08:46The pattern of aggression of the Chinese Coast Guard and the maritime militia happens after a maritime cooperative activity.
08:56Each time there's an MCA, there is a change in their behavior.
08:59But after the MCA, they resume their coercive and aggressive actions.
09:04That has been the pattern of aggression by the Chinese Coast Guard and the maritime militia.
09:10We do not speculate, but we are prepared to respond to any eventuality.
09:14Hanggang kaninang alas 3 ng hapon, nakabuntot pa rin ang China Coast Guard ships.
09:18Nakabantay naman sa MV Kapitan Felix Oka ang BRP Melchora Aquino at BRP Malapaskwa ng Philippine Coast Guard
09:24na sinita ang mga barko ng China kung bakit sila nagpapatrolya sa loob ng Exclusive Economic Zone ng Pilipinas.
09:30This is Philippine Coast Guard Vessel, BRP Melchora Aquino.
09:35You are advised that you are currently sailing within the Philippine Exclusive Economic Zone.
09:40You do not possess any legal authority to patrol within the Philippine Exclusive Economic Zone.
09:48You are directed to cease and desist from conducting illegal maritime patrol.
09:54Bago umalis ng El Nido Palawan, kaninang madaling araw, nagsagawa ng send-off concert
09:58ang atin ito koalisyon sa gitna ng karagatan.
10:01Ilan sa mga tumugtog, si Noel Cabangon,
10:02at si Ebed Ancel.
10:14Nag-imbita ang civil mission ng mga maingisda mula El Nido Palawan para manood ng concert.
10:19Mahalaga sa mga maingisda na may ganitong mga inisyatibo
10:22na nahigipaglaban sa mga karapatan ng mga kilos sa Exclusive Economic Zone o EEC
10:26ng walang pangamba o takot.
10:29Ilan takot sa mga maingisda para sa amin.
10:31Ayan dyan talaga.
10:33Mayroon naman pong mahilo.
10:35Kaya kung maari lang saan,
10:37maging maayos nung pagkukang dalawang bansa.
10:46Vicky, sa mga oras na ito, magdidilim.
10:48Nandito pa rin yung Chinese Coast Guard Vessel.
10:50Merong isa sa ating kanan.
10:51At meron din sa kaliwa.
10:53Dito naman sa barko, yung ating ito koalisyon ay nagsagawa ng historical discussion
10:58tungkol sa West Philippine Sea.
10:59At nagkaroon na rin ng cultural music exchange
11:01yung mga kinatawan ng iba't ibang bansana nandito,
11:04tulad ng Indonesia at Malaysia.
11:06Live mula rito sa West Philippine Sea para sa GMA Integrated News,
11:10Bam Alegre, nakatutok 24 oras.
11:12Maraming salamat sa iyo, Bam Alegre.
11:16Nasa kote sa loob ng isang motel,
11:18ang lalaking ng blackmail umano sa dati niyang kasintakan
11:21na ipapakalat ang pribado nilang video.
11:24Nakatutok si John Consulta.
11:25Exclusive!
11:30Pagbukas ng pinto ng motel room,
11:32agad itong pinasok ng ayente ng NBI.
11:34Nang mapasok ang kwarto,
11:44deretso'ng pinusasan ang kanilang pinakapakay.
11:47May karapatang kang hindi magsalita,
11:49kung ano man nangyong sasabi na pwedeng namitin sa iyo
11:52sa kwarte ng Pilipinas.
11:53Ayon sa NBI,
11:55dating magkarelasyon ang complainant at suspect.
11:58Pero nang makipaghiwalay ang biktima sa suspect
12:00noong nakarang taon.
12:02Sinimulan na rao ng suspect ang pananakot
12:04para siya'y mapilitang makipagtalik.
12:07Pagbase din sa sinasabi nitong subject natin,
12:10ay may mga sex videos sila.
12:12At ito ay ang kanyang ipinapanakot dito
12:15sa dati niyang kasintahan dito sa ating complainant
12:17na isisiwalat sa kanyang mga kamag-anak
12:20at sa kanyang mga mahal sa buhay
12:22at mga kaibigan sa trabaho.
12:24Kung kaya't napilitan nga itong ating complainant, victim.
