Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 2 days ago
24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Kinumpirma ng palasyo na makikipagpulong si Pangulong Bongbong Marcos kay US President Donald Trump sa isang official visit sa Amerika sa Hulyo.
00:10Maliban sa issue ng West Philippine Sea, inaasahang tatalakayin ang ipapataw na dagdagbwis sa mga ine-export ng Pilipinas sa Amerika.
00:19At nakatutok si JP Soriano.
00:21This PLC is the most...
00:51President Trump at the Oval Office and possibly he may also have lunch with him.
00:57Kabilang anya sa inaasahang matatalakay, ang Defense at Maritime Security Assistance ng Amerika sa Pilipinas sa gitna ng pangaangki ng China sa bahagi ng West Philippine Sea.
01:09Gayun din ang ipapataw na 20% tariff sa mga produktong ine-export ng Pilipinas sa Amerika simula August 1.
01:16Bago pa dumating sa Amerika ang Pangulo, ay pupunta na roon si Special Assistant to the President for Investment and Economic Affairs Secretary Frederick Goh para simulan ang negosyasyon para mapababa ang taripang iniutos ni Trump.
01:30It is a meeting that is aligned with what we've always wanted in the first place. Tama-tama lang. Six months after, or about six to seven months after President Trump took office.
01:44Minsan ang nagkita si na Trump at Marcos sa Vatican noong pumanaw si Pope Francis.
01:49Pero dati nang nakilala ni Trump si Pangulong Marcos, noong presidential son pa lang siya, noong panahon ng pamumuno ng kanyang ama na si Ferdinand Marcos Sr.
02:00Para sa GMA Integrated News, JP Soriano, nakatutok 24 oras.
02:06Tumanggi si Negros Oriental Representative Arnie Tevez na magain ng plea sa kasong paglabag sa Terrorism Financing Prevention and Suppression Act.
02:16Kaya ang korte ang nagain ng not guilty plea para po sa kanya.
02:20Ayon sa kanyang abugado, online ang pagdalo ni Tevez sa arraignment dahil iniinda pa ang panalakit ng tiyan kasunod ng kanyang operasyon itong Hunyo.
02:27Bago niyan ay hindi rin nagain ng plea si Tevez sa mga kasong illegal possession of explosives at illegal possession of firearms and ammunition pati na sa multiple murder case
02:38kaugnay sa pagpaslang kay dating Governor Roel De Camo.
02:41Kinwestiyon ng ilang health group ang pagkakatalaga kay bagong Presidential Communications Office Secretary Dave Gomez na matagal na naging bahagi ng tobacco industry.
02:53Sagot ng kalihim, matagal na siyang retired at isa na lang private citizen.
02:59Nakatutok si Maris Umali.
03:00Bago pa man makapanumpa ngayong hapon, kinwestiyon na ng ilan ang pagkakatalaga kay bagong Presidential Communications Office o PCO Secretary Dave Gomez
03:13na bahala ang ilang health groups sa anilay conflict of interest ng pagtalaga sa isang matagal nang naging executive ng tobacco industry
03:21sa posisyong responsable sa komunikasyon at pagkapakalat ng impormasyon mula sa pamahalaan.
03:27Pangamba nila magamit ang tinig ng gobyerno upang maisulong ang interes ng tobacco industry, lalot na sa posisyon nito, lahumubog ng public opinion.
03:36Sabi pa ng civil society groups, tahasang nilalabag ng appointment na ito ang World Health Organization Framework Convention on Tobacco Control,
03:44isang kasunduan nilagdaan ng Pilipinas kung saan obligado ang mga pamahalaan na ilayo ang paggawa ng mga polisiya mula sa impluensya ng tobacco industry.
03:55Panawagan nila sa Commission on Appointments pag-aralan ng epekto ng kumpirmasyon kay Gomez.
04:00If that's their opinion, I will respect that. But again, this is not about me. This is about the President and how he socialize his programs and policies. This is not about politics.
04:11Paglilinaw ng kalihim.
04:12Well, I'm not part of the tobacco industry anymore. I retired already. I'm a private citizen when I joined the government.
04:19Nagpasalamat siya kay Pangulong Bombong Marcos at tiwala at kumpiansa sa kanyang kakayahan.
04:24I intend to repay that trust with my 100% commitment and focus on this role.
04:31A healthy democracy depends on an informed public. That's why we must continue to promote government transparency,
04:38safeguard press freedom, and defend every citizen's right to free speech.
04:45Asahan anyang ipararating niya sa publiko ang tinawag niyang 3Ps minus 1.
04:50Programs and policies of the President minus the politics.
04:54Nang tanongin naman kung apektado ang Pangulo sa mga batikos sa bagong PCO chief na pumalit kay Jay Ruiz.
05:01Malamang ay hindi naman po apektado ang ating Pangulo pero sabi nga natin lahat naman po
05:06ng mga heads of the agencies, cabinet secretaries, laging on notice.
05:13Para sa GMA Integrated News, Mariz Umali na Katutok, 24 Oras.
05:22Magandang gabi mga kapuso.
05:23Ako pong inyong Kuya Kim na magbibigay sa inyo ng trivia sa likod ng mga trending na balita.
05:28Isang sikat na auction house sa New York sa Amerika ang naghahanap ngayon ng interested buyer.
05:33Ang item na for sale, skeleton o mga buto ng tanging juvenile dinosaur mula sa late Jurassic period na nadiskubri sa kasaysayan.
05:40Ang presyo nito, daan-daang milyong piso.
05:44Magmamain ka ba?
05:49Anong gagawin mo kung meron kang daan-daang milyong piso?
05:53Ibili ng bahay?
05:54Kupa?
05:55Potsi?
05:57Handa ka bang pilihin ito?
06:00Ito ang rare juvenile ceratosaurus skeleton na nakatakdang isubasta sa New York.
06:07Ang tinatayang presyo nito, nakakalula.
06:09Mula 4 million dollars o may 225 million.
06:12Nakakal 6 million dollars o may 338 million.
06:18Ang ceratosaurus isang carnivorous dinosaur na nabuhay sa North America, Africa at Europe.
06:23Dumingate Jurassic period.
06:24O 161 million years hanggang 146 million years na ang nakaraan.
06:29Meron tungtila sungay sa ilong.
06:31Bony armor sa likod.
06:33Dahil sa malalakas na itong binti, pinaniniwalaan na maliksitong tumilos at mabilis na tumakbo.
06:37Sa kasaysayan, apat na ceratosaurus fossil pa lang na na-discovery.
06:42At sa apat na ito, iisa lamang ang juvenile o bata pa.
06:46Ang juvenile ceratosaurus skeleton na hukay sa Wyoming sa Amerika noong 1996.
06:51Matapos ang halos tatong dekada mula noong na-discovery,
06:53isusubasta na ang mga ito sa New York sa buwang ito.
06:57May magsicheckout kaya sa dinosaur skeleton na ito?
06:59Yan ang ating pakakaabangan sa mga susunod na araw.
07:03Pero kung lalula kayo sa presyo ng juvenile ceratosaurus,
07:06paano na lang kung malaman nyo ang presyo
07:08at kinuturing ngayon ang most expensive dinosaur fossil sa buong mundo?
07:11Ito si Apex, isang stegosaurus na tinatayang 150 million years na ang tanda.
07:24Ang skeleton ito na-discovery sa Colorado noong 2022.
07:28At dito na nakaraang taon,
07:29nasubasta ito sa record-breaking price na 44.6 million US dollars
07:34o mahigit 2.5 billion pesos.
07:36Ito ngayon ang tinuturing ng most expensive dinosaur fossil sa buong mundo.
07:41Samantala, para malaman ng trivia sa likod ng parang na balita,
07:44i-post o i-comment lang,
07:45Hashtag Kuya Kim, ano na?
07:47Laging tandaan, kimportante ang may alam.
07:50Ako po si Kuya Kim, at sagot ko kayo, 24 oras.
07:55Bistado ang umano'y pamemengke
07:57sa mga lisensya ng mga piloto at aircraft maintenance technician
08:02na dapat ay Civil Aviation Authority of the Philippines.
08:06Ang nag-i-issue.
08:08Bawal niyan.
08:09At delikado.
08:10Lalo't nakasalalay sa kanila.