12:27Ang gumagamit po itong ating subject
12:29ng iba-ibang cellphone or SIM cards
12:32at pagka nakikita sila ay maunang pumapasok
12:38at nag-check-in itong lalaki,
12:39pinasusunod na lamang ang biktima.
12:43Sinisikap pa rin naming kunan ng pahayag
12:45ang suspect na nakakulong sa NBI retention facility
12:48sa Muntinlupa.
12:49Pinakasuan ng ating direktor
12:51ang nahuling subject para sa paglabag
12:54sa Cybercrime Prevention Act,
12:58grave coercion, grave threats,
13:02at acts of lasciviousness.
13:04Kinasuan din natin siya sa paglabag
13:05sa Republic Act 8353 or rape.
13:09Paalala ng NBI.
13:11Mag-iingat tayo sa pagkuhan
13:13ng mga masiselang video
13:15ng pagtatalik
13:17dahil na maaaring gamitin ito sa atin
13:21kagaya ng kasong ito
13:23upang ipanakot sa atin in the future.
13:26Para sa GMA Integrated News,
13:29John Consulta,
13:30nakatutok 24 aras.
13:33Nabulabog ang ilang residente
13:35sa biglang paglitaw ng isang babae
13:39mula sa loob ng drainage
13:41sa kalsada sa Makati.
13:44Ano kaya ginagawa niya roon?
13:45Nakatutok si Mark Salazar.
13:51Sino ba naman ang hindi magugulat
13:53kung biglang may ulong lilitaw
13:55at maya-mayay buong katawan
13:57ang lalabas mula sa road drainage
13:59sa napakabising kanto
14:01ng Rufino at Adelantado Street
14:03sa Ligaspi Village, Makati.
14:05Sabi ng uploader ng pictures
14:07paglabas ang babae sa road drainage,
14:10nagtatakbo ito matapos habulin
14:12ng ilang security personnel.
14:14Hindi malinaw kung ano ang ginawa
14:16ng babae sa loob ng drainage.
14:18Kanina, tiniktik ng autoridad
14:22ang drainage para mas masilip
14:24ang loob ng drainage
14:25na pinanggalingan ng babae.
14:27Masikip ang espasyo sa loob.
14:30May concrete culvert
14:31na daluyan ng tubig
14:32pero masyadong makipot
14:34para kapangan ng babae
14:35papunta sa kung saan mang parte
14:37ng drainage system.
14:39Nilagyan na ng steel railing
14:41and drainage
14:41para hindi namabalikan ng babae.
14:44Sinubukan namin
14:45kuna ng pahayagang Makati Police
14:46at ang Macea
14:47o Makati Central Estate Association
14:49pero walang nagpaunlak
14:51ng panayam.
14:53Para sa GMA Integrated News,
14:56Mark Salazar,
14:57nakatutok 24 oras.
15:00Malayang paglalayag
15:01at kalakalan
15:02maging ang pagtugon
15:04sa climate change
15:05ang ilan sa mga binigyang diin
15:07ni Pangulong Bongbong Marcos
15:08nang makipagpulong siya
15:10sa mga membro ng ASEAN
15:12at pinakamayayamang bansa
15:14sa Middle East.
15:15Nakatutok si Ivan Mayrina.
15:20Malayang kalakalan
15:21na nakasalalay sa malayang paglalayag.
15:24Yan ang binigyan diin
15:25ni Pangulong Bongbong Marcos
15:26sa kanyang intervention
15:27sa ikalawang ASEAN
15:28Gulf Cooperation Council
15:29o ASEAN GCC Summit.
15:31Ito ang pagkupulong
15:31ng sampung member states
15:32ng ASEAN
15:33at ng pinakamayayamang Arab countries
15:35ang Saudi Arabia,
15:37UAE,
15:37Kuwait,
15:38Qatar.
15:38Bahrain at Oman.
15:40The South China Sea
15:42and the Arabian Sea
15:43cover vital sealants
15:45that serve as
15:46lifelikes
15:48to regional
15:48and international
15:49commerce
15:50in both our regions.