08:12Ang siguridad at kaligtasan ng mga pasahero.
08:16Nakatutok si Marisol Abdurama.
08:21Matapos may abot sa nagkunwaring buyer ang mga peking lisensya
08:24at tanggapin ang ibinaya ng marked money,
08:27agad inaresto ng NBI ang suspect na ito sa Maynila.
08:30Inoperate ang subject.
08:32Matapos idulog ng Civil Aviation Authority of the Philippines
08:35ang umano'y pamemengke ng mga lisensya ng Kaap,
08:37kabilang na ang pilot's license at aircraft maintenance technician.
08:42Weeks ago, may lumalabas daw po na gumagawa ng peking lisensya.
08:46So we immediately asked assistance from NBI.
08:50Ayon sa NBI, 15,000 pesos ang singilang mga suspect
08:54sa mga nagpapagawa ng peking lisensya.
08:56Ongoing sa online ito for quite some time, more than a year.
09:01Hindi raw masabi ng Kaap at NBI sa ngayon
09:04kung merong kasabuat na Kaap personnel sa operasyon ng grupo
09:07na hindi raw basta-basta ayon sa mga otoridad.
09:10Iba yung tigagawa, iba yung tigatransact.
09:14So medyo may mga security precautions din
09:18ang ginagawa itong ating mga subjects.
09:19Kaya medyo hindi ito mababaw na transaction lamang,
09:24maaaring isang sindikato.
09:25So we will dig deeper.
09:41Ayon sa Kaap, mabusisi ang proseso ng pag-issue ng mga lisensya.
09:46Lalo't nakasalalay dito ang aviation safety and security.
09:49Siyempre po, pagka hindi po totoong lisensyado yung technician na ito
09:55at sila'y nag-perform ng maintenance check doon sa aeroplano,
09:59that is something wrong and bad.
10:01Isolated case lang ito.
10:03Kasi una, digitalized na tayo sa Kaap.
10:06So malaki talaga improvements.
10:08And besides, talagang kailangan magpunta sila sa Kaap
10:11for validation.
10:14Hindi naman itinangginang ng huling suspects ang paratang.
10:17Bagamat sabi niya, fixer lang daw siya.
10:20Saan ang pumatuhan ng customer sa Kaap mismo?
10:24Saan?
10:25Diyan lang.
10:26Diyan lang siya.
10:27I-contact ka po sa Kaap.
10:29Saan?
10:30Patuloy ang embisigasyon para matukoy ang mga kasamahan ng suspect.
10:36Para sa GMA Integrated News,
10:39Marisol Abduraman.
10:41Nakatuto, 24 oras.
10:42Nanguna ang pagkontrol sa bilis ng pagmakal ng mga bilihin at serbisyo o inflation
10:48sa mga gustong marinig ng mga Pilipino sa State of the Nation address ni Pangulong Bongbong Marcos.
10:5432.9% ang nagsabing gusto niya na itong talakayin sa SONA
10:58ayon sa survey ng Pulse Asia mula po nitong June 26 hanggang 30.
11:02Kasama rin sa mga isyong gustong marinig ng mga Pilipino ay ang
11:05Umento sa sahod, kapayapaan, dagdag trabaho at kabuhayan at pagsugpo sa kahirapan at gutom.
11:12Face-to-face ang survey sa 1,200 Pilipino, edad 18 pataas.
11:17Meron itong plus-minus 2.8% error margin at confidence level na 95%.
11:25Pinakakasuhan ng Ombudsman ang ilang dating opisyal ng DepEd at DBM
11:29kabilang sinadating Education Secretary Leonor Briones at dating Budget Undersecretary Christopher Lau.
11:36Kasong graft and falsification ang inirekomendang kaso ng Ombudsman
11:40kaugnay sa manumalyang pagbili ng mahigit 2.4 billion pesos na laptop.
11:46Gagamitin sa implementasyon ng distance learning noong COVID-19 pandemic
11:51ang mga laptop na idinaan ang pagbili sa procurement service ng Department of Budget and Management.
11:57Na-flag yan ng Commission on Audit Ocoa dahil may mas mura umano at mas maganda kesa sa mga biniling laptop.
12:05Dahil overpriced umano, kukonti ang nabiling laptop.
12:09Nang hinga ng pahayag, sinabi ni Briones na kukonsultahin pa niya ang kanyang mga abogado.
12:15Sinusubukan din naming makuha ang panig ng iba pang pinakakasuhan.
12:18Isang maningning na gabi ang mapapunod ngayong weekend tapok ang pagdiriwang
12:28na puno ng pasasalamat, kasiyahan at powerful collaborations na tatatak kapuso.
12:34Yan ang Beyond 75, the GMA Anniversary Special na e-ere bukas ng gabi sa GMA at GMA Pinoy TV.
12:42Makichika kay Nelson Canlas.
12:43Isang gabi na puno ng kapuso stars at major milestone throwbacks
12:51para ipagdiwang ang 75 taon ng kapuso network,
12:56ang Beyond 75, the GMA Anniversary Special.
13:00Slay sa red carpet ang pinakahinahanga ang kapuso stars.
13:03Gayun din ang GMA Integrated News at GMA Public Affairs personalities
13:10na patuloy na nagpapakinang sa kapuso network.
13:14Karamihan sa mga dumating sa grand event,
13:16naging emotional habang inaalala nila ang naging journey and milestones as a kapuso.
13:22That moment na I stepped in GMA, dahil syempre ako sa, you know, like fresh graduate from college
13:30and to be in that, you know, like building na malaki and I knew na that was the real world,
13:37it was something for me.
13:39Yun yung pinaka-importante, yung milestone ko sa GMA na meet ko si L.
13:43Kasi yun yung pinaka-permanent na desisyon na gagawin mo, diba, yung pipiliin mo yung partner mo.
13:49Marami pa po akong gustong gawin, marami pa akong gustong gawin
13:52at marami na rin ginawa ang GMA na tinupad yung mga pangarap ko.
13:56At dahil Diamond Anniversary ng GMA, siniguro ng kapuso network
14:00na ang pinakamaninding ng mga bituin ang magtatanghal sa programa.
14:04Sa Beyond 75, mapapanood ang ilang powerful kapuso collaborations
14:08na siguradong tatatak sa mga manunood.
14:11May electrifying production numbers din mula sa mga sangre ng Encantadia Chronicles.
14:18Lahat yan, pagpapakita ng kapuso network na patuloy na susulong sa higit pa sa 75 years of excellence,
14:27service and quality entertainment.
14:30Pasasalamat din ito ng mga kapuso artists sa network na kumalinga sa kanila
14:35at sa mga kapuso viewers na patuloy na tumatangkilig.
14:39Mas nakakatawa yung 75th anniversary na meron at kasama tayo.
14:46Puro pasasalamat lang kaya I'm so happy to be part of the 75th anniversary of GMA.
14:51Happy 75th anniversary, kapuso.
14:54Mapapanood ang Beyond 75th anniversary special bukas July 12, 7.15pm sa GMA at GMA Pinoy TV
15:05with live streams sa GMA Network YouTube channel at iba pang GMA online platforms.
15:12Nelson Canlas updated sa Shoebiz Happenings.
15:16Hindi na lang mga sasakyang iligal na nakaparada ang umahambalang at nagdudulot ng traffic.
15:24Sa tondo sa Maynila, kabilang sa mga nasita, ang itinatayong coffee shop sa bangketa.
15:31Nakatutok si Oscar Oida.
15:33Sa kahabaan ng Velasquez Street sa tondo, Maynila, bumungad sa MMDA Special Operations Group Strike Force
15:42ang ilang illegally parked na sasakyan.
15:45Yung mga walang driver, hinatak.
15:48Pati mga sidecar na iniwan sa bangketa, goodbye na rin.
15:52Yun na mga mga tindahang umabot na sakali ang kalakalan, pinagkukuha pati mga trapal.
15:58Paulit-ulit natin i-operate po itong mga kalsadang ito.
16:02And take note, kahit na masikip po ito, it's considered a major road dito po sa tondo
16:08na kung saan dinadaanan po ito ng taong bayan, dinadaanan po ng mga trucks, mga delivery of goods
16:13and syempre yung mga trailers po dahil ito po ay tumatagos papuntang Onorio Lopez Boulevard.