15:53As such,
15:54it is necessary
15:55to provide
15:56the freedom of navigation
15:57to guarantee
15:58unimpeded commerce
15:59and to protect
16:01the marine environment
16:02through compliance
16:03to the established
16:04international law,
16:06specifically,
16:07UNTROS.
16:08Ang pahayag na ito
16:09ng Pangulo
16:09sa gitna ng patuloy
16:10ng pangaharasan China
16:11sa mga barko ng Pilipinas,
16:13kahit pa sa loob
16:14ng sarili nitong
16:15exclusive economic zone.
16:17Sa parehong talumpati,
16:18nagpahayag ng pagkabahala
16:19ang Pangulo
16:19sa nagpapatuloy
16:20ng military operations
16:21ng Israel sa Gaza Strip
16:22na nagdudulotan niya
16:24ng patuloy
16:24ng pagkamatay
16:25ng mga sibilyan,
16:25kabilang mga kababaihan
16:27at mga bata.
16:27It calls about all parties
16:30who adhere to their obligations
16:31under international law
16:33with particular emphasis
16:35on the protection of civilians,
16:38especially women and children,
16:40and the facilitation
16:41of humanitarian assistance
16:43to all those who are in need.
16:45Sa usapin naman
16:46ng climate change,
16:47nanawagan ng Pangulo
16:48sa GCC
16:49na mayayamang bansa
16:50dahil sa kanilang
16:50oil and gas reserves
16:52para sa kontribusyon
16:53sa Loss and Damage Fund
16:54na tutulong
16:55sa mga bansang tulad
16:56ng Pilipinas
16:57na tugunan
16:57ang bantana
16:58na nagbabagong klima.
16:59Pilipinas ang host
17:00ng Loss and Damage Fund
17:01bilang isa
17:02sa mga pinakapektado
17:03ng epekto ng climate change.
17:05Country coordinator din
17:06ng Pilipinas
17:07para sa ASEAN-GCC relations.
17:09Pero higit na mahalaga
17:10para sa bansa
17:11o gdain nito sa GCC
17:12dahil sa kabuang
17:142 milyong Pilipino
17:15ang nagtatrabaho
17:16sa mga bansa roon.
17:17Inaabangan naman
17:18ang kahinat na
17:19ng kauna-unahang
17:19ASEAN-GCC China Summit
17:21na naganap
17:22ngayong hapon.
17:23Samantala,
17:24magandang balita naman daw
17:25para sa Pilipinas
17:26ang 400 million US dollars
17:27na handang ilaan
17:28ng Asia Development Bank
17:29para sa development projects
17:30ng Pilipinas
17:31na inanunsyo
17:32sa pulo ng BIMP Iyaga
17:33o Brunei Darussalam,
17:35Indonesia-Malaysia-Philippines
17:36East Asia Growth Area.
17:38Ang ADB
17:38tuloy-tuloy ang commitment
17:39has been helping us
17:42helped us
17:43craft the
17:44BIMP Iyaga Vision 2025
17:47and has continued
17:48to work with
17:50the Mindanao Development
17:51Authority
17:51to craft
17:53and come up
17:53with the vision
17:54for 2035.
17:56Mula sa Kuala Lumpur,
17:57Malaysia,
17:58para sa GMA Integrated News,
18:00Ivan Mayrino
18:00nakatutok,
18:0124 oras.
18:03Lubhang nag-usat
18:04at asugatan
18:05ang isang construction worker
18:06na naaya lang umano
18:07sa inuman
18:08sa Rizal province.
18:09Pinagtulungan
18:10at pinantataga
18:11kasi siya
18:12matapos
18:12magkapikunan
18:13ng manghisya
18:14ng sukli.
18:16Nakatutok si EJ Gomez.
18:17Ayan po
18:20ang nangyari
18:21sa kamay niya
18:21na kailang opera po yan
18:23na muntik na pong
18:25maputol
18:25ang kanyang mga kamay
18:26at daliri.
18:28Nabalot
18:28ng benda
18:29at tad-tad
18:30ng mga tahi
18:31ang iba't-ibang
18:32parte
18:33ng katawa
18:33ng 23-anyos
18:34na lalaking yan
18:35na magtatatlong linggo
18:37nang nakakonfine
18:38sa ospital.