16:18Sa May Onorio Lopez sa Balotondo, mga naglalaki ang trailer trucks ang nahuling nakaparada ng alanganin.
16:25May graay kami sa loob, kaso may patay. May patay doon sa dahanan namin. May kobol.
16:33Hindi kami makadaan.
16:36Nagpapay nga po, kunti na po, babayin namin po sa peri. Loaded po kasi, loaded.
16:41Sinitariin ang mga karinderyang umaabot sa bangketa ang mga mesa at ubuan.
16:47At mantakin nyo, sa Dagupan Extension, may coffee shop umanong itinatayo sa bangketa.
16:53Ang bangketa, agad itong pinagbabaklas na matauan ng MMDA.
16:58Pareho rin ang sinapit ng isang kainan na nasa bangketa na rin umano ang operasyon tuwing gabi.
17:04Ang mga sidewalk po, hindi po yan pwede maging extension ng ating negosyo.
17:07Ito po ay para sa malalakaran ng taong bayan.
17:11At lalong-lalong po, mga estudyante, mga bata, we have to adhere to the safety ng lahat po ng mga road users.
17:17Sa kalapit na kalsada ng Perfecto Street, tinanggal naman ang dalawang basketball post na sinisisi ng mga residente
17:24kung bakit hirap makadaan ang mga sasakyan.
17:28Nang tanungin ang barangay tungkol dito.
17:31Ito yung nakarana ng ano kasi kami sa paligat.
17:34Ililigpit na po namin tas binigyan na lang kami ng oras.
17:36Dapat wala pong gate dahil pampublikong kalsada po ito.
17:40Wala po kayong ordinansa na pwedeng isara po ang kalsada.
17:43Binalikan din ang MMDA ang kahaba ng Chino Ross Extension sa may parting Makati at Taguig.
17:49Pinagtitikitan ang mga driver na nakaparada ng alanganin sa gilid ng kalsada.
17:55Mangilang besa itong binabalik-balikan ng mga enforcer dahil sa kaparehang reklamo.
18:00Lagi po natin sila natitikitan.
18:02It needs a behavioral intervention.
18:04So definitely we will be consistent.
18:07We will intensify.
18:09Para sa GMA Integrated News, Oscar Oida nakatutok 24 oras.
18:14Isa pang minor na edad na suspect sa kaso ng brutal na pagpatay sa isang honor student at incoming freshman sa Tagum City ang nahuli na.
18:24Bago siya, nahuli na rin kahapon ang dalawa sa apat na suspect na edad, labing apat at labing pito.
18:29Patuloy ang pagtugi sa isa pang suspect.
18:32Batay sa investigasyon ng pulisya, pagnanakaw ang pakay ng mga salarin pero nagising daw noon ang biktima kaya nila ito pinatay.
18:40Nananawagan ang ustisya at nagpaabot ng pakikilamay at Teneo de Davao University kung saan siya nagtapos ng senior high school bilang third honorable mention.
18:49Gayun din ang UPD Liman na papasukan niya sana bilang freshman.
18:53Patuloy na sinusubukan ng GMA Original TV na makuha na ng pahayag ang pamilya ng biktima pero ayon sa pulisya, nakikipag-ugnayan sa kanila ang mga magulang ng biktima sa pagsasampah ng reklamo.
19:05Formal nang nagtapos ang makasaysayang centennial season ng NCAA na mas pinakulay ng mga kwento ng tagumpay ng mga student-athlete.
19:14Pinakilala na rin ang Mapua University bilang host ng season 101.
19:20Nakatutok si Martin Javier.
19:23Maaksyon at makasaysayan.
19:30Sa dalawang salitang yan, maaalala ang mga naging tagpo sa NCAA Season 100.
19:36Sa isang turnover ceremony na ginanap sa Intramuros.
19:40Formal nang nagtapos ang centennial season ng Liga.
19:44Present sa event ang mga miyembro ng NCAA Policy Board at Management Committee.
19:49Dinaluhan din ito ni GMA Senior Vice President and Head of GMA Integrated News, Regional TV and Synergy, Sir Oliver Amoroso.
19:59Inalala ang mga naging kampiyon sa ibat-ibang events.