18:39Walang habas
18:40siyang pinagtataga
18:41ng kanyang kaibigan
18:42ang kasama niya
18:43sa inuman
18:43noong May 9
18:44sa barangay San Isidro
18:46Taytay Rizal.
18:47Base sa pahayag
18:48ng biktima
18:48sa kanyang live-in partner
18:50pauwi na sila
18:51galing sa isang
18:51birthday party
18:52nang madaanan nilang
18:54nag-iinuman
18:55ang dating elementary
18:56classmates
18:56ng biktima.
18:58Niyaya raw silang
18:58mag-inom.
18:59Sumama raw ang biktima
19:00na nag-abot pa raw
19:01ng sanlibong piso
19:03sa grupo
19:03para ipambili
19:04ng alak
19:05at pulutan.
19:06So nung hinahanap po niya
19:07yung suklet
19:08sinabi po nung
19:09dating niyang
19:11classmates
19:11na 100 lang daw po
19:14yung binigay niya
19:15hindi daw po 1,000
19:16pero nakabili po sila
19:17ng mamahalin na brand
19:19ng alak
19:20tapos may chichiria
19:22sinabi po nung partner ko
19:24na iniis ka muna
19:25yata ako eh
19:26may only 1,000 yun eh.
19:28Napikon
19:29at nagwala raw
19:30ang apat na lalaking
19:31nag-iinuman.
19:32Nakainom na po kasi sila eh
19:33tapos bigla na po
19:34kumuha dun sa may
19:35pinag-iinuman namin
19:36ng tapat ng bahay
19:37na kumuha na po
19:38ng itak.
19:40Tapos doon na po siya
19:41tinabihan siya
19:42kinuha yung si itak
19:43doon na po siya
19:44pinagtataga
19:45ino na po ang tagay
19:46sa may batok po niya.
19:48Ang sospek na nanaga
19:50tinulungan daw
19:51ng tatlong lalaking
19:52kainuman niya.
19:54Ayon sa barangay
19:55may malay pa
19:56ang biktima
19:56paano dumating sila
19:57sa pinangyarihan
19:58ng krimen.
19:59Nadat na namin
20:00yung biktima
20:01nakaupo na
20:02punong-punong na siya
20:03ng dugo niya
20:04mayroon siyang
20:05taga sa lig
20:06sa ulo
20:07sa kamay
20:08sa braso
20:08at saka sa paa.
20:10Wala naman po
20:10kaming
20:11inabot na
20:13tao na
20:14yung tumaga
20:15wala na po doon
20:16kahit po
20:17yung ginamit
20:18na patalim
20:19ay wala na rin po
20:20kaming inabotan doon.
20:22Tatlong beses daw
20:23na inoperahan
20:24ang kamay ng biktima
20:25na nagkatrabaho
20:26bilang isang
20:27construction worker.
20:28Nagsampa na
20:29ng reklamo
20:30ang kampo ng biktima
20:31laban sa mga sospek
20:32sa barangay
20:33at pulisya.
20:34Patuloy
20:35ang investigasyon
20:36ng mga otoridad
20:36sa insidente.
20:38Gayun din ang
20:38pagtuntun
20:39sa mga sospek.
20:40Doon sa lumagamis
20:41mo sa aking partner
20:42sana
20:43mukansensya ka
20:44sumuko ka na
20:46pag nagutan mo
20:48naman yung ginawa mo
20:49sa kalibin ko
20:51sa partner ko
20:53grabe yung paghihirap niya
20:55lalo-lalo na yung
20:57kamay
20:57Diyos kumuntik
20:58ng maputol.
20:59Kami naman po
21:00dito sa barangay
21:00ay laging
21:02nakikipag-coordinate
21:03dito sa ating PNP.
21:04Handa po natin
21:05bigyan ng
21:08katarungan
21:09yung nangyari
21:11sa biktima.
21:12Para sa GMA
21:13Integrated News
21:14E.J. Gomez
21:15nakatutok
21:1624 oras.
21:19Tila lumilinaw na
21:21kung paanong
21:22nakaalis
21:22ng bansa
21:23noong nakaraang taon
21:24si dating
21:25Presidential Spokesperson
21:26Harry Roque
21:28kahit indiksyon siya
21:29ng Immigration
21:30Lookout Bulletin.