20:04At mula sa mga kuponang nagwagi, binagyang parangal ang overall champions.
20:11Parehong nakuha ng San Beto University ang kampiyonato sa Juniors Division at Seniors Division.
20:18Thank you so much for the love, for the support, and for the overwhelming resilience of the NCAA Season 100.
20:27Ipinasa na rin ang responsibilidad bilang host school ng Lyceum of the Philippines University
20:33sa pangunguna ni Policy Board Member, Attorney Roberto Laurel, sa Mapua University,
20:39na pinangungunahan naman ni Dr. Doji Maestre Campo.
20:43I am very happy and proud to have turned over this afternoon the hosting to our new host for Season 101, Mapua University.
20:54Season 101 is a milestone for NCAA because we're turning on to the new century, first year of the second century for NCAA.
21:06We will be honoring the legacy that NCAA has created.
21:11Kaabang-abang naman ang paparating na basketball season.
21:14Dahil sa isang bago at mas exciting na tournament format.
21:18This would give new life to the events like basketball and volleyball.
21:29And we're open to this proposal of the Mancom.
21:36And we're hoping that this would make the games more exciting.
21:41Magsisimula ang NCAA Season 101 sa darating na Oktubre.
21:46Para sa GMA Integrated News, ako si Martin Avier. Nakatutok 24 oras.
21:54Dahil pa rin sa masamang panahon na lubog sa baha ang ilang bahagi ng Mindanao,
21:57may nasawi pa ng mapagsakanang nabual na puno.
22:01Nakatutok si Ivan Mayrina.
22:04Huwag lang dalawin, tayo tanong gawin nyo dyan.
22:06Tulong-tulong sa paglimasang baha ang mga esudyadi sa paaralan ito sa Palimbang Sultan Kundarat.
22:11Ayos sa isang guro, wala pa isang oras ang ulan nang pasukin na ng baha ang ilang classroom.
22:18Kaya napilitan silang itigil ang klase.
22:21Sa gitna ng masamang panahon sa bayan ay nabagsakan ng puno.
22:24Kaya nasawi ang isang rider.
22:26May mga tinamaan din ang kawad ng kuryente.
22:30Sumubay naman sa ulan ang malakas sa hangin sa bayan ng Esperanza kahapon.
22:34Natukla pa ng bubong ang isang bahay roon.
22:40Malakas din ang ulan kagabi sa ilang bahagi ng Maguindanao del Norte.
22:43Kaya nagbistulang ilog ang ilang kalsada.
22:47Binaharin ang ilang kalsada sa bayan ng Dos.
22:49Pinasok din ang tubig ang ilang bahay.
22:52Maging sa Bulacan bumaha sa ilang bayan dahil sa magdamag na ulan na sinabayan ng high tide.
22:57Tulad sa giginto kung saan pahirap sa mga motorista ang gutter deep na baha.
23:01Sa bayan ng Bulacan, hanggang baywang na ang baha.
23:05Kaya may mga nagbangka para makabiyahe.
23:08Ayos sa pag-asa, epekto ng habagat ang masamang panahon.
23:12Para sa GMA Integrated News, Ivan Mayrina nakatutok 24 oras.
23:20Diret siyang nilainaw ni Barbie Forteza kung sila ba ng actor at kapwa runner na si Jameson Blake
23:26nang sumalang siya sa GMA Integrated News interviews.
23:29Napag-usapan din ang isang litrato sa GMA Anniversary kung saan kitang nagkaharap sila ng ex na si Jack Roberto.
23:37Ang reaksyon niya sa chika ni Nelson Canlas.
23:44Barbie Forteza is definitely having a good year.
23:49Career-wise, nakakadalawang malalaking proyekto na siya halfway through 2025.
23:54Kabilang dyan ang pinapangarap niyang suspense horror film mula sa GMA Pictures na P-77
24:01na ipapalabas sa July 30, a day before her birthday.
24:10Sinubok daw sa pelikula ang kakayahan ni Barbie as an actress.
24:14Sumabay pa ang shooting ng pelikula habang ginagawa ang pulang araw.
24:19Isang proyekto na nag-demand ng maraming emosyon mula sa kanya.