21:32Base sa inilahad
21:33na impormasyon
21:33ng Justice Department
21:35dumaan o mano
21:36si Roque
21:37sa backdoor exit
21:39ng bansa
21:39ang tugon ni Roque
21:41sa pagtutok
21:42ni Salima Refran.
21:43Sa gitna ng paghahain
21:48ng reklamong
21:49human trafficking
21:49dahil sa pagkakaugnay
21:51umano niya
21:51sa Scam Hub
21:52sa Porac, Pampanga
21:54tahimik na
21:55nakalabas
21:55ng bansa
21:56noong isang taon
21:57ang dating tagapagsalita
21:58ng Duterte
21:59Administration
22:00na si
22:01Attorney Harry Roque.
22:02Palaisipan noon
22:03kung paano
22:04nakaalis si Roque
22:05na hindi
22:06namamataan
22:06ng mga otoridad
22:07kahit pa may
22:08inis yung
22:08Immigration
22:09Lookout Bulletin
22:10order
22:10laban sa kanya.
22:12Nasa inspeksyon
22:13ng Immigration
22:13Area
22:14ng naiyak
22:14kanina
22:15si Justice
22:15Secretary
22:16Jesus Crispin
22:17Lumuya.
22:18Anya,
22:19nag-backdoor exit
22:20si Roque
22:21nang nakalis
22:22ito
22:22ng bansa.
22:23Sa tawi-tawi
22:24dumaan yan.
22:26Walamang
22:26nagbangka
22:27o nag-speedboat
22:28pagpuntang Malaysia
22:29via Sipadan
22:31and Saba.
22:32Nakumpirma na
22:33lamang
22:33ang lokasyon
22:34ni Roque
22:34nang maghaina
22:35ng counter-affidavit
22:36sa Konsulado
22:37ng Pilipinas
22:38sa Abu Dhabi
22:39United Arab Emirates
22:40noong isang taon.
22:42Sunod na siyang
22:42namataan
22:43ng ma-aresto na
22:44si dating Pangulong
22:45Rodrigo Duterte
22:46sa Daheg
22:47sa The Netherlands
22:47kung saan
22:48meron siyang
22:49asylum application
22:50ngayon.
22:52May warrant of arrest
22:53si Roque ngayon
22:53para sa non-bailable
22:55na kasong
22:55qualified human trafficking
22:57bunsod ng nireid
22:58na scam hub
22:59na Lucky South 99
23:00sa Porak, Pampanga.
23:02Sabi ni Rimuya,
23:03pinapakansila na nila
23:04ang dalawa
23:06hanggang tatlong
23:07passports
23:08na hawak-umano
23:09ni Roque.
23:10Parehong regular passport.
23:11Di bali sana
23:11kung official pa rin siya
23:13meron siyang diplomatic
23:15tsaka meron siyang regular.
23:17Ang alam namin
23:17meron siyang dalawang regular.
23:19At least
23:19dalawa.
23:20Same name, sir?
23:21Same name, same name.
23:23Very similar
23:24or maybe
23:25a difference
23:26in baka middle initial
23:27o kaya second name niya
23:29hindi natin alam.
23:30Papahalukay namin yan
23:31kasi
23:32hindi dapat ginagawa yan.
23:33Sa isang pahayag
23:35tinawag naman ni Roque
23:36na fake news
23:37ang sinasabi ng
23:38Administrasyong Marcos
23:39na meron siyang
23:40multiple passports.
23:42May isa raw siyang
23:42ginagamit na regular passport
23:44dahil puno na
23:45ang nauna niyang pasaporte.
23:47Kanselano na raw ito
23:49habang ang kanyang
23:49kasalukuyang passport
23:51hawak na
23:52ng Dutch authorities
23:53bilang bahagi
23:54ng kanyang asylum process.
23:56Hindi na rin daw niya
23:57ginagamit
23:57ang kanyang diplomatic passport
23:59dahil
23:59matagal na raw siyang
24:00wala sa gobyerno.
24:02Para sa GMA Integrated News
24:04sa Nima na Fran
24:05Nakatutok
24:0624 oras.