24:23Hindi ka na ba, Leon?
24:25Yun yung medyo naging fear ko at the time, to be honest.
24:29And sabi ko nga, kaya malaking tulong sa akin na malakas yung support na nakukuha ko from my team,
24:39from my family kasi they keep me grounded and they keep me sane.
24:45Then there's Beauty Empire, kung saan kasama ang kanyang best friend na si Kayleen Alcantara,
24:51beauty queen actress Lupa Gutierrez.
24:53Kasama rin nila si Korean actor Choi Bo-min
24:56at kinakaaliwan pa online ang kanilang eksena.
25:06Super na-appreciate ko nun si Choi Bo-min.
25:09Kasi kinukorrect niya naman ako kung mali ako eh.
25:12Pero yung Omeri, very good niya ako nun.
25:14I had to watch it multiple times eh.
25:16Kasi natutuwa ako sa'yo.
25:18Parang, ah parang, di na ba ito?
25:21Ah, hindi. And I had to learn it just what, 15 minutes before the take.
25:27Yung mga Korean lines ko, laging surprise eh.
25:30Puno ng pasasalamat si Barbie sa kanyang mga kwento.
25:34Natutupad daw kasi ang kanyang mga pinapangarap lang noon.
25:37Aminin ko, sa takbo ng karera ko in what, in my 16 years in the industry,
25:43I've had my highs and lows.
25:45Pero ang naging consistent since day one, yung respeto sa akin ng mga tao.
25:50Even the people around me see how much I respect everyone's time,
25:56my craft, my passion, and yung trabaho ng lahat.
26:02Hindi ko pinalampas ang pagkakataon na matanong si Barbie sa mga lalaking na link
26:06o kaya'y bahagi ng buhay niya,
26:09kabilang ang kanyang best friend na si Alden Richards.
26:12I would consider Alden as one of my constants talaga.
26:18Yung pag may problema ako,
26:19Alden, ganito, ganyan, ganyan.
26:21Hindi naman ako nangungutang eh.
26:23Pero like, hindi naman.
26:26Hindi naman ganong level.
26:28Pero like kung kailangan ko lang ng, kunyari, advice.
26:32Nilinaw din niya ang naging usap-usapan online
26:35sa pagkakaugnay niya sa kapwa aktor na si Jameson Blake.
26:38Actually, maraming nang medyo na-confused kasi paano naman nag-cruise ang landas namin, diba?
26:44So yun, nagkasama kami sa pelikula.
26:47Itong recent run namin, siya naman yung nag-invite.
26:51Just like how my other runner friends invite me to run.
26:56So yun lang yun, yun lang talaga yun.
26:59And we are not together.
27:02We run together but we're not together.
27:04Yan, ganyan.
27:07Aminado rin si Barbie.
27:08Na mas close na sila ni David Licauco.
27:11Simula ng taon na ito, I would say na we've grown closer talaga.
27:15As compared to before.
27:17I think the care that we have for each other is really genuine.
27:21Pinag-usapan din namin ni Barbie ang muling pagkikita nila ng ex-boyfriend na si Jack Roberto.
27:28Sakuhang ito noong Beyond 75 anniversary event ng GMA Network.
27:33Makikitang nag-usap si Jack at Barbie.
27:36Halos 6 na buwan matapos kumpirmahin ni Barbie, na break na sila.
27:41Can you share a little bit of kung ano yung nangyari?
27:43Well, about that, since there was a photo that came out, I think I don't have to discuss it any further.
27:50Yeah, kasi may photo naman na nalumabas.
27:52Pero that's just about it.
27:54Yes, oo.
27:55Sorry, let me rephrase na lang.
27:56I don't want to discuss it any further.
27:59Nelson Canlas updated sa Showbiz Happenings.
28:02At yan na mga balita ngayong biyernes.
28:07Ako po si Mel Tianco.
28:09Ako naman po si Vicky Morales para sa mas malaking mission.
28:11Para sa mas malawak na paglilingkod sa bayan.
28:14Ako po si Emil Sumangio.
28:15Mula sa GMA Integrated News, ang News Authority ng Pilipino.
28:19Nakatuto kami 24 oras.

Recommended